Chapter 46 - Let's get married, Lucas

21 7 0
                                    

The moment she heard his cries, Mei's plan of leaving him for good changed. Hindi niya alam pero kahit gustohin man niya ay tinatraydor pa rin siya ng katawan niya. It won't work sa kagustohan na makaalis. She's like being ceased up with her own self. Kaya imbes na manatili na nakatayo doon, Mei decided to stop from being emotional at hindi magpapahalata na malaki ang epekto sa kanya ng mga sinasabi ni Lucas kanina. Even if it was unintentional at mas lalong hindi niya na rin hiningi sa binata. 

Ito na ang nagkusa na sabihin sa kawalan habang lasing at wala sa tamang huwisyo o pag-iisip. Should she believe? But mostly... Drunk people says the truth. Ano ba ang dapat niyang gawin para dito? If she's really in danger, bakit wala siyang alam? 

Isn't he really saying the truth? And about her past... Bakit nagpapanggap itong hindi siya nito kilala? Pina-plano din ba nito ang araw na pagtatagpo nila para makita siya? 

Gosh, she's confused! Itchy to get the exact explanation about all the shits she was outdated and forgotten about. 

She wiped the tears she shed and brought her things back to her room. Bago siya bumalik sa baba at walang sali-salita na nilapitan tiyaka tinulongan ang binata. 

"France... my France... Mahal kita huwag mo kong iwanan ha?" His eyes we're heavy in her vision. He could hardly stay awake. Mugto din ang mga mata nito. His neck and his ears were read. He's also cold and weak. 

Her breathing hitched dahil sa mga sinasabi nito. Nakakaramdam siya ng awa, pagsisisi at kirot sa puso niya. Kung alam niyang ganito ang mangyayari, sana hindi nalang niya binitawan ang mga salitang iyon. She was hurt at natural lang 'yun. Ngunit sa side niya... Mahal pa niya ang tao eh. Hindi niya in-expect na pati siya ay maapektuhan sa pagiging miserable nito. 

His offer to be his wife is good. Pero hindi naman siya bobo para hindi makilala ang situwasyon nila. Ang pagpapakasal ay isang malaking kalokohan. They have to settle their selves first before doing it. It is a very crucial and sensitive role na haharapin nila. It isn't a simple topic na bibiru-biruin nila. Kasal ang usapan at pag-aasawa ang magiging commitment. 

They should fix the grudge before proceeding dahil kung hindi... sila lang din ang magkakaptoblema. A relationship with a hole in between will not stand strong. It will be broken anytime soon without firm foundation. 

"Get up, let's get you a treatment." His bleeding worried her. Mas malala pa ito kaysa sa iniisip niya. How could he hurt himself physically when it is just her. It's not like magiging kawalan siya nito. Marami namang mga babae na magaganda at worth it dito. 

Bakit siya pa?

Wala namang ka-attract-attract sa kanya. 

Hindi niya magets kung bakit kailangan pa hahantong sa ganito. 

Why would he risk himself para lang sa sekreto na matagal ng nakahimlay sa nakaraan niya. Nag iba na ang panahon pati na rin ang pagtakbo ng buhay niya... Is it really necessary to hide if nakalipas na rin naman na? 

Naiintindihan niyang masalimuot nga ang nakikita niya sa mga ala-alang nagbabalik... Pero kung maaapektuhan man siya... Isn't it her who's responsible with her incoming emotions? 

Bakit kailangan na mag effort pa itong mag effort na protektahan siya sa maaaring malalaman niya? 

Geez, this is really a pain in her head. Iniisip niya pa nga lang ay naiinis na siya. Kung ang mga ito lang din naman ang mga dahilan nito para mag traydor sa relasyon nila noon ay talagang matatadyakan niya ang lalakeng ito. 

Ganoon na ba siya ka-hina sa mga mata nito? Sa tingin ba nito ay siya pa rin ang Francoise na nagmula sa kahapon na matatakotin? Hindi siya duwag at kailanman ay hindi na ulit natatakot. To runaway from problems was not included in the choices. 

"France d-don't leave me, alright? I love you I love you a mmmmilllliooon tiiimmmmeeessss!!" Tapos para itong bata na nagguhit ng malaking bilog sa himpapawid gamit ang mga kamay at braso. Ngumiti pa ito nang makita siya. 

Uminit ang mukha niya at ilang segundo na umiwas ng tingin dito. Sa isip niya... 'Ganito ba talaga ang lalakeng ito kapag lasing?' ibang-iba kasi ito sa Lucas na nakilala niya. Tiyaka, ito pa ang unang pgkakataon na nakikita niya itong ganito. He's really different! Kung hindi niya lang ito kilala, baka nasabihan na niya itong baliw. 

"Come on, tumayo ka na Lucas. Huwag kang magmatigas." pero mas lalo siya nitong pinapahirapan. Masyado itong mabigat at.. makulit. 

Kumunyapit ito sa leeg niya at niyakap siya ng mahigpit. Inamoy-amoy pa nga siya. "Hmmm... Bakit ang bango ng girlfriend ko?" 

Napabuntong hininga siya tiyaka sinabing... "Hindi mo ako girlfriend." 

Mabilis na umiling-iling si Lucas at mas naging malikot pa. "H-Hindi! Ikaw lang girlfriend ko! Only Francine is living my heart... There's no way I could love someone else than her! Ikaw lang ang mahal ko, naiintindihan mo?!" At ngayon siya naman ang pinapagalitan. 

Naririndi na nga rin siya sa kaka-express nito kung gaano siya nito kamahal. Hindi naman sa naiinis siya. Nahihiya lang siya dahil mas lalo lang siyang inamag ng mga kakaibang bubuyog sa katawan niya. Making her feel uncomfortable. 

"Oo na! Alam ko. Kaya tumayo ka na riyan at gagamotin na kita. Nakita mo ba itong ginawa mong kalat? At ano itong mga sugat mo sa paa at binti ha? Baliw ka ba?!" At siya naman itong galit ngayon at pinagalitan ang naglalambing niyang lasing na ex-boyfriend.

"Hehehe-he!" Tinawanan lang siya nito bago nakatulog sa balikat niya. Isang malalim na buntong hininga ang inilabas niya at buong lakas na inaalalayan ito sa isang kuwarto na nasa baba lang. Nahihirapan siyang akayin ito ngunit naitawid niya naman. 

Pagod na pagod ito, lupaypay at kahit na nung binihisan niya ito ng damit ay hindi ito nagising. Makailang beses na nga ba siya nagka shortage ng hininga nang dahil rin sa uri ng physique na meron ito? Buti na nga lang ay may boxers ito. Makabuti nga pero ang laki nun ay nagagawa siyang mapasinghap! 

'Good god, ano ba 'yung nakita niya?' aniya sa sarili nang sa wakas ay matapos itong mapalitan. Lumabas siya ng kuwarto at naghanap ng first aid na nahahanap niya sa rin kalaunan sa kusina. Nag-basa siya ng maaaring pampunas na may kasamang palanggita na naglalaman ng tubig bago bumalik at nilinisan ito. 

Just by looking at his wounds made her feel the guilt again. May iilan kasing sugat na malaki at malalim. May iilan pang bubog na nakalibing sa sugat na siya rin ang nagtanggal. Ilang beses pa umigik si Lucas pero hindi naman nagigising. Tila ba parang panaginip lang ang nararamdaman nitong sakit?

Kahit siya ay napapa-igik sa mga sugat na ginamot niya. Kahit hindi naman siya ang nagkakaroon nun. 

Napakasakit talaga sa ulo ng binata. Hindi pa nga sila taon na nagsasama ay masyado na itong pabigat sa kanya. But despite of being a heay headed fella, the guy once brought her happiness and rare joy na ikinakatuwa niya sa tuwing magkakasama silang dalawa at nagkasiyahan sa paraan na alam nila. 

Back then, ang date sa tabing dagat at simpleng pagkikilala sa sarili pati sa sariling interests ay sapat na. 

Ngayon na may alam na siya sa rason nito... Should she spare him a chance?

Is going to be married to him is worth it in behalf of the upcoming risks? 

Morning came... Walang tulog ulit si Mei at nasa tabi lang ng kama nakaupo habang pinagmamasdan ang maamo na mukha ng nobyo. Nagiging maamo lang talaga ito kapag tulog. 

Binuhat niya ang sariling kamay at hinaplos ang pisngi nito. 'Why did you hurt yourself, Lucas. Hindi mo naman kailangang gawin 'yun para patunayan sa akin na mahal mo ko. Sapat na sakin ang kagustohan mong manatili ako sa tabi mo.' She said inside her mind. 

To the point na hindi niya napansin na nagising ang binata sa ginawa niya at hinawakan ang palapulsohan niya. 

"Good morning, France." He greeted casually na may malamlam na mga mata. Sinsero at mukhang naka recover na rin ito sa kalasingan. 

Pero imbes na sagotin ito sa pagbati nito... She brought her face closer to him at walang paalam na hinalikan ito sa labi. Surprising him and eventually made him hope for their relationship to become better. 

"Let's get married, Lucas." 




True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon