Trigger Warning: Sexual Assault
The Sudden Nightmare and Its Monsters
"Ay wow. Parang hindi talaga ikaw 'yung Josiah nu'ng first day. The change is coming na ba?"
"Sa 'tin?" Sabay ngumisi siya.
Napatanga na lang ako sa lumabas sa kanyang bibig. As usual, hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Kasing gulo ng karaniwang buhok niya kung paano siya mag-isip.
Ano 'yong satin? Anong naman kaya 'yon? Mura ba 'yon sa ibang lengguwahe? Minumura na yata ako nito, eh! Iyon ba 'yung klase ng tela?
"Ubusin mo na 'yan. Aalis na 'ko. Baka sabihin mo pa, istorbo ako sa trabaho mo," malamig niyang paalam at umalis na nga.
Iniwan na lang ako nang basta-basta? Loko!
Hindi man lang ako pinabayaang magb-bye sa kanya...
Hind naman siya eat and run. Siya naman ang nagbayad, kaya hindi na rin ako umangal.
Tumayo ako at iniwan muna saglit ang table ni Josiah. Pumunta ako sa manager ng resto at itinanong kung bayad nga ba ang mga pagkain... Bayad nga naman daw. Satisfied naman kaya siya sa mga kinain niya? Hindi ko pa kasi natitikman lahat ng pagkain dito at may kamahalan.
"Marella Jean!"
Nakita ko naman si Ate Pauline na kumakaripas pa ng takbo papunta sa akin. Parang walang mga guests na nakakakita sa kanya.
"Wow! Mukhang binilihan ka pa ng boyfriend mo ng pagkain," panunukso pa nito sabay sundot ulit sa bewang ko. Hinila na rin ako pabalik sa table na iniwan ni Josiah.
Inirapan ko naman siya. "Hindi ko nga 'yon boyfriend! Schoolmate ko lang 'yon. Saka, president siya ng school organization na sinalihan ko. Kinausap niya lang ako about sa org namin. Iyon ang sadya niya, wala ng iba pa," paninigurado ko.
Pero ang mga tingin ni Ate Pauline, puno pa rin ng malisya. Inismiran ko lang siya nang inismiran at medyo inirapan.
"Whatever! O siya, kumain ka na. Ang dami pa niyan, oh! Tulungan na kitang ubusin 'yan. Iniwan ka na ba ng schoolmate mo?" Diniinan niya pa iyon.
"Oo. Loko nga, eh."
"Sus, nabitin ka lang yata na kasama mo siya."
"Tse!"
Napabuntong-hininga na lang ako. Umupo ulit ako at ngayo'y katapat na si Ate Pauline. Hinayaan ko nang saluhan niya ako kaysa naman masayang itong pagkadami-daming pagkain.
"Wow! Mayaman 'yung President ng club niyo, ah? Sagot siguro lahat no'n ang funds niyo."
Umismid lang ako at mariing umiling, sabay ngiti.
"Huh? Ano 'yan?" Itinuro naman ni Ate Pauline ang nasa lunch box na binigay ni Josiah. "Bakit naka-lunchbox pa ang pagkain mo?" usisa niya pa sabay kuha sa ulam na bigay ni Josiah. "Hmmm! Sarap! Galing din 'yan dito?"
Inubos na kasi ni Josiah ang kanya.
"Masarap nga, pero nabili niya lang daw 'to sa labas. Ito lang sana ang ibibigay niya sa'kin kaso napa-order na rin dito. Nahiya yata," sabi ko na lang.
"May tumbler pa, ah? Ano 'yan? Tubig?"
Huh?
Napatingin din ako sa itinuro ng nguso ni Ate Pau. Hindi ko napansin na may tumbler pala siya rito. Naiwan niya yata, pero nasa may tabihan ko naman. Kailan niya ito inilabas sa bag niya?
"Ang sarap, MJ! Pahingi pa, pwede?"
Tumango na lang ako kahit ayaw ko sanang i-share itong binili niya. Ang sarap-sarap kasi. Paborito ko na yata 'to simula ngayon.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...