Chapter 7 - Dinner

173 146 37
                                    

Dinner

"Siya nga pala Mei. This is my Tita Olivia. She's Lucas's mom."

"This woman... ay mama ni Lucas?!" Hindi niya pansin na napatitig siya rito ng matagal. Nakakamangha lang, iba talaga kapag mayaman, hindi halata na mother na pala ang kinakaharap niya. Para lang kaseng dalaga.

Ngayon ay napagtanto na niya ang similarities ni Lucas at ng babae na nasabing ina ng binata. He got his nose from his mom! Matangos ito na para bang nilililok sa sobrang ganda ng pagkagawa. Kung hindi lang siguro ito tao ay iisipin niya talagang bulto ang ilong nito. Biro lang!

Tama nga't ina niya ito. Walang duda. Oh! Heavens! Ano ba tong lahi nila Lucas ang ga-ganda naman! Hindi niya maiwasan kundi ang maiinggit at e-kumpara ang sarili sa mga itow.

Naku! Baka hanggang sa kalingkingan lang siya nito. Nahihiya siyang isipin iyon pero, yun talaga ang nararamdaman niya. At dahil mataas ang dignidad niya, hindi naman ito tumagos hanggang sa konsensya niya. Ganoon siya katibay. Hindi tumatagos ang inggit sa kanya.

"Good evening po, Ma'am. Ako po pala si Mei." Pagpapakilala niya, sa wakas! Kahit na-awkwardan siya, she's glad na hindi siya nauutal.

Sa paraan ng paninitig nito, she felt unwelcomed. Sa uri ba naman ng titig nito ay hindi na siya komportable. Hindi naman sa choosy siya, pero kase... yun ang tinuturo ng pakiramdam niya. Siguro nga, mali ang pagpunta niya dito. Ngunit, nandito na siya. Dapat panindigan na niya.

Running away is useless, at hindi niya gusto ang bagay na 'yun. Bibalewala niya nalang ang sinasabi ng pakiramdam niya at nag-iisip ng ibang bagay. Siguro, guni-guni lang niya 'yun. At ang isipin ang bagay na yun without proof ay hindi healthy para sa kanya.

"It's nice to finally meet you, Mei! Madalas kang nai-kuwento ni Irish noon sakin. And I believe, isa kang mabuting bata." Niyakap siya ni Olivia habang binibigkas ang mga katagang 'yun. Ngiti lang ang tanging naiganti niya. Naiilang pa rin at medyo nagugulohan sa kung ano ang dapat niyang e-re-react, or sasabihin. She's speechless.

Ang babaeng yumayakap sa kanya ngayon ay hindi hamak na isang tao na may mataas na antas kaysa sa kanya. A kind of person that everyone will respect, dahil sa estado ng buhay nito. Walang-wala siya rito. Malabong matatapatan niya ito.

"It's my pleasure too, na makilala kayo Ma'am."

"Tara, sa hapag muna kayo. Susundoin ko lang ang mag-ama ko." Wika nito, at giniya sila papunta sa hapag. Kahit ang dining area ay may napakalaking lamesa! May malapad na TV! Wala pa si Lucas nang marating nila ang hapag.

Pagkatapos silang maihatid ay nagpaalam ang ginang na umalis para tawaginw ang asawa't-anak nito. Tumango lang silang dalawa. Kasalukoyang magkatabi sila ni Irish ng upoan.

"Hey, Mei. Okay ka lang ba? You looked tense, simula pa kanina." Bulong sa kanya ng kaibigan, sabay alik-ik. Napansin rin kase siya nito na tahimik at limitado ang mga salita na inilalabas niya.

'"Ayos lang ako. I'm good." She replied. Dahil okay naman talaga siya. Okay na okay, to the point na gusto niya nalang lumabas. Kung alam lang nito kung gaano siya na-awkwardan sa situwasyon niya ngayon! She just met his mother! Para malimutan ang inaalala, she pretended na inoobserbahan niya ang lugar at ang kabuoan nito. She needs to act appropriately. Para sa kapakanan rin naman niya iyon.

"Ate Irish!" Isang cute na cute na boses ang umaalingawngaw sa buong dining. Mabilis na tumayo si Irish para salubongin ang papalapit na bata.

"Heyow, Levi!" Umuklo si Irish dito at nakipag fist bump muna bago ito niyakap ng pagkahigpit-higpit. Sa tingin niya ay nasa three years old?

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon