Chapter 16 - Tour

133 101 2
                                    

Monday came...

Maagang nagising si Mei para magluto ng agahan at para na rin may mabaon siya sa eskwela. Alas kuwarto palang ng umaga ay gising na siya. Na siyang nakakasanayan na rin naman. Naligo na rin siya matapos magluto tiyaka nagbihis. Nasa kalagitnaan siya ng pagsisilid ng kanin sa kanyang baonan nang bumaba naman ang kanyang ina. Para e check siya.

"Good morning, anak." Pagbati ng kanyang ina sa kanya nang makita siya nitong gising na, tiyaka ito naglakad papunta sa despenser ng tubig.

"Good morning to you too, Ma. Kamusta ang tulog?" Pagbati niya pabalik. Habang abala pa rin sa ginagawa.

"Mabuti naman. Ikaw ba anak? Nakatulog ka ba ng maayos?" Sinserong tanong ng kanyang ina. Parang dinuduyan na naman ang puso niya sa tuwing naririnig niya ang malamyos nitong boses. Ang mama niya talaga.. sobrang napakabait pero, hindi din naman halata na minsan naging strikta.

"Hmm. Medyo lang po. Pero okay naman ako mama. Tiyaka, nakasanayan ko na rin naman na gumising ng maaga para hindi ko na rin kayo magambala sa tulog ay ako nalang ag magluluto sa atin ng pang agahan." Sabi niya at isinirado ang baonan niya. Tiyaka naglakad sa sofa nila na gawa sa kawayan. Para mailagay niya na rin sa bag nito na nakapatong sa sofa ang kanyang baon.

"Oo nga naman, mabuti rin iyan anak. dahil sinasanay mo ang sarili mo sa ganyang bagay. Dadating ang panahon na magtatrabaho ka na rin. Napaka importante ng oras at hindi dapat iyon sinasayang." Tinapik siya nito sa balikat, bago nagpunta ulit sa hamba ng hagdanan.

Huminto ito at nilingon siya. Habang siya ay nag aambang ipasok na ang baon sa bag pero nang maramdaman ang pagtitig ng ina ay napahinto siya

"Basta anak, huwag ka lang nagpapa disturbo sa mga lalake. Men are not good." Paalala nito bago tuloyang umakyat. Parati 'yun pinaalala sa kanya ng ina. Kaya't hindi niya rin nakakalimutan.

Yeah, she shouldn't make men distracts her. Hindi Naman siya interesado sa mga ito at mga sakit lang ito sa ulo niya pag magkataon. They are an asshole! Paglalaruan lang ang babae at pag magsawa na ito ay parang isang dumi lang kung mang iwan ng babae.

She doesn't believe in love either. Love? Lokohin niyo nalang siya't lahat-lahat'. Hindi yan totoo. At hindi siya kailanman na maniniwala. Dahil sa nakikita niya ay pawang katuwaan nalang ngayon ang pakikipag-relasyon.

At siya pa ba? Mataas ang tingin niya sa sarili para ipagpalit ang pangarap niya para sa pagmamahal. Kalokohan iyon pag nangyari sa kanya. Kaya ngayon palang, magsalita na siya ng tapos. HINDI SIYA MI-INLOVE AT SIGURADO SIYA DOON.

Kinuha niya ang sapatos sa shoe rack, isinuot iyon bago lumabas ng bahay at umalis ng maaga. Patungo sa eskwelahan. Oo, naglalakad lang siya patungo roon. Hindi rin naman talaga ganoon kalayo at kaya naman kung lalakarin.

Kung siya ay papaalis na, si Blanche ay kakagising lang. Kakalabas lang nito ng bahay. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Pero dahil hindi siya marunong magbiro lalo na sa mga salita na binibitawan niya, iniwas niya ang mga mata rito. Tiyaka tumuloy na. Pake nga ba niya? Ito na nga ang nagsabi na hindi siya nito itinuring na kaibigan at ginawa lang siyang knowledge bank.

Bigla ay nakaramdam si Blanche ng pagsisisi sa mga sinasabi niya sa pinsan kahapon. Pinapairal niya ang galit at hindi man lang iniisip bago iyon sasabihin. At lingid rin niya sa kanyang sarili na wala na siyang mukha pang maihaharap pa dito. Inaakusahan ba niya naman ito at pinapangalanan ng hindi maganda. Siguro ay galit ngayon ang kanyang pinsan sa kanya. Hindi man kita sa mukha nito. Pero, nararamdaman niya na na insulto niya ito.

She was just being driven by jealousy that makes her say harsh things to her cousin. Even if she wants to go and chase Mei, she can't because she feels embarrassed. Well, who wouldn't be?

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon