I'm sorry for the jumble chapters. Ilang beses ko na siyang sinubokan na ayusin pero, hindi talaga siya nag wo-work. Ewan ko Kung bakit, pero, baka siguro epekto lang ng new update ng app. Sorry for the inconveniences.
-Miss A.
Wednesday came...
Mei hadn't get enough sleep, himala nalang at nakakagising pa siya ng maaga. Mukhang na trauma na ata sa muntikan na pagka-late kahapon.
Nagsusuot siya ng sapatos nang bumaba ang ina niya. Lumingon siya dito at bumati. "Good morning, ma" nginitian siya ng ina at nilapitan siya. Nagtataka naman siya kung bakit.
Nang makaupo ito sa sofa na malapit sa kanya ay binilisan niya ang pagsuot ng sapatos tiyaka umupo katabi ng kanyang ina.
"Ma? Okay ka lang po ba?" napansin kasi niya ang malalim na paghugot ng hininga kaya hindi niya rin maiwasan na mag alala. It's so like her kapag may marami siyang iniisip. Namana rin yata siguro niya sa kanyang ina.
"Kung ang tungkol po iyon sa mga sabi-sabi tungkol sa amin ni Lucas mama... Maniwala po kayo sa akin.. hindi iyon totoo.." pag rason niya. Hindi kasi ito umuwi ng ilang araw dahil daw sa malaki ang bahay ng bago nitong amo. Umiling naman ang ina tiyaka sinabing..
"Naniniwala ako sayo anak. Hindi ko ipagpapalit ang pagtitiwala ko sayo." Aaminin niyang naging emosyonal siya roon. Mabuti naman at naniniwala ang ina niya. Dahil hindi na niya alam kung pati ito ay kontra sa kanya. Baka mawalan na talaga siya ng pag asa na magpatuloy sa buhay.
"Pero.. bakit si papa--"
"Huwag mong isipin ang papa mo. Nadala lang siguro yun. Alam mo naman ang papa mo. Sobrang istrikto sayo." Sana nga ay ganun lang.. pero, may pakiramdam talaga siya na may iba pa. Na pilit niya lang din kinalimutan.
Niyakap niya ang ina at niyakap naman siya nito pabalik. Naalala niya.. may problema yata ang ina niya. Nagtaas siya ng tingin habang nakayakap pa rin sa ina. "Ma? Anong bumabagabag sa iyo? May problema po ba?" Umiling ang ina na sa huli ay hindi niya naman pinagkatiwalaan.
"Ma? Nag away ba kayo ni papa?" Ganito kasi ang palaging reaksyon ng ina niya. Tahimik, at malungkot sa tuwing nag aaway at ang ama niya.
"Wala anak. Alam mo, pumayo ka na at baka ma late ka pa sa eskuwela" pagtataboy nito sa kanya. Alam niyang iniiwasan niya lang ang tanong niya.
"Pero ma..."
"Sige na Mei. Huwag matigas ang ulo."
wala na siyang magawa nang pinilit talaga siya ng ina na umalis na. Hinagkan muna siya nito sa noo bago nagpaalam at umalis.Naglalakad na siya papunta sa eskuwela nang kakalabas lang din ni Blanche sa bahay nito. Bagong gising at wala pang ligo. Tiningnan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad
Pero, sinundan siya nito at marahas na hinablot ang braso niya. Dahilan para mapatigil siya. Ang pamamaraan ng paghablot ng pinsan niya sa braso niya ay hindi niya ikakailang masakit. Pero, hindi niya nalang inaalintana at hinintay itong magsalita.
Mapakla itong napatawa na ikinakunot ng noo niya. She doesn't get it why her cousin acted that way. Kay aga aga pa naman.
"Ang galing mo rin eh noh?" Sarkastiko nitong sabi sa kanya at mas diniinan pa ang pagkahawak sa braso niya. Naramdaman niya ang sakit at hapdi roon lalo na at dumiin ang kuko nito sa balat niya. "Hindi malandi? Pero ano itong gianagawa mo? Naglalandi?"
Napamaang siya. Ano na naman bang problema nito sa kanya? "Anong ibig mong sabihin?" Pagak na tumawa na naman ang pinsan niya. Pilit niya ring bawiin ang braso niya sa pagkakahawak nito. Pero, mas lalo lang iyong diniinan. Hindi na niya kayaa ng sakit at bumulatay iyon sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Teen FictionFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...