Deadline
"Bukas ang deadline ng painting."
Bukas agad? Ang dami naming kailangang ipasa! Kung sino pa talaga ang minor, siya pa ang pasakit!
Napabuntong-hininga na lang ako sa inis at inuntog nang inugtog nang mahina ang ulo sa armchair. Umalis naman na ang teacher namin at nag-recess na ang mga kaklase ko.
Isa pa pala, wala pang nangyayaring election ng class officers, kaya ako pa rin! Halos magtatatlong buwan na kaming pumapasok, pero wala! Wala yatang pakialam ang adviser namin sa amin. Nakaka-stressed kayang maging class representative! Kapag nag-i-initiate ako ng botohan, walang nakikipag-cooperate sa amin.
"Nakakapagod," rinig ko naman kay Natasha.
Since wala na akong ibang makakatabi, wala na sina Yzen at Ava, kami-kami na lang lagi. Apatan naman ang isang helera na pwedeng magkakatabi, kaya kami-kami nina Kai, Natasha, Rose, at ako, ang madalas magkakasama. Kaso, napapadalas ang pag-absent ni Rose. Tulad ngayon, wala siya.
"Wala na naman si Rose?" pagrereklamo ni Kai nang makailang ulit na.
"Sus, nam-miss mo lang at wala kang makaaway," sagot naman ni Natasha.
"Uy! Nag-post si Kuya Josiah, oh? Parang ang ganda nga sa New York."
Si Kai... pwede naman niyang hindi sabihin. Kaya ko nga in-unfriend at in-unfollow ang lalaking iyon sa social media para hindi ko na makita pa.
"Oo nga, 'no? Kaso ayaw ko sa America," sagot naman ni Natasha, habang ibinibida ni Kai sa amin iyong photo ng Kuya Idol niya.
"Saan mo pala gusto? Puntahan natin kapag may trabaho na tayo."
"Sama ako," sabat ko naman.
"Bawal," mabilis na sagot naman ni Kai. Aba!
"May balak ka bang pakasalan si Nat? Ba't bawal akong kasama? Honeymoon niyo ba 'yon o date?" bara ko. Hindi ko rin alam kung saan galing sinabi ko.
Namula naman agad ang dalawa at hindi na nakaimik si Natasha.
"Kapag naging financially stable na ako, ii-spoil ko pa rin siya. Deserve niya maging masaya lagi."
Inaamin ko, na-touched ako sa sinabi ni Kai kahit para kay Nat naman iyon.
"N-Ngayon pa nga lang... simula bata pa tayo hanggang ngayon, spoiled na spoiled na 'ko sa'yo."
"Syempre, tayo lang naman laging magkasama at nagdadamayan."
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...