☆*:・゚ 14 ゚・:*☆

22 3 0
                                    

A Shoulder to Cry On

Kahit na lalaki ang maghahatid sa akin, napanatag ang loob ko dahil si Kuya Luke naman. Kilala ko at mapagkakatiwalaan kahit papaano.

Tapos na kaming kumaing tatlo at kasalukuyan nang tinitignan ni Natasha ang blood pressure ko. Hinihintay na lang din namin ang sundo ko para makaalis ako rito sa clinic.

"Ayan! Kahit papaano, tumaas-taas na ang blood pressure mo. Malapit na sa normal. Basta, magpahinga ka lang pagdating sa bahay niyo, ah?" payo ni Natasha.

Nginitian ko lang siya at bahagyang tumango.

Hindi ko sigurado kung makakapagpahinga nga ba ako sa bahay. Hindi ko rin alam kung nalaman na ba nina Mama ang nangyari sa akin dito sa school. O baka magulat na lang sila mamaya na nakauwi na 'ko... Si Kuya Marko, kukudain na naman ako no'n.

"Titignan ko na rin itong sugat mo, M—"

Bigla ko na lang tinabig ang kamay ni Kai nang makita kong hahawakan niya ako. Kapwa naman kaming nagulat sa naging reaksyon ng katawan ko, kahit ako.

Akala ko, okay na ako.

Dala ko yata pati sa ibang lalaki ang takot. Iniiwasan ko lang namang mangyari ulit iyon.

"Masakit ba 'yan? Hindi naman alcohol ang ilalagay ko. Lilinisin ko lang sana. Ayaw mo ba?" Parang bigla rin tuloy siyang nailang.

Napalakas yata ang pagtabig ko sa kamay niya. Hindi ko talaga sinadya.

"U-Uhh. Ahh... ayos lang kahit huwag na. Mababa kasi ang pain tolerance ko. Ako lang ang nakakagalaw ng sugat ko. Pasensiya ka na, ah?" pagdadahilan ko na lang.

"Ah, gano'n ba? Sige. Sorry rin. Hindi muna ako nagtanong." Tumango siya at hindi na tumingin sa akin.

Dahil doon, binalot na ng katahimikan ang buong clinic. Pati ang dalawa, hindi na nagsasalita. Nagkatinginan naman kami kanina ni Natasha at mukhang mas nag-alala pa siya sa akin... Hanggang sa magbukas na ang pintuan.

"Si MJ?"

"MJ, nandiyan na ang magsusundo sa'yo. Pwede ka nang umuwi. Pumirma muna kayo rito, then pwede na kayo umalis," ani ni Natasha.

Sa unang pagkakataon, hiniling kong si Josiah sana iyon. Sa unang pagkakataon, umasa akong siya ang darating. Pero hindi at si Kuya Luke naman. Siguro ay dahil siya ang huling naging dahilan kung ba't ako naging masaya bago nangyari 'yon.

"MJ? Tara na. Pumirma muna raw tayo rito." Pumasok na si Kuya Luke, dala ang kanyang ngiti.

Tumango naman ako at tipid ding ngumiti sa kanya.

Dapat ngayon ay malakas na ang tibok ng puso ko at hindi na dapat mapakali ang tiyan ko. Pero ngayon, wala akong maramdaman. Hindi rin naman ako takot.

Akala ko, babalik ang sigla ko kapag nakita ko na ang crush ko, si Kuya Luke, pero hindi pa rin. Kahit titigan ko siya habang pumupirma siya, wala akong maramdamang kahit ano.

Pagkatapos naming pumirma sa parang logbook, ako na ang nag-ayos ng kamang hinigaan ko.

Pinaghintay ko pa siya nang kaunti sa ginawa ko. Gusto ko kasing maging abala para naman malihis ang isip ko mula sa mga bagay na dapat ay kalimutan na.

"Thank you, MJ." Nginitian ako ni Natasha pagkatapos kong mag-ayos ng hinigaan ko. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Salamat nang marami, Ms. Pres! Ang taas ng rating mo sa'min ni Nat. Malaking tulong 'to para maging student nurse talaga kami ng school clinic," usal naman ni Kai at sinubukan nang tumingin at ngumiti sa akin.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon