Things are Not Always As They Seem
"Ba't ka natawa? Seryoso ako. Hindi kita jino-joke time."
"Sabi mo, it-tour mo ako? Ikaw talaga! Mamaya, marinig ka pa no'n." Tumigil na ako kakatawa at baka mainis pa si Rose. Eh kasi naman... Idinaan ko na lang talaga sa tawa.
Nagpatuloy kami sa paglalakad paakyat ng malawak nilang bahay... Mansyon 'to! Grabe, ang yaman pala talaga ng angkan nila.
Patuloy akong namangha sa gara ng mansyon nila. Hindi na nagsasalita si Rose kaya sinusundan ko na lang siya kung saanman siya papunta. Mabagal lang ang lakad niya kaya binagalan ko lang din.
"Eh ano naman kung marinig niya? Alam mo ba na bukam-bibig ka no'n kapag nagkakakwentuhan kami?"
"Hep! Hindi ako naniniwala. Eh, hindi naman 'yon pasalita! Minsan lang naman yata kayo magkwentuhan, tapos sa minsan na iyon, baka palagi niyang nasasambit ang pangalan ko. Alam mo kung bakit? Kasi secretary niya ako sa org namin, sa SEPaKK, at paboritong utusan. Then, magkasama kami sa isang research, kami ang partners doon," paliwanag ko.
Huminto naman si Rose at humarap sa'kin na medyo ikinagulat ko pa.
"Sis, kung alam mo lang talaga! Saka isa pa, ngayon lang kaya siya nagkaroon ng pake sa ibang babae. Nagpaangkas pa sa motor, huh? Oh, sige nga, ngayon mo sabihing wala siyang gusto o hindi siya interesado sa'yo."
Natigilan lang ako. Gusto ko siyang ngiwian, pero idinaan ko na lang sa pagbubuntong-hininga ang pag-misinterpret niya sa lahat ng ginagawa ng pinsan para sa'kin.
"Saka paano mo maipapaliwanag iyong sinabi niya sa'kin. Ano nga 'yon? Na hinahangaan ka raw niya? Something like that eh," dagdag pa ni Rose.
"Baka naman... medyo humahanga lang siya sa'kin? Baka ang ibig niyang sabihin doon ay dahil working student ako. Gano'n siguro! Nasabi na rin niya sa'kin 'yun before."
Well, gabi-gabing sinasabi ni Josiah sa'kin na hinahangaan niya ang pagiging matatag ko sa lahat ng bagay. Hindi na iyon bago sa'kin.
Saka ang sabi niya, si Zendaya ang crush niya. Eh sino pa ba ang kilala kong Zendaya? Si Yzen lang naman.
"Ewan ko sa'yo, girl." Huminga siya nang malalim na parang dismayadong-dismayado at dumungaw.
Kung siya ba ako, bibigyan niya ba agad ng malisya ang gagawin ng isang lalaki para sa kanya? Madali lang tuksuhin ang iba, pero kapag ba siya ang nasa sitwasyon?
Madaling umasa pero mahirap ma-disappoint at masaktan sa huli, so don't expect kasi baka delusyon lang.
"Hindi lahat may meaning, Rose. Isa pa, hindi ko type ang pinsan mo." Napanguso na lang ako.
"Huh? Mabait naman siya, ah? Pero pansin ko, ibang klaseng bait ang ipinapakita sa'yo. He's naturally kind, yes, but he's genuinely kind to you. Huwag ka naman sanang magpakamanhid kung meron mang meaning 'yon, kaya try to ask him... Kailan mo malalaman kung meron nang meaning o wala pa rin? Kapag huli na ang lahat?"
"Bakit ayaw mag-direct to the point kung gano'n? Depende na lang siguro sa tao, Rose. Kung may gusto ako kay Josiah, baka nga bigyan ko ng meaning 'yang mga sinasabi mo. Pero wala. Isa pa... tingin ko naman, medyo close na rin kami. Magiging honest naman siguro siya kung meron man ngang meaning."
Mahirap ipaliwanag sa kanya kasi hindi naman niya alam ang buong kwento.
Hindi nila alam kung bakit nagmamalasakit nang ganito si Josiah sa'kin. Hindi ko naman sila masisisi kasi kahit naman ako, hindi ko akalaing magiging ganito kabait sa'kin si Josiah. Na may sympathy pala talaga siya.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...