Chapter 42: A piece of the dark past

22 9 0
                                    

"Ang aga mo naman yatang umuwi anak?" Bungad sa kanya ng ina nang makita siyang kakapasok lang ng bahay.

"Na-realized ko pong boring ang makihalubilo sa mga mayayaman ma. Kaya umuwi na ako." Aniya at hinubad ang sandals niya, inilagay sa shoe rack.

Unlike earlier. Maayos ang mukha niya. Hindi mahahalata na galing siya sa matinding pag iyak. "Si Lucas, hinatid ka ba niya?"

Naglalakad na siya no'n papunta sa hagdanan. Nasa likuran niya ang ina. Hinarap niya ito at mapait na ngumiti. "Huwag niyo na po siyang hanapin. Masaya na siya sa iba."

Kung nagulat man ang ina sa sinabi niya, siya naman ay lubos ang hinanakit na namumuhay sa dibdib niya. Nagdudurugo. "Sige po, ma. Matutulog na ako." Tiyaka niya ito binigyan ng halik sa pisngi at iniwan.

Every step she takes, ramdam niya ang hina at ang bigat no'n. Hindi niya inakala na gano'n kabilis kung bumaliktad ang situwasyon. Sinasabi na nga ba't sasaktan lang siya nito.

"Walanghiya, naiiyak na naman ako." Usal niya sa sarili at dumapa sa higaan niya. Ayaw na niyang umiyak, pero labis siyang nasasaktan sa nakita. Dapat ay hindi siya nagpadala sa mga sinasabi nito sa kanya. Nang sa gano'n ay wala siya ngayon sa situwasyon na ito.

Hanggang sa sumapit ang alas dos ng madaling araw, hindi niya magawang makatulog. Gising na gising pa rin siya. Mugto ang mata. Nakatunghay sa malawak na dagat.

"San, may nagpunta dito kanina." Rinig niyang sabi ng kanyang ina sa kanyang ama. Mukhang kakauwi lang ng ama.

"Sino?" Matigas ang boses ng ama.

"Nagpapakilala bilang si Nathaniel, kapatid daw siya ni Francine." Sa una ay wala lang si Mei sa mga naririnig. Pero nang marinig ang pangalan ng Nathaniel...

"Makinig ka sa'kin, Francoise. Dito ka lang sa closet at huwag kang lalabas. Maliwanag?" Imahe ito ng sarili niya. Ipinapasok siya ng kanyang kapatid sa closet.

"Pero kuya, papaano ka?" Nag aalala niyang tanong.

Ngumiti si Nate sa kanya, at hinimas ang buhok niya. "Gagawa ako ng paraan para maging ligtas tayo. Dito ka lang ha? Babalikan kita."

Naiiyak no'n si Francine. Kinakabahan lalo na sa ideya ng gagawin ng kuya niya. Delikado. "Kuya, dito nalang tayo." Kumunyapit siya sa braso ng kuya niya. Habang nakaupo na siya sa cabinet.

Umiling ito, "Hindi ka na bata, Francoise. Isang taon nalang at mag eighteen ka na. Kaya kahit ngayon lang muna. Makinig ka sa'kin. Babalikan kita, at pinapangako ko 'yan sa'yo." Sinserong sabi ng kanyang kuya. Pero gaano man ka sincere ang kuya niya, hindi pa rin siya mpalagay.

Malungkot ang ngiti ng kanyang kuya. At mas lalo siyang natatakot. She knew that her brother tries to protect her. Wala na ang magulang nila. Ito nalang ang meron siya.

Gustong kumontra ni Francoise, pero wala na siyang magagawa lalo na no'ng umalingawngaw ang isang makabasag tenga na putok. Impit niyang pinigilan ang paghiyaw. Kasabay nun ay ang pagsara ng pintuan ng cabinet.

"Tama na ang taguan mga bata, kahit ano pa ang gagawin niyong pagtatago. Hinding-hindi pa rin kayo matitirang buhay sa mundong ito. Kaya't lumabas na kayo para mas mapadali pa ang trabaho namin!" Mga nakakatakot na boses ang sumakop sa looban ng bahay. May mga mabibigat na yapak.

"Huwag niyo na kaming pahirapan pa!"

Ang kaba na meron si Francoise sa oras na yun ay hindi mapigil-pigil. Nanginginig rin siya sa takot. Lalo na't pumapasok sa imahe niya kung paano pinatay ang kani-kanilang mga magulang.

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon