Tease Her Instead Of...
"Good morning!"
Pagpasok ko, iba ang nakita ko sa spot ni Rose. Si Yzen ang nakaupo sa upuan niya na katabi ng akin habang ang nasa kaliwa ko ay si Ava. Mas maaga sila kaysa sa akin.
"Good morning," bati ko rin sa kanila.
Nginitian ako ni Ava saka bumalik sa pagkakaubob sa mesa niya, habang si Yzen ay may binabasa namang booklet kaya hindi ako nito pinansin.
"Nga pala, Yzen? Wala pa si Rose?"
Parang naging komportable na akong kausap sila simula kahapon.
"Nakikita mo ba?"
Natigilan naman ako at parang napahiya.
"Hindi, joke lang. Wala pa," ani'ya at ngumiti na sa akin.
"A-Ahh... Hindi kaya siya magagalit kasi ikaw ang nakaupo sa upuan niya?" diretsang tanong ko.
Ibinaba nito ang binabasa na parang padabog pa.
"Ba't naman siya magagalit? Property niya ba ang mga upuang 'to? May pangalan ba?"
Hindi na lang ako sumagot at napakurap-kurap na lang.
"Isa pa, wala pa naman tayong permanent seats kaya pwede pa tayong umupo kung saan-saan, kung saan natin gusto. Ikaw, ayaw mo ba kaming katabi?"
Nananakot ba siya?
Umiling nang umiling. "Hindi! Gusto ko nga, eh! Gusto ko naman," parang napilitan ko pang sagot sa nakakatakot niyang tono ng pagtatanong.
"Gusto naman? Napilitan ka?" sabat naman ni Ava. Itinunghay niya ang ulo niya sabay pupungas-pungas akong tinignan.
Ba't parang nang-aaway ang mga 'to? Ang aga-aga.
Tumawa na nang malakas si Ava at uminat-inat na. "Joke lang! Ginagaya ko lang si Yzen! Pero ayaw mo ba kaming katabi? Akala ko pa naman, group na tayo." Ngumuso pa siya.
Akala ko talaga... bad mood sila ngayon, eh.
"Group? By group na pala ang seating arrangement?"
"Hindi ka talaga nakikinig, MJ, ano? Wala pa ngang seating arrangement." Bahagya pang umikot ang mata ni Yzen sa akin at nagbasa na lang ulit tuloy.
Eh sa hindi ko maintindihan, eh.
Umupo na ako sa pagitan nila at inayos na ang mga gamit ko sa ilalim ng mesa.
"Eh, anong grupo ang sinasabi mo, Ava?" bulong ko at kinalabit si Ava.
"Grupo! Circle of friends, parang gano'n. Ito naman, parang wala siyang gano'n nu'ng junior high. Kaso masyado tayong maunti para maging circle kaya group lang tayo o kaya trio."
Okay?
"Ahh. Gets ko na. Kaya kayo tumabi sa akin para tabi-tabi na tayong tatlo?"
"Oo nga."
So kaibigan ko na pala sila. Dalawa lang naman sila, hindi masyadong mahirap pakisamahan.
"Para pala tayong powerpuff girls," biro ko pa.
"Huh?"
"What did you say?"
"Kasi tatlo tayo. Kaya para tayong sila. Don't mind me, kung anu-ano lang talaga ang naiisip ko. Oo, may pagka-isip-bata pa talaga ako. Sorry," kamot-ulo ko.
Narinig ko naman ang saglit na pagtawa ni Yzen.
"O-Okay. But sorry, Blossom is already taken by me... She has been my favorite since I was a kid," ani'ya.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...