Classmates or schoolmates?
Good morning Mei!" pagkapasok na pagkapasok niya palang ng classroom ay agad na binati siya ng kanyang kaklase na si Gail. Nakaupo ito sa harapan niyang upoan samantalang siya ay nakaupo sa upoang nasa harapan niya. Malapit sa bintana. Bali siya ay nakaupo sa pinakahulihan. Wala siyang katabi dahil bente-nuebe lang naman sila sa klase. Isa sa mga dahilan rin kung bakit walang gustong makipagtabi sa kanya ay natatakot itong akusahan na nangongopya sa kanya. Minsan na rin kasi iyong nangyayari. Kaya ang katabi niyang Jehann dati ay napilitang lumipat ng upoan.
"Can I sit beside you?" Tanong ni Gail at tumayo kaagad. Hindi pa nga siya nakasagot ay nasa katabing upoan na ito. She just chuckled while shaking her head in disbelief. Kakaiba talaga itong kaklase niyang ito. Magpapaalam pero, hindi pa nga siya nakasagot ng 'Oo' ay nakalipat na agad.
Hindi niya ikakaila na kinaibigan siya ni Gail dahil sa matalino siya, kalaunan ay naging malapit na rin ito sa kanya. Pero kahit ganoon man ay hindi niya ito kinompronta. Hindi niya ito iniinsulto o ipinapahiya sa lahat. Kagaya ng mga ginagawa ng mga katunggali niya sa dean's lists. Hindi naman siya madamot at naiintindihan niya rin naman ang situwasyon nito. Hindi siya nagdadamot pero hindi din lahat-lahat ay ibinibigay niya. Minsan tinu-tutoran niya ito. Besides, wala namang ginawa si Gail na ikinakagalit niya. Well, for now? She also knows her limits too.
"May ginawa ka bang bago na Caligraph?" Tanong ni Gail nang makita nito ang sketch pad niya na naglalaman ng kabago niyang mga gawa.
She smiled and said "Yup! Bago ako natulog kagabi. Kinaligraph ko ang isa sa mga sikat na kataga na nakita ko. Alam mo yung kay anonymous?" Well, that's what she does before going to sleep. Pero ang katotohanan na nabo-bothered siya sa proposal niya kay Lucas ang dahilan kung bakit niya naisipan na maggugol sa pagsusulat. Nababahala siya sa magiging sagot nito.
"Wow! Ang galing naman. Ang ganda na ng pagkakagawa mo! Oh diba, sabi ko naman sayo na masasanay ka rin eh!" Gail complemented her but Mei is not listening that makes Gail arch an eyebrow towards her. Kumaway-kaway ito sa harapan niya. "Tulala ka teh! Okay ka lang ba?"
"Will he accept me?" here it goes again. It bothers her again. Kaya sa sobrang pag iisip niya, hindi na niya namalayan na nasabibig niya na pala 'yun.
"Oi, Mei?" Tinapik siya ni Gail sa balikat, dahilan para siya'y mabalik sa kasalukoyan. Ha... wala talaga siya sa tamang huwisyo ngayon.
"Ha?"
"Sabi ko, okay ka lang ba? Kino-komplement kaya kita" nag pout si Gail sa kanya. Kailangan pa ba niya yung pagtuonan ng pansin? It's just a praise! Okay rude na siya sa part na 'yun. Nadala lang siya sa mga iniisip niya.
"Uhh.. yes?" Pagsisinungaling pa niya.
"Then, kung talagang nakikinig ka... Ano ang mga sinabi ko?" that stunned her. Hindi niya inaasahan na itatanong pa nito ang bagay na 'yun. Saglit siyang napatikom. Ano ba iyong sinabi ni Gail? Pilit niyang inaalala pero, walang pumapasok sa isip niya. Kasi lutang talaga siya kanina at hindi niya iyon narinig! Nakakainis.
She made a face, "Oo na, panalo ka na." Pagsuko niya. "Hindi ako nagkinig, happy?" Heto na naman siya, naging sarkastika sa pagkakamali niya.
"Who is the lucky person then? Hmm?" Itinuko nito ang dalawang siko sa arm chair niya at ipinatong ang baba sa mga kamay. Nakiki-intriga sa takbo ng isip niya.
"I'm not thinking of a person Gail. It's just some random art that I want to try next." Depensa pa niya. Natawa naman si Gail, at naririndi siya roon. Nakakainis naman kasi nito eh! Tiyaka, hindi siya sanay na tinutukso.
"Really?" Heto na, pinipiga talaga siya. Ganito, ba talaga yun? Nakaka-speechless ba talaga ang mapiga? Hindi niya na talaga gusto ito. It's not right.
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?" Pinatikas niya ang mukha, pinapakita niya na hindi niya gusto ang pa! g-iintriga nito sa kanya. Acting lang niya yun. Nagtagumpay naman siya dahil nadala ito sa fake act niya. Pasensya na Gail, pero ayaw kong ma intriga aniya sa loob ng utak niya.
BINABASA MO ANG
True Love Sweet Lies
Teen FictionFrancine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to succeed and give her family a new life in the future. She has the beauty of simplicity that screams...