Chapter 32: Forgotten
BJ's POVTatlong araw. Tatlong araw na ako s lugar na ito. Sa teritoryo nila james na hindi ko maintindihan kung sino ba ang pinaglilingkuran nya o kung sino pa man ang mas mataas sa katayuan ni papa.
Napatingin kaming lahat ng nasa loob ng kwarto ng marinig namin lumagatik ang saraduhan nito na hudyat na ito ay binuksan
"Tsk. Tsk. Masyado kasing nakikielam."
"Ayan naparusahan tuloy ni Sir James." narinig kong pag-uusap ng mga papasok na fiend. Binuksan nila ang pinto habang nag-uusap. Tinignan ko lang sila hanggang sa tinigil nila ang pag uusap.
Tumikhim muna ang isa bago nagsalita.
"Bryant gusto ka makita ni Pinuno." aniya
Di ako kumibo at nanatili lamang nakaupo.
"Tsk." palatak ng isa at hinila ako. Pumalag ako at inismaran sya.
"Hindi mo ako kailangang hawakan." sabi ko at lumabas. Tang ina. Kahit ayokong sabihin to nandidiri ako sa lahat ng bagay na meron sa lugar na ito.
Bago pa maisara ang pinto ay napasilip akong muli sa loob ng Exodus room ay nakita ko si Mang John na nakatingin nang diretso sa akin.
Bumuka ang bibig nya pero di ko na naintindihan ito dahil naisara na ang pinto.
Iginaya ako ng dalawang fiend papunta sa kung saan man. Pinagmasdan ko sila. Sino ang lumikha sa mga ito? Masyadong nakakamangha.
Kung sa mabuti lamang na paraan at layunin ang mga ito kaya nabuo ay malaking tulong ito para sa ekonomiya.
Sa hinaba haba ng nilakad namin ay tumigil kami sa isang tapat ng pintong malaki at napakaganda.
Napapalamutian ito ng mga ginto. At ibat ibang disenyo. Pero kahit gaano pa kaganda ito ay ganun namang kasama ang nasa likod ng pintong ito.
Binuksan ng fiend ang pinto at ganoon na lang ang gulat ko ng makita kung sino sino ang mga nandito.
Sila James, Onyx at Bale.
Dahan dahan akong pumasok. Sinara ng mga fiend ang pintong nilampasan ko.
"Ano to? Anong ibig sabihin nito?" tanong ko habang nakatingin ng diretso kay bale.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong kong muli pero ang tingin ko ay ibinaling ko na kay Onyx
Walang sumagot ni isa sa kanila. Isang mahabang katahimikan ang namayani.
Naiyukom ko ang palad ko. Anong ibig sabihin nito? Nandito ba sila para iligtas ako? O kakampi sila ng walang hiya kong kapatid?
"Bakit di ka muna maupo. Aking kapatid?" sabi ni James na akala mo ay isang makata.
Hindi ako sumunod sa sinabi nya. Nanatili lang akong nakatayo.
Tumingin ako kay Bale na hindi makatingin ng diretso sa akin.
"So ano gagawin na ba natin?" biglang salita ni Onyx bago pa ako makapagsalita. Nakatingin sya kay James na para bang inip na inip
Lumingon sa akin ang kapatid ko bago sumagot.
"Hayaan nating bigyan ng kaunting kaalaman si Bj bago mawala ang lahat sa kanya." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Si bale ay kahit kelan ay hindi naging kakampi nyo. Lahat ng nakita mo noong araw ay..." sabi nya na para bang nangbibitin
"Ay SCRIPTED." pagpapatuloy nya pagdidiin sa word na scripted. Tinignan ko si bale ng masama na nakatingin sa akin na para bang hinihintay nya kung ano ang magiging reaction ko.
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...