☆*:・゚ 31 ゚・:*☆

23 3 0
                                    

Acceptance Stage

"Ang section na ito ang nakakuha ng low scores, nandito rin ang pinakabagsak. Grabe naman kayo, ABM 207."

Kasalukuyan kaming sinesermonan ng EmpoTech teacher namin. Sa hirap kasi ng exam ay walang pumasa ni-isa sa amin.

Hindi na talaga ako ganoong umasa na papasa ako kasi hirap talaga akong maka-gets basta tungkol sa computer. Pero hindi ko naman akalain na lahat pala kami ay bagsak. Akala ko nga ay hindi na ibibigay sa'min results no'n.

"Porket hindi major ang subject niyo sa akin, hindi niyo na sineryoso o binigyan man lang ng oras. Hindi na kayo nahiya, ha? Puro mga bagsak eh!"

Pagkatapos kaming pagalitan ng teacher naming iyon na hindi naman na namin teacher this sem ay bumalik na ulit sa ingay ang mga kaklase ko. Gano'n lang talaga. Kapag pinagsasabihan kami, doon lang kami tatahimik.

Late niya naibigay ang testpapers namin at results, kaya ngayon lang kami nakatanggap ng sermon sa kanya kahit nakapag-sembreak na kami lahat-lahat. Humabol pa talaga.

Panay na lang ang pagbuntong-hininga ko kanina. Kung ipinahiram lang sa'min ang computer lab, edi sana nasundan ko mga itinuturo niya noon. Kaso kanya-kanyang laptop na dala dapat eh, eh hindi ko naman pwedeng dalhin ang laptop namin kasi kailangan din ni Kuya JM.

"Uy, congrats! Highest ka pala, Lods!"

Sabay kaming napatingin ni Yzen kay Ava. Si Yzen kasi ang nakakuha ng pinakamataas na score.

Wala na namang kasing-lamig ang mga mata nito.

"Highest?" wala niyang emosyong tugon kay Ava. "An'hin ko ang highest score kung bagsak pa rin? Nakakahiya kay Ma'am kaya hindi dapat i-celebrate... N-Nakakahiyang ipagpalaki, lalo na kay Mama."

Kami naman ni Ava ang nagkatinginan at unting-unting nawala ang ngiti niya.

"A-Ahh, sorry. Pero, alam naman naming ginawa mo ang best mo, kaya congrats pa rin," sabi na lang tuloy ni Ava at nanahimik na.

"Good morning, Sir!"

Pumasok na si Sir Anciado at may dalang maraming papel.

"Welcome back, Class! Before the second semester, today, you will know your grades and ranks. Exciting, right? Malalaman niyo kung nagbunga ba ang efforts niyo. Ibibigay ko rin ang class card niyo, then I will let you to bring it to your home para maipakita sa guardians and parents niyo. Tapos, papipirmahan niyo. Okay ba 'yon?"

"Opo, Sir!"

"So, we are clear?"

"Yes, Sir!"

"Okay. Wait lang, tignan ko lang kung dumating na si Ma'am Beltran para kasama rin siya sa picture-taking. Busy kasi siya sa kaaayos ng mga requirements sa lilipatan niya." Lumabas saglit ang Sir.

Syempre, as expected, nagkagulo na naman ang mga kaklase ko at lalo pang umingay. Ang boys ay pumunta pang unahan, sa teacher's table at nag-usi, kasama syempre si Kai.

"Lintek na... Eh, para saan pa ang sermon sa EmpoTech kanina kung may grades na pala? Para namang— Tch!" reklamo pa ni Ava. Napangiwi na lang din ako.

Pinasa naman kaya kami no'n? Siguro naman, 'no? Balita ko, bihira lang ang bumabagsak dito. Bawal yata silang mambagsak. Well, goods para sa iba, para naman daw sa iba ay unfair.

Ano na kayang ginagawa ng boys doon? Parang mga unggoy na nasano sa certificates, eh ang alam ko for perfect attendance lang 'yon. Parang ngayon lang nakakita.

Maya-maya, tumingin sa akin si Kai, sinundan iyon ng iba. Tumitig lang ako sa kanila. Parang may nagawa akong kasalanan sa mga tinginan nila, ah?

Inalis din agad nila 'yong tinging nilang 'yon sa akin at bumaling na ulit sa teacher's table. Na-conscious na tuloy ako!

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon