Nasa kalagitnaan ng pag iisip si Mei patungkol sa mga nakita niya at napapanaginipan niya, nang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang ina niya.
"Gising ka na pala anak." Sabi ng ina, para siya'y mapalingon dito. Matamlay at blangko ang mukha niya. Himig na nagugulohan pa rin.
"Sino ba ako, ma?" Diretsyahan niyang tanong. Isa sa mga ugali ni Mei ay ang pagiging diretsyo. Kaya kapag nagugulohan siya. Nagtatanong siya kaagad.
"Ha?" Speechless ang ina sa tanong.
"Nagsisinungaling po ba kayo sakin?" Isa lang 'yung plain na tanong. Walang halo na panghuhusga.
Nalilito ang ina sa kanya, kapagkuwa'y pilit na ngumiti. Habang inilalagay ang mga dalang pagkain sa lamesa niya. "A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, anak?" Ang boses nito ay tila natataranta. May halong kaba.
"Anak mo po ba talaga ako?" Hindi inalintana ang sagot ng ina at nagtanong pang muli.
Si Lou naman ay napakurap-kurap, napasinghap sa naging tanong niya. "Ano ba 'yang mga tanong mo, Mei? Bakit ka ba ganyan? Hinuhusgahan mo ba ako?" At bigla nagalit.
Walang kabuhay-buhay na tumayo si Mei, hinarap ang ina. "Kung siguro ay magsabi kayo ng totoo ngayon, mapapatawad ko pa kayo. Pero kung ipipilit mo pa rin na pagtakpan ang kasinungalingan, baka kamuhian ko kayo hanggang sa huling hininga ko. Kahit na inalagaan niyo ako, binihisan at pinakain. Hindi pa rin 'yun sapat kung ipagpapatuloy niyo pa ring magsinungaling sakin." Mei's words are direct. Hindi man detalyado ang mga naalala niya at mga nakita niya sa panaginip. Mapapangalanan pa rin ng puso niya, kung ano ang tama at ang mali.
Those people, na tinatawag niyang mommy... There's longingness, love and sadness in it. Nasasaktan siya, ngunit ang pagmamahal na natatanggap niya galing sa mga iti ay nanatiling nakahimlay sa puso niya. Kaya't malabo na nag halusinasyon lang siya.
Hindi nakapagsalita ang ina, kaya't kinuha na niya 'yun bilang oportunidad. "Sino po ba talaga ako? Bakit at papaano ako napadpad sa puder niyo? At bakit niyo tinatago sa'kin ang katotohanan na 'yun?" She's calm, but greedy inside. She wants to know. Pero sa nagdaan na minutong paghihintay, tanging pagiyak lang ng ina ang natanggao niya.
Dinungaw siya ng konsensya, niyakap niya ito at pinatahan. Kaya ng humiwalay siya ay tumahan na ito. Saka lanh siya tahimik na umalis. Hindi alam kung saan siya papatungo.
She's just walking by the seaside. Hanggang sa may isang bulto na naghihintay sa kanya mula sa hindi kalayuan. Walang emosyon na napatingin siya roon at nakita kung sino 'yun.
She felt numb, when she saw him. Napahinto siya, at ito naman ang napalapit.
"France..." By the time that he called her by that nickname. Ang araw na una niyang nakilala ang binata noon sa dati niyang buhay ay ume-echo sa pandinig niya.
"May kailangan ka? Sa nakikita ko, wala kang dahilan para magpunta dito at magpakita pa sakin." She's cold. And she doesn't care if he's sad. Nilinlang siya nito. Sinaktan. At pinaniwala.
"I'm sorry, I don't know that mom will--"
Pagak siyang tumawa. Making him stop from speaking. "Alam mo, mali talaga na minahal kita. Mali rin na nagpaloko ako sa isang tao na kagaya mo. Akala ko pa naman na mahal mo ako--"
Lucas took her hand and squeeze it. "Tunay kitang minahal, France. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Kung ano man ang nakita mo kagabi, wala lang 'yun... "
"Pinagmumukha mo na nga akong tanga, ngayon naman gagawin mo ulit akong tanga?"
"Mahal ba talaga ang nararamdaman mo sa'kin o sadyang masaya lang talaga akong paglalaruan, ha? Lucas?" Binaklas niya ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. Heto na naman ulit ang sakit. Ginagawa siyang mahina. Kaya't naiinis siya.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Teen FictionFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...