☆*:・゚ 29 ゚・:*☆

14 3 0
                                    

Results

"Yes! Pasado!"

"Anong pasado? Highest ka pa nga, MJ! Hindi pasado lang."

Nakuha na namin ang results ng midterm exams at pasado naman ako sa lahat ng natanggap na namin. Iyong isa lang, muntik na, nasa bingit na. Pasang-awa sa Orgman na major pa. Pero masaya pa rin ako. Okay na ang pasang-awa kaysa wala.

Pinakita na rin sa amin ang initial grades namin, hindi pa gaanong matataas dahil initial pa lang naman. Pero at least, malapit na sa katotohanan ang akin.

"Yzen, ayos ka lang?" tanong naman ni Ava sa isa pa naming kaibigan na natulala bigla. Hindi nga kami napansin kaya kinalabit ko na.

"H-Huh? Kausap mo 'ko?"

"Kung okay ka lang? Tinatanong ka ni Ava," pagsesegunda ko naman kay Ava.

Umayos na siya ng pagkakaupo at itinago ang testpapers sa bag. Kapwa naman namin siyang pinanood lang ni Ava at naghihintay pa rin ng sagot.

Nabanggit ni Natasha na strikta ang nanay ni Yzen pagdating lalo sa acads niya. Mukhang totoo nga dahil simula nang ilabas ang results ng exams, kanina pa siya tulala, gayong isang subject lang naman ang naibagsak niya. Sigurado naman ako na malalapit din sa katotohanan ang initial grades niya kahit hindi niya binanggit sa amin ni Ava.

"Oo, ayos lang. Labas muna tayo, nagugutom na 'ko," walang gana niyang pagsagot na.

Hindi naman talaga siya masigla magsalita, pero itong ngayon ay parang nanghihina ang boses niya. Nag-aalala siguro siya sa sasabihin ng kanyang ina.

"Tara na, nakakawalang-gana rito sa loob."

Masama ang loob ni Ava sa iba naming kaklase dahil ang balita namin, may source raw sila sa mga naunang mag-e-xam kaya mapaghandaan agad nila ang mga tanong kaya pumasa. Nakakasama naman talaga ng loob kung totoo man. Kaso wala kaming ebidensiya na may ganoon ngang milagro na nangyari sa mga kaklase ko.

"Oh, 'di ba, college na 'yang mga iyan? Magp-promote ba sila ng university nila rito?" pagpansin agad ni Ava sa mga naka-uniform na hindi naman pang-amin. Mga college students, nadaanan namin sa hallway.

"Siguro. Wala naman nabanggit sa akin sina Ma'am na may magga-ganyan sa atin. Baka sa mga Grade 12, sila naman ang magc-college na."

"Baka nga. Galing sa room ng mga bebe niyo, eh."

Natikom agad ako at nandilat sa sinabi ni Yzen.

Hindi pa namin napag-uusapang tatlo ang tungkol doon. Hindi ko pa ikinukwento sa kanila ang nangyari nitong weekends sa kanila. Wala pa akong nababanggit sa kanila na kami na ni Josiah.

"Oh, bakit? Binusted mo ba?"

"H-Hindi, ah! Kami na nga, eh," hiyang-hiya kong sagot.

Sinundot naman agad ako sa tagiliran ni Ava kaya napatalon ako.

"Ay iba talaga... Masaya na sa grades, may bebe pa! Saan ka pa?" asar nito.

Napanguso lang ako pero natatawa dahil totoo naman.

"Oy!... Claudy Zendaya? Long time no see, ah?"

Napatingin naman kami ni Ava nang may makakilala kay Yzen sa isa sa mga college students, nang mapadaan na kami sa harap ng room nina Josiah.

Nginitian naman siya ni Yzen pero plastik lang.

"Grade 11 ka, 'di ba?"

"Halata ba?" sarkastikong sagot lang na nakuha ng lalaki mula kay Yzen.

"Nakalimutan ko na kasi. Kumusta na? Mukhang tahimik ka pa rin, ah?" pangungumusta pa ng lalaki kaya hindi pa rin kami makalakad.

"Ako? Tahimik?" pangunguwestiyon naman ni Yzen, nakataas na rin ang isang kilay habang itinuturo ang sarili.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon