☆*:・゚ 38 ゚・:*☆

30 3 0
                                    

Virtual Graduation


"Dito muna ako, pumasok ka na ro'n. Galingan mo, Anak, ah."


Nginitian ko nang matamis si Papa. Hindi siya pumasok sa trabaho para lang ihatid ako sa school. Kailangan naming i-record ang graduation speech ko sa school.


Kinakabahan ako! Ako lang ang nasa school na estudyante. Wala rin ang adviser ko dahil limited lang ang taong pwedeng pumunta ng school. Nandito lang ang EmpoTech teacher ko noong Grade 11 dahil sila ang abala sa virtual graduation namin.


Simula nang pumutok ang COVID, ganito na ang naging sistema ng buhay ng mga tao. Hindi na nagkakasama-sama at puro pa-virtual ang mga activities. Pati na nga itong graduation namin, online na rin.


Nakaka-miss iyong dati... Noong kumpleto pa kami.


"Uhm, excuse me po? Nasaan po kaya sina Ma'am Tessa?" tanong ko sa utility worker.


Madalas ko siyang nakikita noong face-to-face pa ang klase namin. Pero ngayon ko lang siya nakausap. Nakangiti pa ito sa akin. "Ay, nandiyan lang sa loob. Sarado lang ang mga pintuan. Pasok ka na lang, Ineng."


"Ahh. Thank you po." Nginitian ko rin siya.


Sakto namang labas ni Ma'am Tessa. "Batongbakal! Nandiyan ka na pala! Hello!"


"O-Opo, Ma'am. Hindi niyo po yata nabasa ang chat ko."


"Ay, oo nga. Kumakain kasi ako, sorry. May dala kang uniform?" Sinalubong ako nito at inakbayan ako na parang naging estudyante niya ako nitong Grade 12 na, pero hindi.


"Opo, Ma'am. Nasa bag po."


Bawal ko raw kasi isuot papunta, dito ko na raw isuot. Bawal, kasi nga hindi pwede ang estudyante ngayon. Pinapunta lang ako para i-deliver ang speech ko na ir-record nila para isisingit na lang sa virtual graduation sa Lunes, na il-live sa Facebook.


"Wait pala! May make up ka?" Bigla akong iniharap ni Ma'am Tessa sa kanya at sinilip ang mukha ko na naka-facemask. Mata lang naman ang kita.


"Opo. Naglagay na rin po ako, para sure." Natawa ako.


Hindi kasi ako marunong maglagay ng make up, kaya kung ano na lang magawa ko sa mukha ko. Tinulungan pa ako nina Kuya, eh ano bang alam nila sa pag-aayos sa babae? Kaya lalo akong natawa.


"Sige, Neng. Palit ka muna sa CR ng uniform. Malinis naman diyan. Kain lang ulit ako. Punta ka sa loob kapag okay ka na, ah?" sabi ng Ma'am bago niya ako iwan sa tapat ng CR.


Nandito pa rin ang utility namin na laging nangiti sa akin. Alam niya siguro. Nakakatuwa na nakakaba.


Maski ako, hindi ko alam kung paano ko nagawa na maging highest honor.


TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon