Chapter 2: Starting point

595 16 2
                                    

Chapter 2: Starting point
Xiron's POV

Ako si Xiron Vien Reynes. Isang bampira. Isang mababang uri ng bampira. Ang pamilya ko ay nabibilang sa lahi ng mga barbaro, mga bampirang walang malakas na kapangyarihan na ipagtanggol ang sarili nila at para maiangat ang pamumuhay.

Ganito ang sistema noon. Ang mga bampira ay nakatago sa liwanag at gusto kong maibalik ang sistemang ito. Ang mga pamantayan ng pamumuhay ay ang mga kapangyarihan. Ang mahihina na nasa taas ay aalisin at ang mga mamumuno ay ang malalakas.

Ang mga tunay na malalakas.

Nagsimula lamang ang lahat ng ito ng mangielam sa sistema ang ama ni Bryant. Masyado syang nasilaw sa pag-ibig.

"Oh my gosh. Ang wafu!"

"Asan? Oo nga! Kyaahh!"

Nangunot ang noo ko at masamang tinignan ang babaeng nadaanan ko na pagka-ingay ingay ng bunganga. Gulat nilang sinalubong ang tingin ko saka nag-iwas ng tingin ag nagmamadaling umalis.

Nandito kami ngayon sa Pure blood academy. At napasok talaga ako dito itong isa lang to ang hindi.

"What are we doing here master?" inosenteng tanong nya at inilibot ang tingin

Di ko sya sinagot at inilibot ang tingin. Kusa lang tumigil sa pag-gala ang mata ko ng makita ko na ang gusto kong makita.

Bryant James Heteo.

Mag-isa lang sya. Hindi sya magkanda-ugaga sa mga dala dala nyang libro at nagmamamadaling naglalakad.

Inayos ko ang pagkakasuot ng jacket ko. At inumpisahang maglakad papuntang gawi nya.

Isa akong sinaunang bampira. Isang totoong bampira kung saan nasusunog kapag natamaan ng araw.

Kung bakit ganito ako? Gumawa ako ng eksperemento para maibalik ang dating pisikalidad namin. Ngunit hindi ko kayang gawin ito sa madamihan. Kaya ko lamang gawin ang spell sa isang tao.

At para maisakatuparan ang gusto kong mangyari. Kailangan ko ng kapangyarihan ng isang Bryant James Heteo.

"Master saan kayo pupunta?" di ko sya pinansin at diretso lang na naglakad hanggang sa mabangga ko si BJ.

"Ouch. Sorry." sabi ko

"Ah. Sorry. Sorry!" Aligagang sabi nya at pinulot ang mga dinadala nya. Tinulangan ko syang magpulot at ng makahanap ako ng pagkakataon ay inidikit ko sa balat nya ang isang papel na kapag napadikit ito sa balat ay kusa itong magdedesolve at kapag nakapasok na ito sa katawan mo ay may kakayahan na akong kontrolin ka.

"Master ayos ka lang?" katulad kanina ay hindi ko syang muli pinansin. Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang damit ko.

Yumukod ako kay Bryant at walang salitang tinalikuran sila at lumakad papalayo sa kanila.

Humanda ka Bryant. Ikaw ang magbabayad sa lahat ng kasalanan ng tatay mo sakin.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now