Umalis na ang kanilang guro pati ang iba nilang kaklase para mag take ng recess sa canteen. Dahil nga maliit lang ang baon ni Mei at kahiligan niyang iponin ang kaliitan niyang baon ay sa classroom lang siya nanatili. Niligpit niya muna yung mga notebooks tiyaka ballpen na ginamit niya kanina bago kinuha ang kanyang baon at nilapag sa table niya.
Aksidente na napatingin siya kay Lucas. Nahihiya pa rin siya sa binulgar ng mga kaklase niya kanina. Wala naman kase dapat siyang ikahiya dahil wala naman masama sa pagiging NBSB. Pero, sadyang nahiya siya bigla nang marinig iyon mismo ni Lucas sa lahat.
Iba sa mga kaklase niya ay pinagselosan siya dahil nga daw siya lang ang pinapansin nito at wala nang iba. Masyado daw iting tutok sa kanya simula pa noong una. May iba pa nga na naging basher niya.
Sa guwapo ba naman ni Lucas. Sinong babae ang hindi mahuhumaling? Except sa kanya na natural lang na mamangha sa taglay nitong kaguwapohan. Hindi din naman siya kagaya ng iba na nagkakagusto kaagad dahil guwapo. Ni kahit isang tao nga ay wala pang nagpapakilala sa kanya kung ano ang love e. At kung paano ito mararamdaman.
'talaga? Sigurado siya?'
Well, kahapon lang naman niya nalaman sa isang libro e. Pero wala pa naman siya nun.
'sinungaling'
Oo na, may misteryoso siyang nararamdaman yun nga lang hindi siya sure. Tama naman na kinakabahan siya sa tuwing may gagawin si Lucas sa kanya na hindi niya predicted. Like, biglang paghawak ng kamay. Sa ganoong gestures pa lang ay parang nakokoryente na siya. Ni may kalokohan na nga siyang nagagawa pero hindi niya lang alam. Nahuli pa nga siya ng nanay niya. Pero hindi niya maamin. Kaya nga nauwi sa bet e.
Kaya dapat, hindi siya mahulog kay Lucas. Dahil kung mangyari yun, talo siya sa nanay niya. Hindi pa naman nagbigay ng kondisyones ang nanay nanay niya, pero may kutob siyang pahihirapan siya.
Ulit, bumalik siya sa realidad at tumikhim muna bago nagsalita. Naagaw naman niya ang atensyon ni Lucas na kanina pa tahimik. "Hindi ka magre-recess?"
"Ikaw, maglu-lunch ka na? It's still so early" sagot nito pabalik.
"Nakasanayan ko nang kumakain sa ganitong oras. Minsan, sa labas ako kumakain. Kung di mo pansin" shunga bat pa niya dinagdag ang pansin yun. Nagpapansin ba siya? Jusme.
"Is that so..." agad na kumilos si Lucas at iniharap ang upoan nito sa kanya. Matapos ay kinuha ang baonan.
"Ano ang ginagawa mo?" puno ng pagtataka niyang tanong.
"Isn't it obvious? I'm eating with you" saka binuksan ang sarili niyang baonan. Nangunot ang noo niya habang hindi makapaniwala na tinitingnan si Lucas. Seryoso ba 'to? Nauna pa nga itong kumain sa kanya e. She just sigh.
Binuksan na rin niya ang baonan niya. Kagaya ng nakasanayan, piniritong isda lang ang ulam niya. Nilipat niya ito sa taklob ng baonan niya, dahil nga nakapatong ito sa kanin. Para din makakain siya ng maayos. Ginaya din siya ni Lucas, nang makita na isda lang ulam niya ay inilapit niya ang lagayan ng ulam niya sa lagayan ng ulam ni Mei.
Nagtataka na naman si Mei sa unnamed actions nito. "Let's share"
"Huh?"
"I want fish, can I have some?"
She can't believe him, like what? "S-Sige" at iminuwestra ang ulam niya. Tiningnan niya ang ulam ni Lucas. Adobo tiyaka friend chicken na may kasama pang nuggets ang ulam nito. Naoamngha naman siya.. grabe ang yaman pala talaga nito.
"You can take some from mine. Don't be shy. It's free" at yun nga ang ginawa niya, kumuha din siya sa ulam ni Lucas.
Kung titingnan ay, para talaga silang couple. Ang mga inggetera naman na kaklase na may gusto kay Lucas ay mas lalo pang nagselos at nagalit sa kanya. Dahil para sa kanila ay, inagaw niya ang lalake na dapat para sa kanila. Na kailanman man ay hindi nangyari.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Teen FictionFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...