Trigger Warning: Mention of Physical Harm and Sexual Assault
Heartbeat
"Ang iingay niyo! Pwede ba? Magsalita naman kayo nang malumanay hindi 'yung para lagi kayong may kaaway."
Buong klase natahimik nang sumigaw si Yzen. My savior.
"Eh kasi naman itong si MJ! Kung hindi niya lang nakalimutang gawin 'yung group activity namin, edi sana may score rin kami! Zero tuloy kami," uungot-ungot na sabi ng kagrupo ko sa Gen Math.
"Tama na nga. Ba't ba galit na galit ka? Nangyari na eh, ano pa bang magagawa natin?" pagpapakalma naman ng isa ko pang kagrupo.
Hindi ko naman itinatanggi na kasalanan ko nga. Nawala nga sa isip kong gawin iyon. Nakalimutan ko na may gagawin o assignment pala ako. Wala rin namang nagpaalala sa'kin, eh!
"Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya n-na hindi 'yon magawa. Hindi naman ako tamad. Hindi ko lang talaga naalala. Sinubukan ko namang magpaliwanag kay Ma'am, k-kaso... kaso hindi siya nagbigay ng consideration. I'm sorry talaga."
Nahihiya ako, pero naiinis na rin ako sa kanila. Sobra kasi ang paninisi nila, ba't kailangang sigawan ako?
"Teka lang, ha? Ibig-sabihin, nakalimutan mo nga, MJ? Bakit hindi mo naalala? Wala bang nagpaalala sa'yo na ka-member mo?" mataray na tanong naman ni Yzen sa akin.
Marahan akong umiling habang napayuko na lang.
"Oh, edi pareho niyo palang pagkukulang. Anong ipinuputok ng buchi mo?" baling ni Yzen sa nagrereklamo naming kaklase.
"Wala ba talagang nagpaalala sa kanila, MJ, kahit isa?" tanong niya ulit sa akin.
Umiling ulit ako. Wala naman talaga. Pero hindi ko naman sila sinisisi.
"See."
"Hoy, Yzen, hindi 'yan 'yung issue rito. Ang problema, wala kaming score sa reporting kanina dahil sa kapabayaan ni MJ. Saka, need pa ba naming ipaalala? Ang napag-usapan namin, siya ang gagawa ng visuals, kami ang magr-report. So, it's her responsibility, 'di ba?"
Galit na galit talaga sila sa'kin. Hindi ko alam kung paano ba nila ako mapapatawad. Eh, kahit umiyak na ako kanina sa teacher namin, ayaw ako o kami, o kahit sila lang, na pagbigyan. Kaya, paano kaya?
"Oo nga, naroon na tayo. But it's your responsibility to check your output too. Hindi niyo chineck? Paano niyo maaaral? Ano pa't tinawag na group activity? Eh kung gagawa ng visuals, parang ang dali-dali, ah? Kailangan pang mag-search, pag-aralan ang content, at isulat o i-type at i-print. Eh ang mag-report, ang dali lang! Kahit naman wala kayong visuals kanina, pwede pa rin kayong mag-report. But what did you do? Wala, tumameme kayo at ibinabaling niyo lahat ng sisi kay MJ! Inunahan niyo ng init ng ulo kaya hindi rin siya nakapag-report sa unahan. Kung hindi kayo nagalit, edi sana sinalo niya kayo as usual!" litanya na ni Yzen sa mga kagrupo ko.
Hindi ko mapigilang mapatingin na sa kanila, lalo na kay Yzen, kung paano niya ako ipinagtanggol pa kahit kasalanan ko naman talaga.
"Sinisi niyo agad at pinamukha niyong sobrang nagkamali siya kaya bumaba na ang confidence niyang mag-report pa kanina. Kayo? Anong ginawa niyo? Wala. Nagalit lang. Hindi nag-report. Why? Because I am sure that you would just read the explanation researched by MJ kasi 'di niyo inaral at alam ang topic mismo. Kaya in-assign niyo sa kanya ang paggagawa, 'di ba? Huwag ako." Umirap pa ito sa kanila saka eksaherada itong tumalikod sa mga kagrupo ko.
Tinignan lang nila ako nang masama bago nila ako lubayan at padabog na lumipat ng upuan. Bumalik na rin ako sa upuan ko bago pa dumating ang next teacher namin.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...