Chapter 36 - Girlfriend?

22 18 0
                                    

Patuloy na gumagawa ng paraan si Lucas para mag-minor ang galit nito sa kanya. Which was, hindi niya masabi kung saan galing. But he thinks... Alam na niya. Hindi lang niya ma-determine kung saan sa tatlong problema na nakikitaan niya.

"Gusto mo ng cotton candy, France?" Tumakbo na siya para mahabol ito, ang bilis kase nitong maglakad.

Ang bayan ay may maraming tianggehan, may maraming nagtitinda ng kung ano-ano. Kagaya nalang ng cotton-candy, Sorbetes, fish ball, tempura tiyaka fries, may stall din ng nagtitinda ng shake, milktea, mga juice at iba pa. Ang pinuntahan nila kanina ay tianggehan naman 'yun ng mga accessories, like bags, shirts, shoes, bracelets at iba pa na tiyak magugustohan ng lahat.

May place din na for, tambayan lang. May benches naman, mga poste at may kakaunting entertainment. Paiba-iba lang, gaya ng magic, kumakanta o hindi kaya sumasayaw then tinitingnan ng mga tao.

"Ayoko, mapapagastos ka pa Lucas," tanggi ni Francine sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya. Ano ba ang dapat gawin sa mga babaeng independent na hindi sanay magpalibre?

Napapaisip siya, ano kaya ang maganda? Yung matitipuhan ng babae...

Nagpunta sila sa isang bench na gawa sa kahoy, at dahil probinsya... Natural na lupa at hindi semento ang inaapakan nila ngayon. Parang parke sa city lang. Naupo sila doon ng tahimik, habang ang mga bata ay nagsasaya. Lumipas nalang ang isang minuto, at feeling ni Lucas ay isang araw siyang hindi kinibo nito. He has to do something...

"Dito ko dinala si Jay noong araw na sobra kang nagaalala," panimula niya. Hindi naman nagsisi si Lucas sa sinabi niya, dahil matagumpay na pinansin siya nito.

"And you brought him a toy, diba?" Heto na naman ito sa pera. Panigurado tatanongin nito ang presyo sa kanya.

"Yes, he's a smart and a kind kid. He deserved what I give, and seeing him happy was enough for a payment." Ika niya na halatang-halata na iniiwas ang topic sa pera at halaga.

"Makulit nga lang," anito sa kanya. Napangiti siya nang makita itong nag-pout.

"Natural lang sa bata ang makulit, even my brother too. Makulit din 'yun," masaya niyang usal habang iniisip si Levi na hindi na niya nakikita these days. Kasama nito ang dad nito sa syudad m pinasyal. Yung mother niya lang muna ang kasama niya sa bahay. Which was, hindi niya gusto. Kahit sa bahay nito ay hindi niya gusto.

"I guess, pero kase minsan... Naiinis ako eh! Remember mo 'yung araw na kakakita ko lang sa'yo?"

Tumango siya, "Hmm?"

"Gumagawa ako ng assignment ko nun, pero ginulo niya ako para lang makita ka. Akala ko pa naman kung ano, kaya naiinis talaga ako." nakikita niya din kung gaano ito naiinis, kase habang nagkukuwengo ito ay umaarko ang bibig pati ang kilay nito. Ang paningin may pagka-deadshot.

Hindi niya mapigilan ang mapatawa, he even facepalm, "Grabe, he done that?" Tumango naman si Mei na medyo natawa na din. "Kaya pala inis na inis ka noong araw na yun, damn!"

Napasimangot kamo si Mei, "Sino bang hindi maiinis? I wasn't really into boys and I'm into studying only. Tapos kinampihan mo pa, nakakainis ka din!"  patuloy na tumatawa si Lucas. Hindi magkamayaw ang saya.

"I didn't know, sorry. Pero, I'm still thankful to your brother..." He stopped laughing and tilted his head to her and look at her intently in the eyes. Her brown eyes are the only eyes who he sees beautiful. He could feel his heart being affected, tila minartilyo ang puso niya sa tindi ng bawat tibok.

"Bakit naman, masaya ka dahil naiinis mo ko? Ganun?"

Umiling siya saka dinala ang kamay para haplusin ang pisngi niya, "No... Because he brought me the woman who captivates my heart and will make me believe that love does exists,"

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon