☆*:・゚ 30 ゚・:*☆

28 3 0
                                    

Outing

"Ang bait niyo naman, Ma'am! Baka naman bawian niyo po kami sa second sem."

Si Ma'am Beltran kasi ulit ang teacher sa isa naming major subject. Wiling-wili kami sa kanya saka hindi siya nagpagawa ng semestral project noong nakaraan. Pero kabado at baka bawian sa second semester.

"Wala naman kasi akong maisip na ipagawa na project sa inyo sa subject ko, kun'di ang notebook niyo. Effort din naman 'yan, ang mag-notes kayo sa discussion. Ibig-sabihin, nakikinig kayo sa itinuturo ko."

Edi, sana all daw. Sabi kasi ng ibang strand, ang semestral project nila ay puro research papers. Ang swerte nga raw namin. Tunay naman.

"Ganyan din po semestral project namin ngayon sa second sem?" tanong ni Kai.

"Iyan ang hindi ko alam. I won't be your teacher anymore kasi. Ngayon lang sa umpisa ng sem na ito, but sa susunod na mba linggo, sad to say, hindi na ako. I hate to announce that kaya hindi ko sinasabi sa inyo."

Syempre, nag-umpisa namang mag-ingay ang mga kaklase ko na mga OA. Pero nakakalungkot naman talaga.

"Hala, bakit po, Ma'am?"

"Pwede na kasi akong pumasok sa public school. May tawag na ako roon sa malapit na school sa amin, and since that is an opportunity, hindi ko na pinalagpas. I've been waiting for that. Malapit lang din sa bahay, kaya talagang I grabbed it na," tila natural lang na sagot ni Ma'am.

"Sayang naman, Ma'am. Hindi pa po kami pinatapos sa inyo," pag-imik ulit ni Kai.

"Oo nga, eh. But don't worry, mabait naman malamang ang papalit sa akin. Hindi ko pa alam kung sino, but I am sure, mabait naman 'yon basta magbabait din kayo."

"Edi, magkaka-project pa rin po sila... I mean, kami po, Ma'am?!" paangal na tanong naman ni Ava.

Natawa naman si Ma'am. "Is that what you're worrying about?" Pumalakpak pa sa pagtawa ang Ma'am. "Kayo talaga..."

"Sorry po, Ma'am! Eh kasi naman po, ang laking ginhawa na mabawasan ng isang project na gagawin. Ginhawa sa oras at budget po," sagot ni Ava.

Natawa na rin ako. Totoo naman.

"To be honest, kahit ako ang estudyante, ayaw ko rin ng projects. Duda rin ako noon kung talaga bang mabusising gini-grade-an 'yon ng teachers ko o pinagagastos lang kami ng iba. One time, may ginawa kami at sobra akong nag-effort, but the thing was talo ka sa anak ng teacher mo kahit nag-effort ka pa. Kasi kahit ako ang may pinakamagandang gawa, 'yung kaklase ko na anak ng teacher ang highest, siya lang. Wala man lang nakapantay sa kanya... So, nang maging teacher ako, sinigurado ko na hindi 'yon mangyayari sa'kin because I know naman na hindi 'yon tama. Isa pa, ang daming gawain ng teacher dito sa bansa natin. Kaya idadagdag ko pa ba naman 'yan sa babasahin ko na iisa-isahin ko pa para check-an?"

Napatango-tango na lang ako.

Meron talagang teacher na gugustuhin mo, na iyong subject niya lang talaga ang ayaw mo dahil mahirap. Meron namang subject na mahirap pero dahil magaling o mabait ang teacher, magugustuhan mo na rin. May iba't ibang klaseng teacher na akong napagdaan, at isa si Ma'am Beltran sa naging favorite ko.

"Sayang talaga, Ma'am. Hindi niyo pa kami pina-graduate. Haha!" hirit pa ulit ni Kai.

"Alam niyo, goodbyes are always part of our lives. May aalis, may darating din. Tulad ko, kailangan kong umalis dito para sa growth ko, but still, this school and you are part of me. And some goodbyes don't mean an end. So maybe, we can meet again... in the future."

***

"Lutang ka na naman, Bes."

Kung hindi pa ako tapikin ni Ava ay hindi ko mapapansin na kausap niya pala ako. Nag-iisip kasi ako ng mga pwedeng gawin sa farewell party ni Ma'am. Nag-request kasi ang mga kaklase ko na magkaroon kami ng padespedida bago umalis ang Ma'am next-next week.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon