☆*:・゚ 36 ゚・:*☆

16 3 0
                                    

Continuing without Him


"Josiah Patterson E. Morris. May Mataas na Karangalan."


Kahapon ang graduation nila. Hindi na ako nagpakita sa kanya at kahit na inimbitahan nila ako ni Rose sa celebration ni Josiah, sinabi kong busy ako. Busy naman talaga ako, inaayos ko ang requirements ko para makapasok ulit sa resort na dati ko nang pinagtrabahuhan. Ang lugar na minsan nang naging impyerno para sa'kin.


Kahapon, pumunta ako saglit sa venue ng graduation ng batch nina Josiah upang makita ko ang pag-akyat niya sa stage. Nakita ko rin kung gaano siya kasaya dahil sa mga nakuha niya. Deserve niya naman 'yon. Masipag siya at determinado talaga. Hindi ko na nga lang nalaman kung ano ang kukunin niya, maging si Rose rin kasi ay walang ideya.


Maaaring iyon ang huling pagkakataong makita ko siya. Marahil ay makakalimutan ko rin ang mukha at boses niya sa paglipas ng taon. Baka rin makahanap ako ng iba, kahit wala akong balak. Desindido akong seryosohin ang pag-aaral ko at magtuloy sa law school, kung papalarin.


Kaya ngayon, nagtrabaho muna ulit ako rito sa resort. Hindi na ako sa spa at salon, crew na ako sa restaurant kaya kasama ko na sina Ate Pauline. Wala na rin iyong mukhang-perang manager dati. Bigla raw nag-resign noong kaaalis ko lang din. Wala silang alam kung bakit pero mukhang alam ko na. Siguro hindi pinatulog ng konsensiya niya. Aba! Dapat lang! Sa ginawa niyang iyon, dapat talaga ay hindi na siya makatulog nang mahimbing kahit kailan!


Samantala, ang kapatid naman ni Rose ay may iba nang nag-aalaga. Magtutuloy raw si Rose ng Grade 12 kahit hirap siya sa oras, kaya baka maging magkaklase na naman kami...


"Uy, may nagbabalik talaga. Akala ko, fake news!" bati sa akin ni Ate Pauline.

Wala kasing choice. Dito lang ako nakapasok ulit, hindi hirng ang ibang resort dito sa amin. Hindi sila natanggap ng part-timer. Saka, nalaman ko nga kay Kuya JM na, wala na rito ang taong iniiwasan ko, nag- go na ako.


"Balita ko, tapos na school year niyo, ah? Nag-graduation na nga raw ang Academy niyo kahapon." Si Kuya Randy naman ang lumapit, nobyo ni Ate Pauline. Sila pa rin hanggang ngayon. Edi, sana all.


Tumango naman ako.


"Edi, mag-Grade 12 ka na pagpasok this year?" tanong ulit ni Kuya Randy.


"Mmm. Isang taon na lang at ako naman ang ga-graduate," tila proud kong sagot.


Proud agad ako, pero iniisip ko pa lang, nakakatakot na. Nakita ko kasi kung gaano naging abala ang mga Grade 12 noon bago pa sila makaakyat ng stage.


"Oh, eh may balak ka na bang course sa college? Malapit na ang admission sa mga university. Madali na lang ang panahon... Saka, 'di ba, sabi mo dati, ayaw mo ng strand mo. ABM ka nga, ano?" usisa naman ni Ate Pauline. Breaktime kasi namin ngayon, kaya okay lang magdaldalan.


"Pinag-iisipan ko pa, pero may choices naman na ako, 'Te Pauline. It's either accountancy o business ad."


"Mag-business administration ka na lang. Madali lang 'yon!"


TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon