☆*:・゚ 39 ゚・:*☆

14 3 0
                                    

Life After Senior High


College. Ito 'yung part na nasa gitna ng study at career. Simula ng adulting stage. Iyong parehong problema ang grade, oras, at budget na pera. Iyong akala ko ay mahirap na noong senior high, mas mahirap pa nga pala rito. Nakakapagod, pero memorable.


First year college. Sobra ang pangangapa ko lalo at inabutan kami ng online classes. Ang numero unong kalaban ay ang mahinang signal. Hindi ko rin agad nakilala ang mga kaklase ko, kaya tuwing may group activity kami, nagkakahiyaan kami lagi mag-initiate. Saka, more on self-study talaga rito. But, sa mga group chats naman ng section namin, active sila sa daldalan at tanungan kahit hindi pa talaga magkakakilala nang personal, nakakatuwa nga noon. Ito rin ang unang beses na naranasan ko ang dati ko lang na naririnig na dean's lister.


Second year college.  Blended learning na kami, pareho nang may online and face-to-face classes. Nakilala ko na 'yung akala kong mga makakasama ko sa natitirang apat na taon sa kolehiyo. Nagkaroon ako ng new circle of friends, gladly may nakasundo agad ako. Kami 'yung magkakaramay sa sabog moments namin sa taxation at law subjects noon. Pero iyong akala namin ay bagsak kami sa dalawang subject na 'yan, iyon pa ang matataas namin. Major pa ang matataas namin! Hindi na nahiya ang mga minor subjects na feeling major. Sa minor pa ako unang nagkaroon ng dos sa final grade! Kakaloka 'yon, hindi ko lang makalimutan at hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako kapag naaalala iyon. Saka sa pagkakatanda ko, dito rin sa year na 'to, marami agad ang umiyak at nag-shift, hindi na kinaya ang Accountancy. Habang ako, pabitaw pa lang naman. Nakaraos din naman at na-dean's list ulit.


Third year. Unang sem pa lang, mukha na ako laging zombie. Hindi ko na talaga nakukumpleto ang kahit five hours of sleep sa sobrang daming ginagawa at kabisaduhin. Sa second sem naman ay puro research. 'Yung biro na libre nga ang tuition sa state universities, kasi kaluluwa ang kapalit, parang totoo 'yon. Sa second sem sa year na 'to ang unang beses na natanggal ako sa dean's list. Masaklap, pero gano'n talaga at sobrang hirap, hindi na kinaya ng powers namin. Wala rin sa mga kaklase ko ang nakapasok at sobrang kaunti na lang namin. Kung nag-umpisa kami nang 40 students kami, sa third year, ten na lang kaming natitirang matibay sa course. Stay strong sa'min noon. Kapag nga bagsak sa quizzes, move on talaga agad kami kasi may next tests pa. Ito 'yung time na wala na kaming time para magdamdam, literal na zombie. Kalkulado lahat ng oras at wala sa schedule ang mag-breakdown malala.


Fourth and last year sa college, halos mabaliw naman kami sa thesis namin. Bukod sa nakakabaliw sa hirap ay mas nakakabaliw ang nagastos namin. Buti na nga lang, binibigyan ako ni Kuya JM ng panggastos. Pinadadalhan niya lagi kami... But once natapos na namin ang thesis, medyo nakahinga-hinga na kami... Ang pinakamasarap sa feeling ay iyong hinihintay mo na lang ang graduation niyo. Awa ng Diyos, naka-graduate naman kaming lahat na sampung natira sa curse, este course namin. Iyong naging circle of friends ko noong second year, hindi ko na sila nakasama sa course na natapos ko. Gano'n talaga, habang natanda, you may lose som of your friends, pero may bagong unexpected friends namang darating. Kaming sampu, solid ang tulungan namin. Thankful talaga ako kasi kung hindi rin naman dahil sa kanila, hindi ako makaka-graduate. Sasampu na nga lang kami, hindi pa kami magtutulungan? Hindi uso sa'min ang pataasan, hilahan talaga pataas hanggang maka-graduate. Naging support namin ang isa't isa.


Ngayon, iyong mga kasama ko noon, siyam sila na puro CPA na rin tulad ko. Iyong iba ay accountant na sa mga foreign companies, ang iba naman ay instructor na rin sa university na pinanggalingan namin noon. Habang ako, ito, may gusto pang madagdag sa unahan ng pangalan ko. Parang maganda talaga yung "Attorney MJ" eh, kaso ang hirap pala talaga. Ang hirap mangarap, pero masarap isipin 'yung patutunguhan mo. Kaya habang sila, graduate na talaga, ako naman, nag-aaral pa rin.


Tinuloy ko ang law. Right now, nasa kalagitnaan na ako, inaalala iyong mga napagdaanan ko na kasi parang gusto ko nang sumuko ngayon. Kapag feeling ko ay gusto ko nang sumuko, inaalala ko lang lahat ng natapos at nalampasan ko na.


Wala akong mapaghingahan ng pagod dahil malayo ako sa pamilya ko. Nangungupahan lang ako malapit sa law school na napasukan ko at malayo kina Mama talaga. Wala rin ako gaanong close friends pa rito, sa sobrang busy, medyo nawalan ako ng social life. Ayaw ko namang dumagdag sa isipin nina Ava at Yzen.


Kaya ang hirap talaga. Minsan napapatanong ako kung kaya ko pa ba? Dapat ba i-push ko pa rin 'to? But remembering those hardships, ang layo ko na pala... Pinasok ko ito, pinili ko 'to. Inumpisahan ko kaya tatapusin ko rin.


My younger self would be so proud of me...

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon