Chapter 6 - Cousin?

188 155 47
                                    

Cousin?

Sa oras na iyon, ay walang ni isa sa kanila ang nay lakas ng loob na magsalita. No one dares to talk, or open a conversation. It was the most awkward situation that Mei had ever experienced. Hindi niya nga alam kung dapat ba siyang gumalaw. Kasi, mukha na siyang manequin sa tabi ni Lucas. Ni, ang lumingon ay hindi niya magawa-gawa. She's embarrassed of him.

Wala siya sa mood, naiinis siya dahil ito ang ikatlong pagkakataon na nagtagpo ang landas nila ng binata. Bakit sa lahat ng tao na makakatabi niya ay ito pa? Nananadya ba ang mundo sa kanya?

What is the right to do? Ano kaya't kausapin niya?May magbabago kaya? Yun nga, kahit gustohin niya man ay alam niya rin namang hindi siya e-entertainin. Pagkatapos nang sinabi nito kagabi? Hindi nalang siya mag assume. Okay sana kung magkaibigan sila. Dahil kampante siya. Pero, hindi e.

Nagpatuloy ang klase nila, at habang lumilipas ang oras ay parang wala nalang sa kanya ang presensya ng binata. Nabalik ang pokus niya sa pag-aaral. Habang nag di-discuss ang guro ay nag ta-take down notes din siya. Hina-highlight ang mga importanteng phases na maaaring lalabas sa quizzes nila.

Malapit na ang mid-term, kaya before nun, expected na niya ang sunod-sunod na pagsusulit.
Sa sumunod na paksa, may naganap na pagsusulit. Hindi man lang siya nahirapan at dire-diretso ang pag sagot. Kabisado ang bawat tanong at sagot sa bawat tanong.

Every after one minute, nililipat ang tanong. Kaya kailangan niyang bilisan at ang magpapahuli ay mag cause sa kanya ng maiiwan ang ibang numero. And she doesn't like it. Yun ang isa sa mga iniiwasan niya. Lalo na't college student siya, nandito ang tunay na labanan.

Lunch time...

Sa classroom siya kumain, mga ilang minuto lang nakalaan sa pagkain at nang matapos ay diretso ang punta sa library. Para magbasa at mag research. Importante sa kanya ang may maipakain sa utak niya sa araw-araw. Nagsisilbing bala niya para hindi makalimut sa mga inaaral.

Lucas was just observing her. Sa pagpasok niya kanina sa classroom ay ramdam niya ang pagkailang nito sa kanya. Subalit nang magsimula ang klase, naging gugol ito sa mga iminumungkahe ng guro at nawala ang atensyon nito sa kanya. Parang natural nalang at wala na ang pagkailang.

Nang mag lunch, papalabas siya ng classroom. Nakikisabay sa mga kaklase na naglalakad palabas. Pero napatigil siya sa gilid ng pinto at mula sa malayo, pinagmasdan niyang kumakain ang dalaga. Kahit nga na kumakain ito ay may binabasa ito sa kuwaderno.

He was peeking, confident na walang iba na makakakita sa kanya. Hinihintay niya talaga hanggang sa matapos kumain ang dalaga at nagligpit ng pinagkainan.

"Dre," May lalake na tumawag sa kanya mula sa likuran na halos ikinatalon niya dahil nakikisilip rin ito. "May gusto ka kay Mei?" Komento nito at nilingon siya. Halos magdikit ang mukha nila ng lalakeng kaklase.

Nauna siyang umiwas, at tumuwid sa pagkakatayo. "What makes you say that?" Sa kalmadong boses, ay sinagot niya ito. Parang wala siyang ginawa na kalokohan.

Umismid si Jude. "Wala, nasabi ko lang. Halata eh." Tumuwid rin ito sa pagkakatayo at hinarap siya. Naglahad ito ng kamay, "Jude nga pala." At nagpapakilala.

Tinanggap naman ni Lucas ang kamay nito, at nagkamay sila. "Lucas."

Napansin niyang sumilip ito ulit, at mabilis ring nagbalik ng tingin. "Tumalikod tayo." Anito at giniya siya para tumalikod din.

"Ha?" Nagpumiglas pa siya ng una.

"Paparating na siya, talikod na!" At kagaya ng aso, nagkukumahod ito para tumalikod. At saktong sa pagtalikod nila ay lumabas si Mei.

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon