Lost
Para sa picnic nila, pinili nila 'yung lugar na may mga kahoy para masilungan sila mula sa init na hatid ng araw. Sa ilalim mismo ng malaking kahoy na acacia, namumutingkad ang mumunti nitong mga puti na bulaklak. Making the tree more attractive kahit sa kalagitnaan ng mala-impyernong panahon.
Busyng-busy sila g lahat, may naggawa ng gulaman, naglalatag at naghahanda ng mauupoan. Bawat grupo, ay may naitalagang assignment na kailangan gawin para mapadali ang trabaho nila.
"Peter!" Pag tawag ni Irish kay Peter na kasama ni Blanche at ng iba pang babae nilang kasamahan. Mukha itong nakipag kuwentuhan matapos mailatag ang kumot.
Si Mei na nagulat naman sa pag tawag nito bigla kay Peter, kahit na hindi pa niya ito naipakilala. "Kilala mo na sila?" kapagkuwan ay napatanong siya sa kaibigan
"I do." Masayang sagot nito habang ginigesture na palapitin si Peter sa kanya. Tumakbo naman ang lalake.
"Ang bilid ah? Kailan mo nalaman pangalan nila?"
"Kanina lang din. Nung papunta kami sa inyu."
"So nakilala mo sila, paano?"
Ngumiwi si Irish, parang may iniisip. Think with feelings kamo daw. "Nagkataon lang, hindi ko alam na approachable sila. Siguro namataan nila na dayo ako, tinanong nila ako then 'yun nga." Tiyaka ito humagikhik at nilingon si Peter na nakarating na sa direksyon nila.
At dahil may dalang plastics si Irish na hindi niya alam kung ano ang laman, siguro nanghihingi ito ng tulong.
"Ano 'yun, Miss Irish?"
Natatawang tinampal ni Irish ang balikat ni Peter. "Ang pormal mo naman, nakakahiya sa'yo. Cut the Miss na."
Si Peter naman na masunorin, sinunod ang nais ng kaibigan. "Okay, Irish. Ano ang maitutulong ko?" Umakto pa ito g parang prinsipe na ikinatawa ni Irish na ikinangiwi rin ni Mei.
In Mei's mind... Peter's weird.
"Patulong sana ako nito, ayos lang ba?"
At dahil kilalang pilyo si Peter at mabilis mahumaling sa magagandang babae. Kilalang instant playboy rin ng bario nila. Expected na Ang matamis nitong pag sang ayon. "Sure ba! My pleasure, beautiful!"
Sa narinig ni Mei, parang nangilabot siya. Cringe. Tumalikod nalang si Mei para sana iwanan ang mga ito at ituon ang atensyon sa kapatid niya dahil wala namang inaatas sa kanya na gawain, nang hindi niya ito makapa sa tabi niya.
Nasaan ang kapatid niya? There she go again, pinatungan kaagad siya ng kaba.
She panicked. No, hindi dapat siya mag panic. Siguro ay nasa paligid lang ang kapatid at nagtatago tagoan sa kanya.
She roam her vision around, pero kahit anino ni Jay ay hindi niya nakita. Saan ba ito nagpunta? Sana hindi ito lumayo at makita niya kaagad.
Napakaingay ng dibdib niya ngayon, malakas ang pag kabog at tila ba binibingi siya. Natataranta na tumakbo siya sa mga lugar kung saan ito maaaring matagpuan, pero nagdaan ang ilang minuto at nakarating siya sa may kubo at sa may niyogan, wala ito doon.
Nagsimula ng mamuo ang takot sa puso niya, natatakot na baka maulit na naman ang dati. Kahit ang mga kamay niya ay nanlamig, pati yata ang labi niya ay namutla na rin. She keeps on overviewing the place, malikot na tinatanaw ang paligid. Pero... Wala pa din talaga ang kapatid.
Hindi naman masyadong mainit dahil sa hangin na nililipad ang hagupit ng init na dala ng araw, pero ang kaba niya... Yun ang dahilan kung bakit umiinit ang kalooban niya. Sa bawat segundo na lumilipas na hindi pa niya nakikita ang kapatid ay siyang unti unting pagkalakas ng kaba at kalabog sa loob ng kanyang dibdib. Hindi siya mapakali.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Teen FictionFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...