Chapter 33 - Scared

32 27 0
                                    

Hi everyone! I just want to greet you a Merry Merry Christmas! Enjoy your holidays!😘😘
-Miss A.

"Pero alam mo Mei, I think Lucas likes you" sabi ni Blanche sa kanya na nakapag pangiwi sa kanya. Umaakto na hindi niya alam samantalang alam na niya naman ang bagay na iyon. Sinabi niya rin ang totoo sa kanila ni Lucas. Ang pagpapanggap para sa kapakanan niya, na niligtas siya nito. Nagulat rin ito ng una, pero naka recover naman kaagad.

"Ha-haha-ha! Malabo yan, Blanche. Ano ba iyang pinagagasabi mo diyan?!" Aniya na pilit pang ngumiti at humalakhak dito kahit pansin naman sa mukha niya ang pangangasim ng gawa niyang ngiti.

Tinutudyo-tudyo siya ng pinsan gamit ang hintuturo nito. Tinutukso pa lalo. Mas lalo lamang siyang nakaramdam ng hiya. Tas yung mukha niya ay hindi maiwasang hindi mamula at kitang-kita iyon ng kanyang pinsan na nauwi pa nga sa pagtatago ng ngiti.

"That's okay, Mei. Mas maganda talaga yung may lalaki na nakakapagpa kaba sa puso natin. Ayieee" naiinis niya itong tinitingnan ngunit hindi naman alintana ng pinsan ang reaksyon niyang iyon, kaya inaya nalanh niya itong sundan ang iba sa bahay nila Irish.

Masayang nagkakatuwaan ang magkakaibigan sa harap ng bahay ng kaibigan nila na si Irish. Kagaya noong huli ay napag isipan nilang mag grilled na naman ng baboy. Masyado kaseng fan ng lahat ang karne kaya napili nilang mag grilling ng baboy. Habang nagluluto si Jelai at si Kelly. Si Irish naman ay kasama ang pinsan niyang si Blanche para ihanda ang lamesa.

Siya naman ay hindi alam ang gagawin o itutulong lalo na't may gumagawa na sa dapat gagawin. Tila ba, nanadya ang mga ito na huwag siyang papatulongin at hayaan nalang siyang resolbahin ang issue niya. Para bang nahihimigan ng mga ito ang biglang pagbabago niya.

Simula bata pa lanh ay kasama na siya ng mga ito kaya mapapansin talaga ng mga ito na may nagbabago sa kanya.

Nakaupo lamang siya sa bench at tinatanaw ang dagat. Dinadamdam ang bawat lamyos ng preskong hangin sa kanyang katawan. Isinasayaw nito ang buhok niya, sumasabay sa mood niya na tahimik habang may maraming bagay na pumapasok sa isipan niya.

"Ayos lang ba yang si Mei?" tanong ni Peter kay Martin habang naghihiwa ng mga lutong baboy.

"Hindi ko alam. Parang hindi okay, ang lungkot niya tingnan ngayon e" sabi naman ni Martin.

"Ano kaya ang dahilan?"

"Yan ang hindi ko alam" sabay hinga ng malalim at naghiwa nalang ulit.

Ang dalawang babae naman na sina Kelly at Jelai ay habang nag g-grill ay tinatanaw din si Mei na wala sa sarili at may malalim na iniiisip.

"Sa tingin mo Jelai, may something na yang si Mei tiyaka si Lucas noh?" si Kelly habang nagpapaypay ay nakatingin kay Mei.

Jelai sigh and shrugged at the same time, "I can't tell, pero sana meron na at nang hindi na yan bitter si Mei" parang nagkakaintindihan ang dalawa at nagtawanan nang malaman ang kanilang mga opinion. Nagagawa nga naman ng mga magkakaibigan.

Kung ang iba ay kinikuwestiyon ang malungkot na si Mei. Si Blanche at si Irish naman ay tila nagkakasundo at nagkaisa ang mga isip. May nakakalokong ngiti na nakalatag sa kanilang mga labi habang masaya na pinagmamasdan si Mei.

"You know, I really like Mei for Lucas. She's the typical girl that I want for my cousin. She's beautiful, kind and idealistic. A complete package that I wanted for Lucas to have. Maliban sa pagiging independent. Matapang din siyang babae. I'm sorry talaga Blanche kung naging rude man ako sayo dati."

Iba man ang structure ng pagkasabi ni Irish Kay Blanche ay hindi naman iyon tinitake na masama. Bagkus ay, itinawa nalang niya at inayos ang sapin ng lamesa. "Ayos lang yun, naiintindihan ko naman. Sadya man na nagustohan ko si Lucas at naging masama sa pinsan ko, tanggap ko din yung pagiging rude mo sa akin. Iniisip mo lang naman yung kapakanan ng pinsan mo. Tiyaka, hindi talaga ata ako ang para kay Lucas. Naging masama pa tuloy ako sa pinsan ko dahil lang dun" aniya, sabay buga ng malalim na hininga.

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon