☆*:・゚ 40 ゚・:*☆

36 3 0
                                    

Dedicated to EniahFronda.

Finally!

"Tita!"

Napatingin ako sa kakapasok lang. Si Noah pala, panganay na pamangkin ko kay Kuya Marko. Kasama nito ang anak ni Kuya JM.

Pinuntahan pa talaga nila ako rito sa office.

"Oh, sinong kasama niyo? Hello, Bebe Tom!" Kinarga ko ang pamangkin ko kay Kuya JM na tumakbo palapit sa akin. "Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong ko ulit kay Noah.

"Tata! Ada! Love, love. Avuu!"

Barok magsalita ng Tagalog ang anak ni Kuya JM, palibhasa sa Italy talaga lumaki. Bulol pa lalo dahil bata pa. Pero, marunong namang mag-English kasi iyon ang gamit namin sa tuwing nakakausap siya sa tawag. Tinuturuan na rin nina Kuya JM magsalita nang Tagalog ngayon para nga kapag tulad nito na uuwi sila ng Pinas, makaintindi kahit papaano ng salita rito.

"Tulog po kanina pagkaalis namin sina Roid at Marcus, eh. Gusto nila sana sumama, kaso napagod po yata sa byahe at kakalaro."

Puro mga lalaki ang naging pamangkin ko sa parehong lalaki ko ring kapatid. Kaya kung magkakaanak man ako, gusto ko sana ay babae ang maging panganay ko, iyon din ang hiling nina Papa at Mama. Kaso, paano? Eh, sa mga nakalipas na taon, wala naman akong naging boyfriend. May mga nagparamdam, pero puro hanggang doon lang. Kaya ibinuhos ko na lang ang atensyon sa pag-aaral at career ko. Magpahanap na lang kaya ako kay Kuya JM doon sa Italy?

Bigla akong natawa nang mag-isa sa naisip.

Sa mga nakalipas na taon, sampu mahigit... ang daming nangyari.

Si Kuya JM, nakahanap ng trabaho abroad, sa Italy specifically. Sa tagal niya roon, doon niya na rin nakilala ang napangasawa at ito nga, nagkaanak sila ng isa. Italyana ang napangasawa niya, kaya iba ang mukha nitong anak niya, halatang may lahi. Lagi ko lang nakakausap itong batang 'to sa video call, ngayon nakarga ko na sa wakas! Ang cute-cute!

Si Kuya Marko naman ay nagkapamilya na rin at stable na ang trabaho. Production manager na siya sa isang factory. Nang mag-asawa siya ay bumukod na siya ng bahay. Sa Taguig na sila nakatira, lumuwas lang dito sa probinsya para bisitahin kami, umuwi pati kasi sina Kuya JM.

Kaya naman, ako na lang talaga ang kasama sa bahay nina Papa at Mama. Napaayos ko na rin ang dati lang naming bahay na puro kahoy at yerong makalawang. Since ako naman ang kasama nila, sinagot ko na lahat ng pagpapagawa sa bahay. Si Kuya JM at Kuya Marko naman ay binilhan ng van sina Papa. Pinarerentahan nila minsan iyon, para raw may income pa rin sila. Pareho silang hindi na nagtatrabaho at pensyonado na rin.

Masasabi kong ang ginhawa na ng buhay namin ngayon kumpara sa kung babalikan namin iyong noon. Hindi na namin nararanasang humiram ng pera para lang may ipambayad sa bayarin sa bahay. Hindi na kami nangungutang sa tindahan ng bigas at gas. At hindi na natulo ang bubong ng bahay namin. Nabibili ko na rin ang mga gusto ko.

Proud na proud ako sa aming magkakapatid, at syempre, pati sa mga magulang naming hindi napagod na itagayod kami. Sila ang dahilan kung bakit kami naririto sa kung nasaanman kaming magkakapatid ngayon. Sila naman talaga ang nagturo sa amin na maging masinop, huwag sumuko, at magsumikap.

"MJ!" Biglang sumulpot si Kuya JM.

"Kuya! Ito naman, hindi nagsasabi na pupunta pala rito." Ibinababa ko ang anak niya at niyakap nang mahigpit si Kuya JM.

"Sweet naman," asar pa ng pamangkin namin kay Kuya Marko.

"Sus, parang hindi umiyak kanina nu'ng nakita kami," asar naman sa kanya pabalik ni Kuya JM.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon