☆*:・゚ 33 ゚・:*☆

21 3 0
                                    

The Problem


"Hihinto na ako. Pakisabi na lang kay Sir, may email ako sa kanya. Salamat, MJ."


Kahit isang quarter na ang nakalipas, paulit-ulit pa ring ipinoproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Ang daming adjustments.


Una, ang pagsabog ng bulkan at ilang buwan na bagong set-up ng klase. Tapos, sina Ava at Yzen, titigil na? Iniwan naman nila ako, eh! Ang daya! At hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakausap si Yzen. Hindi na lang siya biglang nagparamdam. Ni-hindi ko alam kung bakit siya hihinto. Miski si Natasha, wala ring kaalam-alam sa nangyayari sa kapatid niya. Pagkauwi raw ni Natasha sa bahay ng tatay nila ay wala na ang ate niya at walang may alam kung nasaan ito.


Hindi ko maiwasang mag-alala kasi. Naglaho na lang siya bigla. Umalis nang walang pasabi.


"Tulala ka na naman d'yan? Iniisip mo na naman kaibigan mo? O miss mo lang si Josiah?" tanong ni Kuya JM habang iwinawagayway pa ang kamay sa harap ng mukha ko.


"Si Yzen," simple kong sagot.


Katatapos lang naming maglinis ng bahay. Nag-alboroto na naman kasi ang bulkan at putik na naman ang inilabas, kaya mas mahirap tanggalin.


Kahit nasa bahay lang, hinahati ko pa rin nang maayos ang oras ko sa maghapon. Ang maganda lang ngayon, wala kaming major periodic examination dahil online class. Short assessment lang ang ginawa noong nakaraan at nakapasa naman kaming lahat.


Pagkatapos no'n, dalawang research na ang kailangan naming intindihin. Isang english, sa PR 1 at isang Filipino sa Pagbasa't Pagsulat. Ito talaga ang kailangan naming maipasa para makausad sa Grade 12, bukod sa majors na mas madali pa kaysa sa mga ito.


Walang midterms at finals, pero sunod-sunod naman ang deadlines. Minsan nga, gusto nang bumigay ng katawan at mental health ko. Hindi lang pwede.


Nakakapagod mag-aral sa totoo lang, lalo na ngayon. Pero worth it naman.


Hanggang saan kaya ang kakayanin ko? May ilang taon pa ako sa college, plus kapag itinuloy ko sa law school...


Ano bang iniisip ko? Matagal pa naman iyon!


Ang bigat lang kasi! Daming isipin, tapos groupings na naman?! Mga bano pa naman mga kaklase ko 'pag groupings na. Wala akong matatakbuhan kapag may problema ako sa mga kagrupo ko kasi wala na sina Yzen. Kung pwede nga lang, kami na lang ang magkakagrupo.


ABM - 207 [GC w/o teachers]

Good aftie! Nag-message sa'kin si Sir,
ako na raw ang bahala sa groupings sa PR 1.
Gusto niyo ba, gumamit na lang ako ng wheel?
Para random at fair?
( 💗 🧡 💚 9 )

Joycee
I beg to disagree.
            (😮 👍 👌 4)

Lester Clyde
Same. What if, paghiwalayin mo na lang
ang mga matatalino, masisipag, at may
laptop? HAHAHAH
                                                      ( 💟 💖 2 )

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon