☆*:・゚ 21 ゚・:*☆

34 3 0
                                    

Cheerleader

"Go, Kuya Luke! Best friend din 'yan ni Josiah, MJ."

Para akong natulala kay Rose. Tumango na lang ako.

Si Ava, hindi agad nakaimik. Pansin ko ang pagtitig niya sa gitna ng nirarampahan ng mga candidates at maski ang mata, hindi maigalaw.

"Akala ko ba, ich-cheer?" pagtataka pa ni Rose.

Nabigla lang ako sa nalaman ko, wala naman sa akin iyon. Hindi rin umangal si Ava. Ibig-sabihin... Kailan pa?

"Ayan na, oh! Go, Kuya Luke!"

"G-Go, Kuya Luke," pag-cheer ko na rin. Pasulyap-sulyap pa rin ako kay Ava na na-eestatwa pa rin. Ayaw niya bang ipaalam? Alam na kaya ni Yzen?

Pumalakpak na lang ako nang matapos ni Kuya Luke ang execution ng sport niya.

"Ikaw, ha. K-Kayo pala ni Kuya Luke?" pasimple kong tanong kay Ava. Mabuti at naka-focused pa rin si Rose sa mga candidates.

"H-Huh? H-Hindi."

"Anong hindi?"

"H-Hindi pa naman. I mean, w-wala naman talagang kami. Ano ka ba, MJ? Nagpapaniwala ka r'yan kay Rose. Kung magka-love life man ako, syempre, kayo ni Yzen ang unang makakaalam no'n," tila pagpapaliwanag niya ngunit hindi makatingin nang diretso.

"Okay lang, baka nahihiya ka lang. Basta balitaan mo kami ni Yzen, ah? Hindi ka nagsasabi sa'min, nakakapagtampo." Napanguso na lang ako. Kabado naman siyang ngumiti.

Alam niyang crush ko si Kuya Luke...

Wala naman dapat sa'kin iyon. Pero hindi ko na lolokohin ang sarili ko na parang may kurot sa puso ko kanina nang masabi 'yon ni Rose... Crush ko lang naman siya, kaya ba't ako masasaktan? Ang mahalaga, masaya si Ava.

Para tuloy akong nawalan ulit ng sigla. Ano ba naman, MJ? Oras na para i-uncrush si Kuya Luke!

"Ay si Josiah! Teka, may kukunin pala ako sa lab. May utos pala si Pres na hindi ko pa nagagawa. Ano ba 'yan?! Iwan ko muna kayo, ah?"

Ramdam ko na pipigilan pa sana ako ni Ava, pero hindi ko na sila hinintay pang magsalita at tumakbo na agad palayo sa kanila. Nang makalayo-layo ay huminto na ako at huminga nang malalim. Napahawak pa ako sa dalawa kong tuhod sa labis na pagkahingal.

Nagkulong na lang ako sa lab kahit bawal. Eh, wala namang pumasok kaya walang nanita sa'kin. Magdadalawang oras na yata akong nandito at malapit na rin ang lunch, pero wala pa rin akong balak lumabas. Wala tuloy ako kanina sa picture-taking nila nang manalo sina Kai at Yzen, nabalitaan ko nga lang sa GC na panalo pala ang mga manok namin.

Nahihiya kasi akong magpakita kay Ava, hindi ko alam kung bakit! Sa pakana kong 'yon kanina, mukha tuloy akong... Ugh! Ba't kasi magkakagusto pa ako, doon pa sa hindi ako gusto? At bakit kaibigan ko pa ang gusto niya?

Inisip lang siguro ako ni Ava kaya hindi niya agad sinabi sa'min ni Yzen... o baka ako lang ang hindi nakakaalam?

Naiisip ko, bagay naman sila. Kalmado lagi si Kuya Luke, iskandalosa naman si Ava. Pareho silang pala-ngiti... Sa susunod, sana makita ko silang magkasama.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

Huminga ako nang malalim at tumayo na. Makalabas na nga-

"So dark here... and hot. Why don't you turn on the lights and the electric fan? Or just open the windows? And why are the doors closed?"

Hindi ko agad naisara ang bibig ko nang makitang bumukas ang pintuan. Si Josiah at ang pagmimiron niya. Lumiwanag tuloy nang buksan niya ang ilaw.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon