Chapter 23: One week

1.1K 54 19
                                    

Ok. I so love you guys! Happy mag 3k satin! Keep up ko ang pagganda ng kwento at sa inyo naman ang pagbabasa. Salamat din sa pagbabasa. I love you kahit di kita kilala.

Chapter 23: One week
Bj's POV

Two years after...........

"Bj! Pasa mo sakin dali!" sigaw sakin ni Kiyomi.

"Saglit! Eto na." tumakbo ako ng mabilis at inabot sa kanya ang bola.

"Tss ang bagal mo talaga!" sabi nya at hinagis ang bola at mabilis na tumakbo sabay sipa. Yun! Pasok na naman!

"Another two point from Kiyomi Garcia of Blue thunder. Such a wonderful game right partner?" sabi nung mc.

Tumingin ako kay Kiyomi at umirap.

"Bakla!" sigaw nya sakin

"Grrr. Sabing hindi ako bakla!"

"Tsss. Sasabihin ko kay Ate Adellaide na hiwalayan ka at bakla ka." sabi nya at umalis sa tapat ko.

Natahimik ako.

Kelan kaya nya ako sasagutin. Tumingin ako sa audience nagbabakasali na nandun sya pero wala talaga sya.

Di man lang sya nag effort pumunta sa kahit sa finals.

Pumunta na ako sa gilid kung saan nakalagay ang mga gamit namin.

Dalawang taon na ang nakalipas at tinotoo nga ng council ang pageensayo naming mga bampira. Isang linggo mula ngayon gaganapin ang unang pagtataya para malaman kung lumakas ka ba.

"Oh tubig." abot ni Natalia ng isang boteng tubig. Inabot ko naman at diretsong uminom

"Galit ka na naman?"

"Tss. Di kasi sya pumunta." singit na sabi ko at pinagpatuloy ulit ang paginom.

"Panong di pupunta. Nainis sayo yun. Di mo man lang niyaya kasing makipagdate."

"Anong di niyaya. Grabe effort ko ah! Napahiya pa ako kanila Deme para lang tulungan nila ako. Tss."

"Edi problema mo na yun kaya sa sarili mo ka mainis wag sa kanya. Dyan ka na nga." sabi nya at hinagis sakin ang bimpo. Sakto naman sa mukha ko ang diretso.

Tinanggal ko ang pagkakatabing ng bimpo. Nakita ko syang lumakad papunta sa kabila.

Tss. Pupuntahan na naman nya yung syota nya.

*ptttttttttt* pito nung mc

Nag ayos na ako at bumalik sa gitna. Isang linggo na lang bago ang pagtataya para sa lakas. Kaya binigyan kami ng isang linggo para magliwaliw at magrelax.

Sa loob ng dalawang taon nanirahan kaming lahat sa ilalim ng skwelahan. Walang balita sa labas. Ni walang araw. Nakakalabas lang kami pag emergency lang talaga na isang beses lang nangyari dahil may mga sumugod na fiend sa pasay at kailangan ng back up.

"Ok team! Keep up the good work!" sabi ng mentor namin. Naglalaro kami ng football. Magkahalong babae at lalaki ang bawat team. Napasali ako dito kasi naastigan ako kay Kiyomi pero di ko alam na mapanlait pala yung bubiwt na yun.

"On your mark! Ready! Get set! Go!" sigaw nung referee at hinagis ang bola. Mabilis na nakipagbanggaan ako para maagaw ng bola.

Malapit na sana ako ng halos mapaihi ako sa salawal ko sa kilig ng may sumigaw ng pangalan ko.

"Go Bj!"

"Adellaide loves you."

Nahihiya akong tumingin sa may upuan ng mga manunuod at nakita ko syang nakatayo dun na may hawak ng tarpulin na may sulat na.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now