Chapter 20 - Responsibility

115 92 3
                                    

I'm sorry for the jumble chapters. Ilang beses ko na siyang sinubokan na ayusin pero, hindi talaga siya nag wo-work. Ewan ko Kung bakit, pero, baka siguro epekto lang ng new update ng app. Sorry for the inconveniences.

-Miss A.


"A what?" Nakatuko ang dalawang kamay niya sa tuhod habang nakayuko at habol ang hininga. After marinig ang sinabi nito ay gulat kamo siyang tiningnan ito, hindi makapaniwala sa sinabi ng binata. Pero mukha naman itong walang pakealam. Lalo na no'ng kinuha nito mula sa kanya ang handbag niya. Shutaa, kung tao lang ang handbag niya baka iisipin niyang gusto nito ang handbag niya dahil sa nakasanayan nitong agawin yun sa kanya ng walang pahintulot.

"You heard me right?" Napaka-arogante ngunit makatuwiran na sabi nito. Magkaibigan nga ba sila? Kase sa paningin niya, mukhang tinawid na nito ang boundary nilang dalawa eh! It was just a plain role play na papaniwalaan ng mga magulang niya. Tiyaka isa pa, hindi pa siya nawala sa katinuan niya at matalas rin ang memorya niya, kaya't malinaw sa isipan niya ang lahat!

Hindi niya ito boyfriend. Period.

She badly want to roll her eyes at him.. but she chooses not to, and walk ahead instead. Sumunod naman sa kanya ang binata, tahimik lang. Naiinis siya, kay aga-aga pero kumukulo na ang dugo niya sa ulo.

Honestly, wala siyang lakas na kausapin ito. Lalo na't presko pa sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Tila ba, nababahag ang kanyang buntot matapos ang misunderstanding na meron siya sa ama niya kasama si Lucas.

Sino bang hindi? Sinaktan nito ang binata, na wala namang ginawang masama kundi ang pasayahin siya no'ng nakaraan. Nahihiya siya.

Gusto niyang pagsabihan ulit ang ama, na mali ang pagkakaintindi nito sa kanilang dalawa. Pero papaano pa niya gagawin 'yun kung pinanindigan siya ni Lucas kasama ang pagpapanggap nito bilang boyfriend niya.

Andami niyang gusto, gusto niyang pangaralan ang ama dahil mali ang ginawa nitong pagbuhat ng kamay dito. Pero kahit gaano pa niya kagusto, hindi pa rin niya itatanggi na wala siyang laban sa ama. Siya nga itong takot. Ramdam pa nga niya ang sampal na iginawad nito sa kanya.

Kasalanan talaga ito ng mga tsismosa nilang kapitbahay sa nayon! Mga bwesit sila! Dahil sa mga ito, napahamak pa sa problema niya si Lucas. Tapos ngayon, siya na naman ang nababalisa, nahihirapan kung papaano ito e approach. Ang sarap lang talaga basagin ng mga bungo ng mga tsismosa nilang kapitbahay talaga.

Siguro ay dahil sa awa at paninisi niya sa binata kahapon, kaya siguro nito nagawa ang pag depensa sa kanya.

She sighs. Kasalukoyang naglalakad sila sa daan papunta sa kanilang classroom. Nakayuko siya at tila wala sa sarili na nagiisip habang naglalakad. Masyadong inuukupa ng isip niya ang mga ganap kagabi. To the point na hindi niya inaasahan na mabangga siya sa isang bulto.

She gasped in surprise!

"S-sorry" aniya na medyo nauutal. Bakit ba kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Antanga naman.. gusto niya sapakin ang sariling ulo, pero biglang huwag nalang pala. Masasaktan niya lang ang sarili niya. Sapat na yung sorry.

"Mei, are you okay?" That voice... It was Justine. Nagtaas siya ng tingin dito at pekeng napangiti.

"Ahh, oo! Okay lang. S-sorry pala!" at kagaya ng nakasanayan niya kapag naiilang, nahihiya o pinapagalitan siya ay pasekreto niyang pinagsuklay ang dulo ng kanyang buhok at pinarolyo ang buhok niya sa daliri niya.

"Sigurado ka?"

"Oo, tiyak-- aray?!" Hindi niya natapos ang sinabi nang may humawak sa polo niya sa likod at inatras siya hanggang sa maramdaman niya ang isang dibdib. Bigla, ay inalon siya ng kaba.

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon