Beginning's End
"Buti pa kayo, madali mga subject niyo. Ganyan lang pala ginagawa niyo. Eh samantalang 'yung amin, ang hirap na dapat talaga, alam mo ginagawa mo."
"Kaya nga, 'no? Sana all."
"Ano ngang major niyo 'yan? Basic Math?"
"Huy, gago, sumbong kita kay teach, eh. Mahirap-hirap nga! Kaya nga ligwak ako sa activity kanina. Madali sa inyo, eh paano naman akong hindi madaling maka-gets?" pabiro namang sagot ng kaklase ko, pero ramdam ko ang gigil sa una.
Ang yayabang naman kasi ng pagkakasabi ng mga kausap niya. Parang minamaliit nila ang strand namin. Mga feeling superior, eh wala namang strand na madali at wala talagang point of comparison kasi magkakaiba naman lahat. Porke ba mas may required technical skills sa kanila, feeling nila madali na itong amin?
Iyon nga ang bagay na pinagsisisihan ko. Dalawang strand lang kasi ang pinagpilian ko, STEM at ABM. Ang akala ko kasi, mas nakakatalino kapag nasa maalin akong strand. Pero sa totoo lang naman, lahat talaga ay nakakabaliw.
"Tch! Rinig niyo 'yon? Ang yayabang! Six over twenty nga lang ako, eh! Anong madali ro'n?" bigla namang reklamo ni Ava sa amin ni Yzen pagkaalis ng mga feelingero.
Nasa canteen kami ngayon dahil lunch at sinamahan namin si Ava maglabas ng stress sa naging score niya. 1/4 lang kasi ang nakuha.
"Hindi naman kita masisisi. Hindi nagturo ang teacher natin," sumbat naman ni Yzen sa kanya.
"Kaya nga. Kahit naituro na 'yon nu'ng elementary at JHS, dapat itinuro niya pa rin. Paano naman iyong mga nawala na ang notes noon o 'yung mga hirap nang makatanda?" ngusong gatong ko naman.
"Kaya nga. Aan'hin pa ang daily lesson plan nila? Mga hambog din kasi ang ibang teachers. Kaya nga sila nandito para magturo. Tinawag pa silang teachers?" Si Yzen ulit.
Hindi itinuro ng teacher namin sa Business Mathematics ang unannounced activity kanina. Ang malala, hindi pa siya nagbigay ng babasahin! Kesyo mag-review na lang daw kami sa mga nakaraan naming notes noong elementary at nai-discuss naman na raw ang mga 'yon, iyong mga about sa decimals at fraction. Ang ginawa niya, nag-proceed sa next lesson. Eh, kailangan nga muna naming alam ang conversion ng decimals to fraction and vice versa.
Kaya tuloy puro pagbubuntong-hininga itong si Ava sa sama ng loob.
"Hindi naman ako nakapag-review. Kasi nga wala na 'yung mga notebooks ko noong elementary at pinangalakal na namin noon. Malay ko bang kailangan pa rin 'yon. Saka kung sinabi niya lang na may recorded activity, edi sana nag-aral agad ako!"
Para tuloy akong nagui-guilty. Sana pala ay pinahiram ko rin siya ng notes, na sariling gawa ko lang din naman. Pinahiram niya rin naman ako noong Martes ng mga notes sa iba naming subjects, eh. Hindi ko naman agad naisip at hindi rin siya nagsabi.
"Hindi ka ba nakapag-search?" tanong pa ni Yzen.
Kumamot ako sa ulo nang tignan siya nang masama si Ava.
"Paano nga makakapag-search? Eh, wala nga akong load pati ang wi-fi naming prepaid! Tch. Hindi bale na... Babawi ako sa susunod. Maghahanap na lang ako ng mga libro sa library."
"Tinatanong ko lang naman. Ba't parang galit ka?"
Magkakasagutan pa sana sila, pero sumabat na ako. "Eh, kung picture-an mo ang notes ko mamaya? Baka makatulong. O kaya, pwede kitang turuan kung magkaroon tayo ng vacant." Kabado akong ngumiti at baka ako naman ang masigawan.
"Hmm? Sige ba! Thank you talaga, MJ, buti nandito ka! Lifesaver!" Humarap siya sa'kin sabay hawak sa parehong balikat ko at saka ako inalog-alog. Abot-tainga naman na ang ngiti niya at halos hindi na makita ang mata.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...