"May reunion daw, eh! Sama kayo?"
Magkakasama kami ngayong tatlo nina Ava at Yzen. Ngayon lang ulit kami nagka-oras nang ganito para sa mga chika namin sa buhay-buhay. Well, wala naman akong masyadong maidadaldal sa kanila kun'di ang stress ko sa trabaho.
"Mommy, pabukas po." Lumapit ang bunsong anak ni Yzen sa kanya at pinabubukas ang biniling yogurt. Isinama kasi niya ang mga anak dito sa maliit na resort na ni-rent-ahan ni Ava at naliligo silang magkapatid sa pool.
Dalawa na ang anak ni Yzen at medyo malayo ang agwat nila. Kasi noong senior high pa lang kami, iyon pala ang dahilan kung bakit siya biglang nawala. Buntis siya noon. Habang kami ni Ava, wala pa. Ni-kalandian nga ay hindi ako makahanap nang matino.
Ito namang si Ava, masyado nang nagpayaman. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral na pinapangarap niya pa rin daw hanggang ngayon. Ganoon pa man, nakakuha siya ng vocational course. Nagkaroon ng opportunity na makapag-abroad, nakapag-ipon, pinalago ang naiwan niyang business noong cake shop. Kaya ngayon, boss na talaga siya. Grabe, ang dami niyang ibinebenta. Ang dami niyang tindahan. Hangang-hanga kami sa kasipagan at sa pagiging entrepreneur niya.
"Ano? Sama ba kayo sa reunion ng batch natin? Dali na! Minsan lang naman 'yon."
"Eh, kailan ba 'yan? Baka naman mamaya, hindi ako pwede," abiso ko agad.
"Ay... Ayun lang. Wala pa ngang exact date, sabi lang ay magkakaroon and this year daw. Baka homecoming kasi iyong academy mismo ang nagpaplano yata. But sabi, probably, next-next month."
"Oh, tama, bakasyon na ng mga bata. Saka ihahabilin ko muna kay Ken itong mga bulinggit namin," sagot naman ni Yzen.
Ang mga batang tinutukoy niya ay ang mga estudyante niya. Elementary teacher na kasi siya at LPT. Sobrang proud namin sa kanya kasi ang hirap pagsabayin ng pagiging ina at ang pag-aaral... Hindi rin namin akalaing may tiyaga siya sa bata. Nahilig siya sa bata simula nang magkaanak.
"Kaso pala, hmp! Isasabay na pala ang batch natin at batch nina... 'yung seniors natin noong Grade 11 pa tayo. Sabi rito, oh!" Umikot pa ang mata ni Ava at tila nawalan ng gana.
"Oh, edi, hindi ka na pupunta? Sponsor ka pa naman," biro ko at nginisian siya.
"Luh! Lul! Sponsor, huwag na 'no!" Nagsalin ulit ito ng alak sa baso niya at inubos ulit.
Natawa na lang kami ni Yzen.
"Malay mo naman, wala roon," sabi pa ni Yzen.
"Saka kung nandoon man... edi huwag kang magpakita. Sa dami ba naman ng tao roon galing iba't ibang strands, magkikita pa ba naman kayo?" dagdag ko.
Si Luke, ang ex niya, ang taong ayaw niyang makita. Iba lang talaga ang galit niya sa tokwang iyon. Nakakainis naman kasi talaga. Pero ang sabi niya, wala na raw galit, ayaw niya lang daw talagang makita. Saka naiinis daw talaga siya sa mga taong kagaya ng lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
Torn
ChickLitStudent of Life #1 MJ had always wanted to study in the field of medicine to become a physician before she entered the world of being a senior high school student. For her, helping people through giving medical assistance was her heart's calling. Ho...