Eruption
"Ilang klase sa mga apektadong lugar ng pagsabog ng Bulkang Kinaiyahan, SUSPENDIDO NA. Mga taong malapit sa paanan nito, inilikas."
Kakaumpisa pa lang ng second sem namin, suspendido na agad? Ngayon pa talaga sumabog ang bulkan?
Sa itinagal-tagal kasi, ngayon lang ulit nag-alburoto at pumutok ang bulkang malapit dito sa amin. Wala kaming balita at hindi kami inabisuhan ng barangay na may nangyayari na pala sa ilalim ng lupa. Pero hindi naman kami masyadong apektado. May ashfall nga lang at mga lindol, pero malayo-layo naman ang bulkan dito kaya hindi na kami inilikas. Wala ring nakatira sa mismong bulkan dahil aktibo pa nga talaga kahit hindi pumuputok. Sana lang ay walang mga turista roon kasi biglaan ang pagsabog.
Kaso ang problema namin ay paano lilinisin itong ashfall na nagbabadya pa lalong kumapal? Hanggang kailan kaya siya galit?
"MJ, may tumatawag sa'yo." Inabot ni Kuya JM ang cellphone ko. Maging siya ay walang pasok.
Si Ava!
"Hello? Kumusta? Inabot ba kayo ng evacuation?"
"Oo, Beh. Nasa loob kasi kami ng radius na sinasabi nila, medyo delikado raw doon. Kaya dito muna kami sa school."
Naku! Inabot pala sila.
Mabuti na lang at may araw pumutok 'yong bulkan. Kung gabi ay mas mahihirapan maglikas ang mga awtoridad, mas mahihirapan ang mga taong lumikas.
"Saang school 'yan? Dalhan namin kayo ng pagkain."
"Sa school! Dito sa CHO! Pero, huwag na. Ayos lang kami, may mga pagkain naman kami rito at tubig, binigyan na rin kami ng LGU kanina."
Huminga na lang ako nang malalim. Ngayon pa talaga nangyari ito. I mean, nature's activity naman siya, kaso parang ayaw mo pa rin mangyari kahit na kailangan itong mangyari. Nakakabigla lang talaga, parang hindi pa rin mag-process sa utak ko kasi ngayon ko lang naranasan 'to. Na dito talaga sa lugar namin.
"Napatawag lang naman ako, nakakabagot kasi rito. Wala ngang pasok pero ang daming linisin. Ang kapal na ng abo, marami ring abo mga gamit namin pati kami mismo. Kayo pala? Kumusta kayo ng pamilya mo?"
"Ayos lang kami. Maabo nga lang din, makapal-kapal na yata 'yung abo sa bubong. Hindi nga kami nalabas at wala ring bukas na bintana kaya mainit. Huwag lang sanang umulan kasi mas mahihirapang maalis," sagot ko lang.
"Ay! Wait, MJ, ah? Hanap lang ako. Maya ulit, update kita. Bye! Ingat kayo!"
"Sige, sige, update mo 'ko. Ingat din kayo ng family mo. Chat o tawag ka lang kapag may need kayo like food," alok ko ng tulong.
"Owki! Salamat agad! Bye!"
"Bye."
Hindi kami makalabas dahil delikado ang abo na galing sa bulkan, saka mamumuti ang buhok namin. Ipinagdarasal lang talaga namin na huwag umulan, kun'di, mahihirapan kaming maglinis. Didikit na 'yung abo sa mga gamit sa labas at bubong.
Pagkatapos ni Ava, si Josiah naman ang tumawag. Pero sa Messenger, video call ang gusto.
"Hello, 'Ga?" sinagot ko agad.
"Hello. Ayos lang kayo? Sobrang apektado ba kayo? Nag-evacuate ba kayo?" nag-aalala agad ang mukha niya.
Ngayon lang kami magkakausap nang maayos, eh. Busy kasi kami kanina kakapasok ng mga pwedeng ipasok na gamit galing sa labas, nanood din kami ng balita, nangumusta sa ibang kamag-anak, at nakikinig sa mga announcement ng naglilibot na authorities. Kaya hindi ako maka-reply nang tuloy-tuloy kanina sa GC naming magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...