Iniwanan saglit ni Irish si Mei para kunin ang mga gamit nito na nakapalagay sa isa sa mga guest rooms ng mansion. She's standing nearby the staircase. Nahihiya na baka pag uupo siya, o kikilos ay makikita na naman niya ang striktang mukha ng mommy ni Lucas.
Pilit man na inignora ang kakaibang aura na mayroon ang mga tao na natira sa lamesa na pinag iwanan nilang dalawa ni Irish, ay hindi pa rin niya magawa. Masyadong tensyonado ang mga ito. Bagay na hindi niya malaman ang dahilan kung bakit.
Bumalik din kaagad si Irish, dala na nito ang sariling bagahe para ilipat sa bahay nito. Tiyaka siya nito inanyayahan na magpaalam na sa mga tao dun sa dining. Para kamo itong nagdadasal NSA sobrang tahimik, pero sa likod nun may mga madidilim na titigan na nagaganap, lalo na si Lucas. Tila ba nag-aaway sa pamamaraan ng pagtitig sa isa't-isa.
"Tita Olive, Tito. Sa bahay lang po namin kami." pagpapaalam ni Irish sa mga relatives nito. Tumayo ang ginang at nilapitan silang dalawa na may nakapuslit na ngiti sa mga labi.
"Okay, my dear. Salamat sa pagbisita dito sa bahay. Nabusog ka naman ba?" Pag payag ng tiyahin nito, pagkatapos ay nagtanong. Na animo'y nag aalala para sa pamangkin.
"Opo, tita. Thank you rin po sa dinner." Matapos magpasalamat ni Irish, ay lumingon sa gawi niya ang ginang. Medyo naalarma siya at nagbigay galang rito sa pamamagitan ng pag yukod.
"Salamat po sa paanyaya, Ma'am." Makahulogan niyang sabi. Na sinamahan niya rin ng makahulogan na ngiti. Kahit na nanginginig ang labi niya awkward na situwasyon na kinakaharap niya.
Ngumiti rin ito sa kanya, "You should visit again, Francine." Sa pagkakataon na 'yun hindi niya alam ang isasagot at naiilang talaga siya ng husto. Hindi siya komportable lalo na't kontrolado niya ang galaw habang nasa loob ng bahay nito.
"Soon po, sa susunod na pagkakataon." Hindi naman niya pwedeng sabihin na she will kapag may time. Dahil hindi naman na talaga siya papasok dito ulit. Ngayon na nararamdaman na niya yung feeling sa loob ng bahay na 'yun. Bigla na siyang na trauma at ayaw nang gustohin pang bumalik.
Kahit nga sa pag sagot niya ay dapat maganda ang mga salita na ilalabas niya. She just felt like, minamanmanan siya nito. Kahit hindi sinasabi ng bibig ng ginang, ay sinasabi iyon ng mata nito. Ayaw niyang maging tanga at magpapaniwala sa aksyon na hindi naman bukal sa loob ng isang tao.
"Tara na, Mei." Masayang sabi sa kanya ni Irish na nginitian niya rin ng tunay bago sumunod rito.
"Saan tayo pupunta?" Dumaan sila sa medyo may kadiliman na daan. Matagal na rinw simula nungw hindi siya nakapunta rito kaya, naninibago siya. Pati na rin ang lugar ay nagbago.
"Sa bahay tayo." Nang sinabi nitong sa bahay sila ng kaibigan magpunta ay medyo na excite siya. Sa pagkakaalala niya ay hindi naman kalakihan ang bahay nila Irish. Maliit lang pero kasya ang isang pamilya. Nun lang niya napansin na tinatahak pala nila ang natatabunan ng damo na stone passage. Malaki na rin ang puno ng dragon fruit at may iilang bunga.
"Pero, Irish. Kailagan ko umuwi." Kapagkuwa'y paalala niya rito. Nang nasa harap na sila ng maliit nitong bahay.
"Nah-uh! Dito ta'yo matutulog ngayong gabi. Namiss talag kita, Mei. Pagbigyan mo na ako, please!" May munting teresa ang bahay, at nakatayo ngayon si irish sa ikalawang hagdan habang siya ay nakatingala rito. Sementado rin ang bahay, kaya kahit ilang taon pa ang lumipas na wala ang mga ito rito, maayos pa rin ang kalidad nang balikan ni Irish.
"Pero, sila papa. Di'ba nagpaalam tayo ng maayos kanina na uuwi ako?" Sa totoo lang ay takot talaga siya sa mga magulang niya. Lalo na Ang kanyang ama. Napaka strikto nito sa kanya. Siguro, dahil isa siyang babae at nag aalala lang ito sa kanya. Ni ayaw nga siya nitong pagabihin kung umuwi. Isa na rin doon ang matulog sa ibang bahay lalo na't may bahay naman silang uuwian.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Teen FictionFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...