Chapter 33: Act

762 25 0
                                    


Chapter 33: Act
Onyx's POV

"Anong pumasok sa isip mo at sinunod mo gusto ko?" tanong ko sa kanya. Nanatili syang nakayuko. Hindi nya sinagot ang tanong ko na mukhang di nya narinig dahil napakalalim ng iniisip nya. Tumayo ako sa pagkakaupo at sinipa ang upuan. Gulat syang tumingin sa akin at nagtatakang nagtanong.

"Wifey? Bakit--?"

"Mukhang wala ka sa sarili mo ah?"

"Hindi. May iniisip lang ako."

"Nagsisisi ka na ba?" tanong ko at tinignan sya ng masama

"Hindi. Hindi. Naisip ko lang baka hindi umepekto sa kanya ang kapangyarihan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Tara kumain na tayo. Nasaan na si Bale?"

"Nasa kusina. Sya ata nagluto." sagot ko. Tumayo sya at lumapit sa akin. Tumayo na rin ako. Ipinulupot nya ang braso nya sa bewang ko at inalalayan akong lumakad.

Ayan si James Austin Wilkerson. Boyfriend ko sya for 6 years. Tanging si Bale lang ang nakakaalam ng munting sekreto naming ito. Pagkadating namin sa kusina nadatnan namin si Bale na naghahanda na ng pagkain. Bumitaw ako kay James at naunang naglakad.

"Anong meron Vlademaire? Mukhang masarap ah?"

"Maupo ka na lang jan Onyx. Wag mo akong bwisitin." sagot nya sa akin at bumalik sa tapat ng lutuan. Ayan ang totoong Vlademaire Secher. Masungit. Mas masungit pa sa kakambal nyang walang kwenta. Ang mga pinakita nyang pagiging makulit sa mga naging kaibigan nya ay tanging pagpapanggap lamang. Umupo na kami ni James at kumuha ng kanya kanyang plato at kutsara't tinidor. Mamaya maya ay umupo na din si Bale bitbit ang bowl na puno ng Caldereta.

"Mukhang ang saya mo bro ah?" tanong ni James kay Bale

"Nah. Excited na ako sa kahihinatnan nito."

"Tss. Sana ay tumagal ang larong ito." sagot nya kay bale. Tinitigan lang sya ni bale at saka sumubo

"Ano nga palang balak mo sa kakambal mo?" tanong ko sa kanya Nilapag nya ang hawak nyang kubyertos at sumandal.

"Wala. Makikipaglaro muna ako sa kanila."

"Tss. Andaya. Ang pangit na ng tingin nila sa akin. Ang boring pa naman dito sa bahay."

"Manahimik ka James. Malaki na ngang tulong iyong ginawa mo hindi ka pa matuwa."

"Tss." yun lang ang isinagot nya sa akin. Tinuloy namin ang pagkain ng biglang pumasok ang tatay ni JamesUmupo sya sa tabi ni Bale at tinitigan ito.

"Napasyal ka dito iho?"

"May ginawa lang hong importante." sabi nya at tumingin sa ginoom isang matagal na tingin. Pagkatapos niyon ay bumuntong hininga ang matanda.

"Sana maitama mo pa ang lahat ng ito James, Onyx. Hindi pa huli ang lahat." sabi nya at mabilis na umalis. Walang sumagot ni isa sa amin.Tss. Maitama? Kahit kailan walang naging tama sa kanila.

- - - -

James's POV

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

"Busog na ako. Matutulog lang ako." sabi ko sa kanila at umalis sa tapat ng hapag kainan. Fuck shit. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa sinabi ng matandang iyon. Wag kang magpaapekto James. Hindi mo dapat maramdaman yan.Dumaan ako sa kwarto na pinaglalagyan ni James. Nadatnan ko syang nakaupo doon.

"Maghanda ka na. Aalis ka na." Sabi ko pero wala akong natanggap na sagot sa kanya"Tandaan mo ang sinabi ko sayo. Papaibigin mo si Adellaide Laude at ibabagsak mo sya."

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now