☆*:・゚ 35 ゚・:*☆

21 3 0
                                    

Goodbye Party


"MJ! Long time no see!"


Tumakbo papalapit sa akin si Ava at mabilis akong nabalot sa yakap niya.


Nasa hallway kami ng first floor ng building namin.


"Hoy! Ang tagal nating hindi nagkita! Iniwan niyo na 'kong lahat," nguso kong sabi nang bitawan niya ako.


Nakakapagtampo naman talaga. Ako na lang mag-isa.


"Aba, hindi ko naman kasi alam na hihinto rin si Yzen. Na-miss kaya kita! Actually, hindi ko na-miss itong school kasi naman dito kami tumambay nu'ng nag-boom boom ang bulkan. Kayo ang na-miss ko!" sagot naman niya habang pinipisil-pisil ang pisngi ko.


Na-miss ko nga itong pangungulit niya at syempre, ang boses niyang rinig hanggang kabilang ibayo.


"Eh, kumusta naman? Pa'no ang bahay niyo?"


"Hindi na kami babalik doon at wala na rin namang pinabalik, bawal na raw. Isa pa, kita niyo naman sa balita, wala na rin talaga kaminb babalikan. Kaya... ito, lumipat na lang kami. Awa ng Diyos, may nalipatan naman kahit papaano. Kaso 'yung pinagkakakitaan namin doon, nawala na rin. Saka sarili naming bahay 'yon, ngayon nangungupahan na lang kami. Kaya napilitan akong huminto... W-Wala, eh. Kailangang magtrabaho para mabuhay kami," lahad niya. Bakas na bakas ang pagkadismaya sa kanyang mukha dahil sa mga pangyayari.


Naririnig-rinig ko sa ibang estudyante na may motel o baka inn ang ibig nilang sabihin, sina Ava. Kaya may iba na iniiwasan siya lalo iyong mga pobre. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala namang masama sa business nina Ava. Natural lang iyong ganoong business sa lugar nila dati dahil tourist spot naman talaga.


Hindi ko siya tinatanong tungkol doon. Hindi pa rin ako nakapunta sa kanila. Ayaw ko ring itanong ngayon at baka malungkot lang lalo siya, ma-miss ang dati nilang tirahan.


"Si Yzen kaya? Kumusta na kaya siya?" Nanlumo na naman ang mukha ko.


Wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Walang naikukwento maging si Natasha.


"Rose!"


"Uy, Ava! Nagbabalik ka, ah? Nagbago na ba isip mo?" Lumapit naman si Rose sa amin, kasama si Natasha. Wala si Kai.


Umiling agad si Ava. "Napadpad ako rito at may kukunin akong mga gamit na naiwan pa namin dito. Hi, Nat!" bati rin ni Ava sa kapatid ni Yzen.


Kumaway naman ito at nginitian si Ava.


"Nat, wala ka bang chika tungkol sa kapatid mo? Ba't ba bigla na lang walang paramdam?" usisa agad ni Ava.


Pansin kong nagkatinginan pa ang dalawa ni Rose at Natasha.


TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon