Money Can Buy Happiness
"Kumusta naman ang mama mo? Akala ko, hindi ka papasok ngayon?"
"Ayos na siya ngayon. Napa-checkup na rin namin siya. Umabot naman ako, kaya pumasok na rin. Sayang eh," sagot ko sa katrabaho ko, si Saya.
Every weekend, manicurist naman ako rito sa resort. Wala, eh. Kailangan ko ng pera! Sino ba namang hindi sa panahon ngayon?
Ang dami kong pinuntahan ngayong Sabado! Clinic, school, at dito. Hindi pa ba naman ipinagpa-Lunes na lamang ang bigayan ng libro. Mabuti na lang malapit lang itong resort sa bahay.
Tumango lang si Saya.
Manicurista rin siya kasama ko rito sa salon ng resort. Pero minsan, ina-assign din ako ng manager namin sa spa taga-hilot or assistant sa mga massage therapist talaga namin.
"Magpahinga ka muna. Baka pagod ka pa."
"Hindi okay na 'ko. Hindi naman nakakapagod ang mga ginawa ko kanina."
Umangat lang ang balikat nito. Tingin ko ay umismid siya pero binalewala ko na lang, hinayaan ko na siyang mauna sa salon. Katatapos lang kasi ng lunch ngayon, one hour late tuloy ako.
Si Saya, parang si Yzen, medyo masungit pero mabait. Kaibigan ko na rin siya at halos magdadalawang-taon na kaming magkasama sa trabaho. Kami rin kasi ang magka-edad dito.
Nakita ko kaninang maraming clients, meaning mahaba-habang oras na naman kaming uupo at yuyuko roon. Kung sa'kin lang, mas gusto kong mailipat sa restaurant ng resort, nandoon din kasi si Kuya JM. Hindi rin paid by commission lang kapag waitress, fixed ang sahod. Pero minsan, nilalagay nila kami sa restaurant kapag sobrang dami talaga ng tao roon. Kapag gano'n, may dagdag na bayad sa amin.
Masipag naman ako sa trabaho. Masipag akong kumuha ng clients sa salon kapag ayaw nila. So far, wala pa naman akong natatanggap na reklamo sa serbisyo ko. Lagi pa nga akong may tip dahil natutuwa sila, isa nga raw ako sa mga most promising employees kahit hindi naman ako regular dito. Palakpak tainga? Syempre!
Iyong pagod at pahinga? Nabura na yata sila sa bokabularyo ko.
Mahirap, pero pinili ko kasi itong gawin at hindi ako pinilit ng mga magulang ko. Ako pa nga ang nagpumilit na magtrabaho ako. Gusto ko kasi ay may sarili akong pera. Gusto kong nabibili ang mga luho ko at nakakatulong kina Mama. Maliit lang din naman ang scholarship na natatanggap namin ni Kuya JM, kaya inilalaan na lang namin iyon talaga sa school supplies at project namin...
Matapos maglagay nang kaunting makeup, nagsuot na ako ng uniform namin dito sa resort. Inayos ko na rin ang buhok ko at ginawang clean bun ito. Pagkatapos ay pumunta na rin agad sa salon.
"Good afternoon po, Ma'am," bati ko sa manager namin. Si Ma'am Chacha.
Ngumiti lang ito sa akin. Nasa counter kasi siya at may isinusulat. Dumeretso na lang ako sa itinuturo ng isa ko pang katrabaho. Kaya nilapitan ko agad iyon.
"Miss, pedicure lang ako."
"Sure, Madam! Kuha lang ako po ako ng gamit."
"MJ, mas maraming customers sa restaurant. Pwede bang doon ka muna? Kailangan daw nila ng additional waitress, eh. Ako na sa client mo ngayon, okay lang ba?" ani ng manager namin.
Makakatanggi ba naman ako, eh gusto ko rin naman.
"Hayaan mo, may dagdag 'yon sa susunod ng sahod mo. Sasabihan ko ang management ng resto. Mga tatlo kayong ipapadala ko ro'n. Medyo kakaunti naman ang clients natin."
Tumango-tango na ako. "Sige po, Ma'am. Okay lang po. Ngayon na po ba? Pupunta na po ako ro'n."
"Oo, ngayon. Pwede ka nang pumunta. Nauna na 'yung dalawa pang pinapunta ko."
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...