Chapter 4: Training

422 11 1
                                    

Chapter 4: Training
BJ's POV

"Blah blah blah blah." bored kong itinuktok ang lapis na hawak ko sa mga librong kaharap ko ngayon.

Mga. As in mga.

"Bj! Are you listening?!"

Parang bigla akong nagising sa pagkakatulog at mabilis na bumaling kay John at mabilis na tumango.

"Hehe. John naiihi ako."

"Kakaihi mo lang. Ipagpatuloy mo na ang pagbababasa mo."

Bumuga ako ng hangin at inis na binuklat ang librong hawak ko ngayon. Psh! Ano namang gagawin ko dito? Tungkol sa mga mangkukulam at barbaro.

Agad kong inigala ang mata ko sa librong kaharap ko at mabilis na binasa ito. Salamat at naging bampira ako at naging matalas ang mata at isip ko. Kung tao lang ako baka isang stanza pa lang ang binabasa ko ay natutulog na ako dahil walang napasok sa utak ko.

"Sinabi ko sayo, kailangan mo lahat ng impormasyon na iyan para sa iyong katungkulan. Baka nga wala ka pa sa pwesto ay magamit mo na yan."

Inis ko lamang sya binalingan at agad na binalik na binalik sa binabasa ko ang paningin ko.

"Tapos ko na." sabi ko at isinara ang hawak ko. Lumingon muna sya sakin bago tumingin sa relo sa braso nya.

"Late ka ng 10 seconds. But improving." sabi nya at tumayo na. Inikumpas nya ang kamay nya at lahay ng librong nakapalibot sa harap ako ay bumalik muling sa shelf.

"Bukas na ulit. Pumunta ka na kay Leticima."

Mabilis syang naglaho at nagteleport papunta sa kung saang di ko alam kung saan. Tss!

Agad kong kinuha ang bag ko na nakalagay sa isang upuan at naglakad palabas ng library.

Pakamatay na lang kaya ako? Napakahirap ng pinag dadaanan ko ngayon kinginah. Napakadaming libro ang pinapabasa sa akin ni John. Kaliwa't kanan na pageensayo.

At isa pa pinag-aaral ako ni John ng reverse alchemist. Dahil sabi nya isang malakas na uri ng kapangyarihan ang napunta sa akin pero ang katawan ko ay taliwas sa reaction nito. Masyado daw mahina ang katawan ko kaya mabilis akong manghina tuwing gagamitin ko ang kapangyarihan ko.

Nagteleport ako papunta sa sementeryo na nandito lang din sa loob ng Eripmav City. Pagkarating ko muli kong nakita ang parehas na view na nakikita ko tuwing pupunta ako dito.

Lumakad ako pahilaga at tinunton ang isang bahay na pinakamalaki dito. Napaisip ako kailangan pa ng bahay ng mga patay isang beses isang taon lang naman sila dumadalaw.

Nadatnan ko dun ang isang lalaking mahaba ang buhok na mukhang babae. Nakasuot ng isang item na jacket na sira sira at pantalon din na itim na itim. Walang pangtaas na panloob kaya kita ang dibdib ngang walang laman. Napakapayat din nito pero halata mo pa rin ang kagwapuhan sa hubog ng mukha nito.

"Leticima." pag agaw pansin ko sa kanya. Dahan dahan syang tumingin sakin at saka tumango.

Sya ang guro ko sa reverse alchemist. Sya ang nagtuturo para malaman ko lahat ng kailangan ko para maprotektahan ang sarili ko.

"Umpisahan na natin." sabi nya at nagcast agad ng spell bago pa man ako makapag-react

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now