Chapter 34 - Mutual Understanding

26 22 0
                                    

Hindi maipaliwanag ni Mei ang nararamdaman. Masyado siyang naapektuhan sa naging sagot ni Lucas sa kanya. Kung bakit ba naman kase kailangan na maging blunt ito at ang napili pa talagang salita ay yung masasakit? Ang mas malala pa ay, tinawag na siya nitong Mei. At hindi France na madalas nitong tinatawag sa kanya.

"O-Okay, kahit honest nalang? Pwede ba 'yon?" aniya, pambawi sa situwasyon niya at para na rin mabawasan yung hiya na nalunok niya.

"Sige" kahit sa pagbigkas ni Lucas ng salita niya, ay ibang-iba na. Parang galit na ewan. Hindi niya matukoy. Masyado itong fierce at malamig sa pakikitungo niya.

This is it, Mei! Kaya mo'yan! Itanong mo sa kanya kung, ano yung issue niya para mahimasmasan na yang pag-aalala mo at mapalagay ka na din. Pag che-cheer-up niya sa sarili. Yung puso ba naman niya ang isturbo. Binibingi siya! Pati paghinga niya ay naapektuhan na! Dahilan nga para mapahugot siya ng malalim na hininga. Nagiipon ng hangin na hihingahin para makahinga ng maayos.

"Ano ang rason kung bakit mo 'ko sinungitan kahapon? Galit ka sakin?" At sa wakas ay natanggal din ang tinik na nakatarak sa kanyang dibdib at naitanong na niya.

Lucas stopped on browsing, her question made him stopped. This is the first time na nag vocal ito sa kanya. Sa pagkakakilala niya kase sa babae ay, most of the time ay tahimik. Nahihiya pa sa kanya lalo na nung simula ng confession niya. Tila ba ang pader na inihaharang nito sa kanilang dalawa ay natupog. Nabasag at nagkawatakwatak para sila'y magiging honest sa bawat isa.

But, doubt's presence can be always found in terms of this kind of problems. It's hard to believe, lalo na't nag assume ka pa.

"I was not feeling well." Hindi naman ito matipirin kung sumagot dati, pero bakit ngayon antipid-tipid na? Sa palaisipang 'yon ay mas lalo siyang nababahala. Natatakot din. Possible kayang namiss na niya si Lucas? Yung Lucas na jolly at dinidisturbo siya palagi?

Makikita sa mga mata niya yung pagkabalisa, at pagkabahala. Ni luha niya ay nagsimula na namang mamuo. No, huwag kang iiyak Mei! Hindi ka kailanman iiyak para sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki! Sabi ng konsensya niya sa kanya. Pero kase, mahuhusgahan ba niya ang puso niya? Mauutosan ba niya ito?

Literally, no! Kung ano ang nararamdaman ng puso, natural na apektado ang bringer.

Bumalik ulit si Lucas sa pagb-browse habang siya, ay nahihirapang kontrolin ang kanyang sarili na huwag maging emosyonal. Kinagat niya ang kanyang labi para iwasan na hindi makagawa ng ingay. Yung mga mata niya ay gumagala sa kung saan para lang wag tumuloy sa pagtulo ang nagbabadyang luha. Namumula na rin ang kanyang mga pisngi kakapigil.

Lumipas ang tatlong minuto at nakuryuso si Lucas kung bakit antahimik ng dalaga. Nag angat siya ng tingin at nakita itong nakayuko. Habang tinatakpan ang mukha nito sa may kahabaan nitong buhok. Totally, hindi niya maaninang ang mukha ng dalagita. "What's with you?" Dinaig pa rin siya ng pait at patuloy na naging cold sa babae.

"Wala" sagot ni Francine sa kanya. Gusto niyang paniwalaan iyon, subalit may bagay na bumabara sa sagot nito para hindi niya papaniwalaan kaagad. "Dito ka muna, pupuntahan ko lang ang mga kaibigan natin. Baka hinahanap na nila ako." Tumayo si Mei, pagkatapos sabihin iyon sa binata. Ang totoo talaga niyan ay gusto niyang ilabas ang letcheng sakit na bumalot sa puso niya. Kanina pa tumutulo ang luha niya, at tahimi niya ring pinipigil na huwag mapansin ng binata.

Nakatabing pa rin ang buhok nito at hindi pa rin maaninag ni Lucas ang Mukha ni Mei. Kaya nang magpaalam ito na pupunta sa mga kaibigan ay, napatanga siya. Nakalayo na ito. Pero tanaw niya pa rin. Pero may hindi tama talaga...

Naglalakad si Mei papunta sa hinagdanang perlas. Yung semento na hagdanan na may pearls sa apakan. Pinalis niya ang luha sa kanyang pisngi. Pero kahit anong pahid at papaalis niya ay panay pa rin ang pagtulo nito.

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon