Mei went home with his bag. She didn't saw him everywhere in school. At kung ang hula niyo ay, hinanap niya si Lucas. Then tama kayo. Dahilan kung bakit siya alas sais na nang nakarating sa bahay nila. Pero bago pa man siya nakatuntong sa bahay ay, sinalubonh na agad siya ng ama niya. Pinagalitan. Kung bakit antagal niyang umuwi.
"Sorry po, pa. May activity lang talaga akong ginawa sa library. Hindi ko napansin yung oras" galit na galit ang papa niya pero, nagawa niya pa rinh magsinungaling. Kase kapag hinid niya ginawa yun, pati si Lucas ay madadamay at tiyak na mapapagalitan din ito ng kanyang ama. Biyernes ngayon, at weekends naman sa susunod na dalawang araw. Meaning, wala silang klase.
Habang nakahiga sa kanyang kama ay napapaisip siya, ano kaya ang gagawin niya bukas? Wala naman na siyang gagawin na assignment maliban nalang sa music. Bumangon siya mula sa pagka-patihaya sa kanyang higaan at tiningnan ang bag ni Lucas. Saan naman kase yun nagpupupunta at bigla nalang nawala? Kung nay problema ang binata dapat ay sinabi kaagad sa kanya. Hindi yung ganito na nagtatago-tagoan sila. Parang hihiwalay na Ang utak niya sa kakaisip.
Alas nuwebe na ng gabi at dapat sa oras na ito ay tulog na siya. Pero, hindi siya makatulog. Dala na rin nang paglulumikot ng kanyang isip. Kung saan-saan nalang nililipad ng hangin. Nakatunghay siya ngayon sa bintana habang tinatanaw ang mababagsik na alon sa dagat. Hindi din normal ang hangin at masyado itong malakas kumpara sa normal. Kaya malamig.
"Uulanin pa ata to" sabi niya. Kinakausap ang sarili.
"Papaano ko ba sisimulam yung musika kung wala siya.....?" bigla ay naalala niya yung araw na dinala siya ni Lucas sa nagbabanda at kinantahan nalang siya ng walang pasabi. Napangiti siya ng hindi niya pansin.
Binabalikan ang panahon na kumanta ito at parang recording na nagp-play back sa kanyang tenga. Hindi niya maitatanggi na ang memorya iyon ay isa sa mga magandang nangyari na gusto niyang itago at ayaw kalimutan.
Ineenjoy na ang sandali hanggang sa matapos ang kanta na pinapakinggan niya sa kanyang imahinasyon. Napanguso siya at gusto pa sanang isipin ulit nang nahulog ang kanyang picture fame dahil sa hangin. Kaya pinulot niya ito.
"Mabuti nalang at---ahhh!!!" sa oras na pinulot niya ito ay nay biglang lumitaw na memorya na magulo. Masyadong mabilis at hindi mapangalanan. Sumakit ang kanyang ulo. Dahilan para siyang mapasigaw. Namimilipit sa sakit habang nagpatuloy ang mga larawan sa pag fast-play. Parang camera na walang tigil sa kakapicture.
Nang marinig ng kanyang mga magulang ang kanyang pag sigaw ay, agad siya nitong pinuntahan sa kuwarto niya "Mei, anak?" Alo ng kanyang Ina.
"Mei, anong masakit sayo?" tanong naman ng kanyang ina. Pero masyado na siyang nabingi. At sa huli ay lupaypay na bumagsag siya sa bisig ng kanyang magulang. Hindi naman siya nawalan ng malay. Pero nawalan lang talaga siya ng lakas.
"Hindi ko maintindihan ma. Andaming litrato na lumitaw sa isip ko." aniya sa pagod at mahina na boses. "Wala ako maaninag ni kahit isa. Maliban sa dugo at patay" kumapara sa lahat ng bangungot niya ay, yun ang pinaka matindi at pinaka kakatakot talaga. Never siyang nakakakita ng ganoon. Ngayon lang talaga. Doble ang kaba na dumagundong sa puso niya. Para bang naroon siya sa situwasyon na iyon.
"Halika, anak. Magpahinga ka na. Para bumuti yang pakiramdam mo" sabi ng mama niya. Tinulongan naman siya ng ama para makahiga saka siya kinumotan ng mama niya. "Goodnight, anak. Tulog ng mabuti" sabi ng mga ito sa kanya ng may ngiti sa labi.
Lumabas din ito pagkatapos patayin ang ilaw ng kanyang kuwarto. "Naaalala na niya kaya ang nangyari sa kanya, San? Natatakot ako" rinig niyang sabi ng kanyang ina. Pero after nun, ay wala na siyang narinig. Pinikit na din niya ang kanyang mga mata saka hinayaan ang sarili na lamonin ng dilim.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Novela JuvenilFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...