☆*:・゚ 01 ゚・:*☆

85 6 0
                                    

First Day They Met Each Other

"Pasukan na talaga? Sure na?"

Sumalubong agad sa akin ang ingay ng mga kapwa ko estudyante.

Pagkaharap ko pa lang sa school, para na agad gumapang paitaas ang kaba ko, lalo na nang mabasa ko ang pangalan nito. Wala akong ibang maramdaman kung hindi panlalamig.

Ayaw ko talaga sa school!

CHO Academy

Sana mababait maging teachers ko rito. Sana naman masarap mag-aral dito para sulit ang tuition. Sana hindi maaarte at pabigat ang mga kaklase ko. Sawa na ako sa mga gano'ng kagrupo.

Kahit yata point one percent, wala akong maramdamang excitement. Puro kaba lang at takot! Siguro, ganito rin talaga ang feeling kapag hindi mo gusto ang course o strand na kinuha o nakuha mo. Isa pa, tapos na ba talaga ang bakasyon?

Wala, eh. No choice. Need pumasok.

"Shit. Highschool pa rin naman ako. Hindi na dapat bago 'to. Ba't ako kinakabahan?" Rinig kong bulong sa bandang kanan ko. Tinignan ko siya at nakatingala rin pala sa building. Nandito kasi kami sa harap ng building ng Academic Track.

Mas malamig pa ang ekspresyon ng mukha niya kaysa sa kamay ko. Para siyang bida sa k-drama. Ang ganda-ganda niya kasi at singkit.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Mukhang hindi ko kaya. Sabi nila, mahirap daw rito. Natatakot na agad ako! Pero, hindi, hindi... Kaya ko 'to. Kakayanin... Dapat kong kayanin para yumaman ako!" Rinig ko namang bulong sa kaliwa ko sa sarili niya.

Babae rin siya at maikli ang buhok, astigin, at para siyang tomboy. Ang gwapo nga niya sa unang tingin, eh. Pero maganda talaga siya, kaso kinakausap niya ang sarili niya.

Lahat kami ay kinakabahan ngayon. Kinakausap na namin ang mga sarili namin.

Napatingala na lang din ako sa mataas na gusaling kaharap namin ngayon. Saan kaya ang classroom ko rito? Marami kaya kami sa isang klase? Ano kayang hitsura ng magiging room ko?

Sa pinakaitaas naman ng floor ng building ng, may napansin akong babaeng nakadungaw. Nakapang-teacher siya na uniform.

Aninaw ko ang kunot nitong noo. At kahit pa malayo, kitang-kita ko ang paggala ng mata niya sa aming mga estudyante.

Hindi ko na siya tinitigan at baka magka-eye contact kami. Matandaan pa ang mukha ko.

Malinaw pa ang mata ko sa ngayon. Tignan ko na lang kapag natapos ko na ang senior high.

"Ang tagal namang mag-umpisa! Tsk! Kanina pa rito." Dinig ko nang mahinang pagreklamo niyong tomboyin.

Wala kaming idea kung saan kami pupunta after ng flag ceremony na ito. Hindi pa namin alam, kaming mga Grade 11, ang kanya-kanya naming room. Kaya kapag nagtagal pa lalo na hindi sila nag-uumpisa, baka ma-late kami mamaya sa first class namin. Baka magkandaligaw kasi kami at bago lang kami rito.

Malaki ang school namin. May tatlong matataas na building at may quadrangle rito sa gitna kung saan kami nakatayo ngayon. Dito sa tingin ko laging ginaganap ang flag ceremony dahil syempre, nandito ang flagpole.

Maya-maya pa, narinig ko na ang pag-ingay ng microphone. Natipon na rin ang mga teachers sa maliit na stage sa harap namin, at may ilang estudyante ring naroroon. Malamang ay Grade 12 na sila.

Pagkatingala ko ulit, wala na rin ang babaeng guro sa pinakaitaas ng building.

Hindi kaya multo 'yon?!

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon