Unexpected Confession is Sometimes the Best
"Kahapon ko lang nakitang tao si Morris, 'no?"
"Gwapo naman pala siya eh."
"Oopps, hinay ka sa pagsasalita. Baka nakakalimutan mo mga issues niya... Ay 'di ba, 'yan 'yung lagi niyang kasama na babae na kaklase rin ni Rose? Halika na nga, baka isumbong pa tayo."
Akala nila, hindi ko sila naririnig dahil naka-focused ako kunwari sa notebook na dala ko habang nadaanan ko ang mga chismosa.
Nasaan nga ba ang lalaking iyon?
Wala sa laboratory. Hindi na rin siya nag-reply kagabi matapos kong sabihing nakita ko ang baby pictures niya. Feeling ko, nagalit. Kasi pinakialaman ng pinsan niya 'yon tapos ipinakita pa sa iba... Pero ang cute niya pala no'n. Ang taba pala niya nu'ng baby pa siya? Iyon na nga, eh. Sinabihan ko na nga siyang cute siya noon, nagalit pa rin. Ba't naman siya magagalit sa'kin?
Hindi na nga ako magiging harsh kay Josiah! Gusto kong tumaas pa lalo ang self-esteem niya para maniwala siya sa mga complements sa kanya.
Ba't kasi kailangan pang makaranas ng iba ng pambu-bully, eh? Wala talagang mabuting dulot. Ano bang napapala ng Arabella na 'yon sa pagiging mapagmataas niya? Hindi ko talaga maintindihan ang logic ng mga bully tulad niya. Fame ba ang gusto nila? Ang kitid ng utak nila para isiping doon lang pwedeng makuha iyon.
"Oh, MJ!"
"Nat! Pasaan ka?"
Nadaanan ako ni Natasha habang nagmumuni-muning nakaupo sa bench. Pinalitan kasi ako ni Kuya Luke sa pwesto ko sa SEPaKK at magpahinga raw muna ako. Hindi na ako tumanggi dahil kanina pa akong nakatayo roon.
"Canteen. Wala kang kasama? Himala yata?" tanong niya rin sa'kin.
"Wala akong kasamang kumain ngayon. Pinatawag kasi saglit si Yzen ng PE club, sinamahan naman ni Ava."
"Ahhh, oo. Pinatawag din si Kai. Siguro dahil mga nanalo sila kahapon. Nakaka-proud, 'no?"
Ngumiti lang ako at tumango-tango. Sumama na ako sa kanya.
"Akala ko talaga, si Kuya Josiah ang mananalo."
Ngayon ko lang napansin na tinatawag din palang kuya ni Nat si Josiah.
"Ako, walang idea kung sino talaga. Mukhang lahat naman sila, ginawa ang best at magagaling din. Siguro nangibabaw lang ang angas ng pagrampa ni Kai," sabi ko na lang.
"Ehem."
Para akong pusang nagulat. Nagtayuan ang balahibo ko nang may tumikhim sa likuran namin.
"Hindi ka man lang nag-text na papunta ka na palang canteen," tila sermon ni Natasha kay Kai.
"Kayo, ha, pinag-uusapan niyo kami kapag wala kami," sabi naman ng lalaking kaharap ko ngayon.
Magkasama sila ni Kai. Buhok agad niya ang napansin ko. Nakaayos na naman kasi.
"N-Nasaan sina Yzen?" tanong ko na lang.
"Uhm, oo nga. Hindi namin kasabay ang dalawa eh. Sinamahan ko pa kasi si Kuya Josiah sa lab, may nilagay siya muna ro'n, kaya magkasama kami ngayon. Ewan ko kung nasaan 'yung dalawa."
"Baka kasama si Rose. Nagpaalam si Rose na kakain siya sa labas eh," sabat ng isa.
"A-Ahh. Sayang hindi kami nakasama ni Nat."
"Ayaw niyo ba kaming kasama?!" angal agad ni Kai. Natawa lang si Natasha sa kanya.
"Tara na um-order," pagyaya na ni Josiah.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...