Chapter 1: Eripmav City

7.2K 222 39
                                    

Chapter 1: EripmavCity
Bryant's POV

"Bj! Biliasan mo nga jan! Nako napakabagal mo talagang bata ka. Anjan nayung lipat bahay truck!" Sigaw sakin ni mama.

Lilipat kasi kami ng tirahan. Meron kasing isang city na bigla na lang nag apir dito sa maynila tapos naging trending tapos nabalita. At ang matindi pa pinatayuan nila ng mga bahay kung saan ang pwede lang umupa ay yung mga taong wala talagang bahay.

Hinahakot na ng mga tagabuhat yung mga gamit namin. Napatingin ako sa bahay na lilisanin namin. Mamimiss ko to. Pati yung mga kapitbahay namin. Mga kaibigan ko. Mga kamag aral ko. At yung skwelahan ko.

May school din na pinatayo dun. Eripmav City nga pala ang pangalan ng City na yun. Ang weird nga ng pangalan pero worth it dahil maraming natutulungan.

Kung ang upa namin dito 3 thou dun 800 lang pero magkasing laki din nitong aalisan namin.

- - - -

Alas kwatro natapos na namin ayusin yung mga gamit sa bago naming bahay. Alas dos ng makarating kami dito. Di nagpaligoy ligoy si mama at inayos na yung mga gamit namin.

Maganda yung bahay, tig isa kami ni mama ng kwarto. I mean silang dalawa ni papa dun sa kwarto ako naman mag isa dun sa kabilang kwarto. Di naman dito nakatira si Papa. Nagtatrabaho kasi sya dun sa city hall sa Muntinlupa. Di ko nga din malaman ang status ng pamilya namin. Wala namang ibang pamilya si papa pero hindi sya natira dito samin.

Nabisita lang sya tuwing may okasyon.

Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos kong tulungan si mama sa pag aayos ng gamit sa kusina. Pagkapasok ko sa kwarto nahiga agad ako. Nakakapagod ang araw na to.

Anyway di pa ako nakakapagpakilala. Ako si Bryant James Heteo. 18 years old. 1st year college sa pasukan. Bakasyon ngayon kaya wag ka na magtaka. You can call me Bj. Anong course ang kukunin? BSBA. Grumaduate ako sa Sugar Fundant Academy. 2nd honorable ako at gwapo. Uhm. Ano pa ba? Gf? Wala. NGSB ako. Gwapo ako, gwapo at gwapo. Period. No eraseur. Lock, kandado. Tapon susi. Layo lugar

Grabe nakakapagod talaga ang araw na to. Di ko na namalayan, untin unti ng bumabagsak ang talukap na mata ko hanggang sa makatulog na ako.

- - - -
Kinabukasan

"Bj? Bj? BJ! Hoy ikaw na bata ka! Tanghali na! Gumising ka na at may pupuntahan ka pa. Ienroll mo yang sarili mo aba! Anong akala mo ako pa ang gagawa nyan? Tanda tanda mo na! Nakuu!" Nagising ako sa litanya ni mama. Ang aga aga naglilitanya na naman.

Tinignan ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader. 5:45 am. Grabe naman si mama. Ang aga aga pa ee. Eto ba ang sinasabi niyang tanghali na? Kung ganon naman pala, edi wow!

Tumayo na ako at naligo lumipas siguro ang 30 minutes bago ako natapos. Lumabas na ako ng kwarto at pumuntang kusina.

Pagdating ko ng kusina nakita kong nakain na si mama.

"Aishh. Kahit kailan talaga ang tagal mong kumilos."

"Grabe ka naman ma. 6:25 pa nga lang oh, mamaya pang alas otso yung enrollment ma." Sabi ko kay mama habang nakain.

"Pero ma ang galing noh? Ang daming matutulungan nitong lugar na to? Lalo na ako. Akala ko dadaan pa ako sa madugong test para lang makapasok sa mga pangcollege na school na yan--." Di ko na tinuloy yung sasabihin ko kasi naman,

"Ma naman! Di ka naman nakikinig. :3"

"Ewan ko sayo. Umalis ka nang matahimik na ang buhay ko." Sabi ni mama at kinuha ang pinagkainan nya at nilagay sa lababo. Nako kung di ko lang talaga nanay to, if I know ieenjoy lang nya yung view sa likod tapos magtatanim tanim.

Tinapos ko na ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan. Pagkatapos kong hugasan umalis na ako.

7: 08 pa lang kaya naisipan ko munang maglakad lakad. Malinis ang kapaligiran. Kung iisipin mo parang nasa probinsya ka lang pero ang totoo nasa Metro Manila ka pala. Sobrang layo ng aura ng lugar na to sa Manila.

Una, napakalinis dito. Kumpara mo sa maynila na kaliwat kanan ang kalat.

Pangalawa, napakasariwa ng hangin. Kumpara ulit sa maynila na sobrang usok. Pag nasa manila nga ako feeling ko parating may laro tapos ang title 'patagalan nang hindi huminga'.

Pangatlo, napakadisiplinado ng mga tao dito.

Di ko namalayan sa paglalakad ko nakarating na pala ako sa skwelahan na hinahanap ko.

'Pure Blood Academy'

Napalunok ako. Grabe ang weird naman ng pangalan ng skwelahan na to. Pero nakakamangha, di sya mukhang skwelahan. Parang palasyo lang ang peg.

Papasok na dapat ako este hahawakan ko na sana yung gate ng kusa itong bumukas.

Shit. Goosebumps!

Napalunok ako ng wala sa oras. Lalakad na sana ako patalikod para umuwi na kasi feeling ko talaga maiihi ako sa mga nakikita ko, ng may biglang magsalita.

"Good morning mister. Are you going to enroll?" Sabi nung matanda. Sht. Di pala matanda, binata pala. Ang gwapo nya. Sht. Ano ba tong sinasabi ko. Pero seryoso? Ang gwapo nya kung di lang sya namumutla.

"A-aa. Y-y-yes." Kinakabahan kong sabi. Kita nyo na! Sa sobrang kaba ko napapaenglish ako.

"Welcome to the Pure Blood Academy, enjoy your stay." Sabi nya at iniguide ako papasok. Ano daw? Enjoy your stay? Ano to hotel?

Pagpasok namin talagang namangha ako sa nakita ko. Sobrang lawak nang loob nito at may mga naglalakihang chandilier. Nakasunod lang akosa kanya ng tumigil kami sa tapat ng isang pinto.

'Registar Office."

Pagkabukas ng pinto ay namangha na naman ako. Napakaganda ng loob nito. May mga estudyante din na katulad ko.

"Mr?"

"Heteo Sir."

"Mr. Heteo fill up this form and you're already enroll in this school." Sabi nya at inabot yung papel na siguro ten pages.

Inumpisahan ko ng mag fill up inabot siguro ako ng mga 30 minutes sa pagfill up dahil sa sobrang dami nung sasagutan dun.

Pagkatapos ko inaabot ko na sa kanya yung papel.

"Mr. Heteo, this is your uniform, class schedule, and the map of the school. Keep this and kiindly memorize the rules and regulations. It is necessary. The start of the class is next week. Thank you for enrolling in the Pure Blood Academy, Have a nice day." Sabi nya at yumuko na parang korean.

Umalis na ako dala dala ang mga gamit na binigay nya.

Naeexcite na ako pumasok kasi, ang dami kong nakitang magandang babae, for real!

- - - -

BabyChububu: Update for you. Mag uupdate siguro ako pag naka 100 views na tong chapter na to at may 10 votes. Love lots! :*

XOXO

#HDTVG

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now