☆*:・゚ 27 ゚・:*☆

24 3 0
                                    

Hot and Cold

"Hi, Baby Red! Na-miss ka ni Ate MJ!"

Sinalubong ko ng yakap ang kapatid ni Rose. Marunong na itong lumakad, kaya lumapit siya'ng kusa sa akin habang nahagikhik pa dahil sa pagkasabik. Nakakatuwa dahil ang bilis tumigas ng tuhod at buto-buto niya.

Pagkatapos ng ilang linggo, ngayon na lang ulit ako nakapunta rito sa kanila. Na-miss ko talaga siya.

"Hindi na 'yan magiging lampa tulad ni Josiah. Wait, speaking of him, hindi ka yata hinatid dito? May problema ba kayo? LQ?" bungad namang pang-uusisa ni Rose habang nakapamewang at paismid-ismid pa.

Hindi ko siya sinagot at nilaro-laro na lang si Baby Red habang karga ko ito.

"Nag-away ba kayo? Teka... binusted mo na ba?!"

Awtomatiko umikot ang mata ko at nilingon siya.

"Hindi pa nga. Hindi nga siya nanliligaw, walang... basta! Basta, magkaibigan lang kami," iritable kong sagot.

"Magkaibigan? Weh?"

Ewan ko ro'n! Pagkatapos niyang pumasok, naging busy siya na naiintindihan ko naman. Pero kahit mag-text o chat man lang, hindi niya rin magawa! Lagi rin namang nagkakasalisi ang schedule namin kaya natamad na rin akong puntahan pa siya sa lab para kamustahin. Kung gusto niya talaga, siya ang unang hahanap ng way para magkausap kami, 'no!

Baka ano lang, kabag lang talaga kung ano 'yung meron sa'min last time? O busy lang talaga? Ewan ko na!

Maya-maya ay mukhang pahikbi na naman si Red. Gutom na siguro.

"Kumain na 'tong kapatid mo?"

"Ayun, iniiba ang usapan. Oo. Kanina pa kumain 'yan. Gusto lang siguro makipaglaro sa'yo. Alam mo naman 'yan, parang si Josiah, clingy sa'yo."

Inalog-alog ko na lang muna ang bata at umikot kaming dalawa kaya nawala ang muntikan na niyang pag-iyak. Mabuti na lang, hindi nagmana sa pinsan niyang parang pinaglihi sa sama ng loob.

"Kaya ko rin naman itinatanong siya sa'yo kasi hindi rin siya nasulpot dito. Kahit si Baby Red, hindi niya sinisilip simula nu'ng... simula Lunes yata 'yon? Simula nu'ng wala na akong balita na nagkikita kayo sa school. Tapos ngayon, umalis at may lakad yata," nguso namang pagkukwento na ni Rose na may kasama pang pagbubuntong-hininga.

Kahit ako ay napapaisip. Lakad? Hindi naman siya galang tao. Saka makukuha niya pa bang maggala sa nangyari nito lang sa kanya? Isa pa, ang dami niyang gawain, gagala pa siya?

"Baka naman may inaasikaso lang. Tulad nu'ng... kaso?"

"Hindi naman. Kasama ako lagi kapag may inaasikaso roon. Saka, 'di ba, sa school, hindi rin kayo nagkikita. Feeling ko... may something na itinatago siya," mapanghinala pang sabi ni Rose.

"Graduating. Baka may inaasikaso lang na mahalaga. Ikaw naman," pampalubag-loob ko na lang.

Sinasabi ko ito pero maski ako, kung anu-ano na ang iniisip kung bakit nga ba parang iniiwasan niyang magkita kami.

"Pero nakikita mo siya sa school? Hindi ba, sabay kayo nauwi? May sundo na kayong dalawa, ah? Iisa lang ang sundo niyo." Naalala ko.

Hindi naman agad nakasagot si Rose at madrama pang tumalikod sa akin.

"Kung alam mo lang, kung alam mo lang, MJ. Mas nauuna na siyang umuwi at magpasundo sa akin."

"Oh, eh, ba't hindi mo puntahan sa bahay nila kapag nakauwi ka na rin? Hindi mo ba triny? D'yan lang naman ang kanila, ah?"

"Ginawa ko na lahat, MJ," malungkot nitong sagot.

Paano kayang ginawa na ang lahat?

"Hindi niya ako nilalabas. Lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto niya. Minsan pa nga, naririnig kong natawa sa loob at parang may kausap. Akala ko nga, ikaw. Pero sabi mo nu'ng nakaraan, hindi naman kayo nagkakausap pa sa phone o sa tawag." Humarap ulit ito at tila problemadong-problemado na ang mukha.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon