Chapter 11: Cause
Xiron's POVKalmado akong naglakad papasok sa basement at dumiretso sa katawan ng anak ni Heteo na nakahiga sa stretcher.
May nadaanan akong isang table na puno ng iba't ibang apparatus. Dumampot ako ng kutsilyo at tumigil sa tapat katawan ng bata.
Charles ang pangalan nya. Ampon ni Heteo, isang converted vampire. Regardless, nasa kanya pa din ang dugo ng isang heteo.
Itinaas ko ang pulsuhan nya at sinugatan ito. Dumaloy dito ang masaganang dugo nito. Nakakatakam.
"Ang sabi mo kukuha ka lang ng dugo. Bakit parang balak mong patayin ang bata?!"
Biglang kumabog ang dibdib ko. At mabilis na nagsipagdaluyan ang dugo ko. Sa pamamagitan ng daliri ko ay ipinahid ko ito sa sugat ng bata at isinubo ito.
Biglang may pangitain na pumasok sa isip ko. Papunta dito sila Heteo.
"Bilisan mo. Ilagay mo ito doon sa bukasan." utos ko kay Shin sabay abot sa lalagyan na pinangsalo sa dugo ng bata. Mabilis naman syang tumugon at agad na sinunod ang utos ko.
Nang mailagay nya sa bukasan ang dugo ay umagos ito sa tubo na nakakonekta sa tyan ng anak ko. Unti unti itong pumasok sa loob ng katawan nya at unti unti syang nagkakulay. Ang ulo nyang walang buhok ay nagkakatubo na ng mga buhok. Ang payat nya pangangatawan ay nagkakalaman na. Ng huminga sya ay otomatikong nagbukas ang itaas ng tangke umusok ito habang unti unting nauubos ang berdeng likido sa loob nito.
Agad akong lumapit at kinuha ang katawan nya.
"A-anak." bagamat naluluha ay nagawa kong banggitin ang salitang iyun
"Law anak." ang kamay ko ay iginala ko sa pisngi nya. Umubo sya isang beses at saka nagdilat ng mata.
"P-pa-papa." nauutal nyang sabi, nginitian ko sya at agad na tinawag si Shin
"Pumunta kayong sementeryo. Doon kayo maninirahan. Sa susunod na labing walong taon ay bumalik kayo dito. Huwag mong hayaang may makakita sa inyo. Sa pinakadulo ng sementeryo hanapin nyo ang lapida na may pangalan ko. Doon maari kayong manirahan. Tandaan mo huwag mo syang paaarawan kundi mamamatay sya."
"Sa-saglit ano bang sinasabi mo?!"
"Kailangan kong iligtas ang anak ko. Ipangako mo sa akin hindi mo sya papabayaan. Para sa pagliligtas ko sayo. Sa ika 21 kaarawan nya ay magiging ganap na bampira sya. Isang normal na bampira kung saan ay taglay ang sumpa ng araw." tumayo ako at kinuha ang mga libro sa lamesa at iniabot kay shin
"Ipaaral mo sa kanya ito. Lahat lahat ng dapat nyang malaman. Wag mo ding hahayaan na makalimutan nya ako. At ipakilala mo sana ang sarili mo bilang ina nya."
"Pero Xiron ano ba ito? Anong nangyayari?!"
"Walang nangyayari. Ang lahat ay nakaplano. Sana intindihin mo ako." ngumiti ako ng malungkot matapos ay nag banggit ako ng isang spell na nagbukas sa isang portal papunta sa sementeryo
"Sige na umalis na kayo." binuhat ko si Law at iniabot sa kanya
"Saglit." umiiyak na sambit nya
"Ano yun?"
"Di ka naman mamatay di ba?"
"Hindi. Hindi ako mamamatay. Babalikan ko kayo sa ika dalawamput isang kaarawan nya."
"Mag-iingat ka." bulong nya at tumapak na palabas ng portal bago sya tuluyan maka lagpas ay may sinambit ako sa kanya.
"Law."
"Law Tyson Reynes."
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...