☆*:・゚ 11 ゚・:*☆

23 4 0
                                    

Do Everything to Get Noticed By Someone You Like

"Ako?!"

Tumango-tango si Kuya Luke na parang proud pa.

"Bakit ako?" Dinaan ko na lang sa tawa. "Nakulangan ka yata ng almusal ngayon. O nag-almusal ka ba?"

Hindi ko inasahang iyon ang nasa isip at sasabihin ni Kuya Luke. Para na namang may kaba sa dibdib ko, parang nagwawala ulit ang nas aloob ng tiyan.

Iyon? Magkakagusto sa'kin? Kung alam niya lang kung gaano talaga ako okray-okrayin no'n. At kung gaano siya kalaking torpe pagdating kay Yzen. Hindi ko lang masabi kay Kuya Luke at baka magalit pa 'yon sa'kin. Kung gano'n, masikreto pala siya sa kaibigan niya, ah?

"Huy, nanahimik ka na?" Kalabit pa sa akin ni Kuya Luke, tatawa-tawa pa rin. Eh, halata namang pinagt-trip-an lang ako ng magkaibigang ito, eh!

Umiling-iling na ako. "Masakit talaga ang ulo ko kanina pa pagkagising ko."

"Hala, oh. Baka kailangan mo. Inumin mo mamaya, o pwede ngayon na." May inabot siya biglang paracetamol galing sa bulsa niya.

Wow, hindi naman siya ready?

"Boy scout ka pala. Salamat," biro ko pa. Tinanggap ko naman at itatago ko na lang. Galing kay crush, eh. Hindi naman talaga masakit ang ulo ko.

"Ah! Wait lang. Parang may something na pumasok sa mata ko." Nahinto tuloy ako sa paglalakad.

May insekto kasing lumipad kanina sa harapan ko! Maraming malalaking gamo-gamo ngayon since maaga pa at naulan.

"Huh? Teka, huwag mong kusutin. Tignan ko nga."

Lumapit siya sa akin at tinignan nga ang mata ko. Hinawakan pa niya ang mukha ko! Feeling ko, namumula ako ngayon kahit hindi naman halata sa akin, buti na lang...

Hinipan-hipan pa ni Kuya Luke ang mata ko.

"Oh, mag-wish ka."

May nakuha pa ang Kuya Luke na pilikmata ko at pinakita sa'kin. Luhang-luha tuloy ako.

"Wow, what a scene..."

Agad akong natigilan at nilingon ang nagsalita. Parang may dumaan biglang napakalamig na hangin. Nagtayuan pa ang balahibo ko sa katawan sa lamig bigla.

"Oh, tapos ka na sa club? Tara na sa court, sabay-sabay na tayo," sabi naman sa kanya ni Kuya Luke at nginitian siya. Samantalang ang lalaki, ni-wala na namang emosyon.

"O-Oo nga. T-Tara na." Ba't ako nauutal?! Parang matutuloy yata ang sakit ng ulo ko, ah!

"Anong ginagawa niyo?" seryosong tanong niya.

"Wala! Napuwing lang ako!" sagot ko naman agad.

"If people saw you, they might think you were kissing."

"Grabe! Kissing agad?" pagwelga ko agad.

"Sorry. Hinipan ko ba naman ang mata niya, napuwing kasi," paliwanag naman ni Kuya Luke.

Tumango-tango naman ang lalaking may pugad sa ulo. "I see. Sinabi ko lang, nakanguso ka kasi habang nakaharap ka sa kanya. Baka pagalitan pa kayo ng makakitang teacher."

Patago na lang akong nag-make face.

"Una na'ko, pupunta muna akong room. Mag-uusap pala tayo mamaya, Luke. May sasabihin ako about sa org," paalam na ni Josiah at nilagpasan na kami.

Para na akong nakahinga nang maluwag nang makalayo na siya.

"Nga pala, Luke, aakyat muna rin pala ako. Kailangan ko pala muna mag-attendance sa log book namin. At para iwan ko na rin itong gamit ko, ang bigat kasi. Sorry," paalam ko rin.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon