Chapter 15: Getting back

445 9 0
                                    

Chapter 15: Getting back
BJ's POV

Napatayo ako bigla sa pagkakaupo ko. Maging si Ade na nakaupo sa akin ay napatayo din bigla. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nagmamasid lang.

"Si-sino to."

"Si Vien ito. Ikaw lang mag-isa." sagot nya sa kabilang linya

Nilibot ko ang tingin ko sa kasamahan ko at kita ko sa mata nila ang pagtatanong kung anong nangyayari.

"Sige."

"May iapapadala akong portal jam. Pumasok ka. Ikaw lang. Huwag mong hahayaan may makapasok na iba kundi mamamatay ang anak anakan mo." lumunok ako at bumuntong hininga. Ramdam ko ang pag ibayo ng dibdib ko, alam kong hindi to galit pero kinakabahan talaga ako.

Sa isang buwan na pagtuturo sa akin ni Leticima ay natutunan ko na magkontrol ng emosyon. Natuto kong pigilan ang galit ko dahil kapag nahahayaan kong mamuo ang galit sa puso ay kusang lumalabas ang kapangyarihan ko. Muntik pang maymangyari dati, sa sobrang inis ko sa tindera sa palengke ay lumabas na namanang kamukha ko at binato nya ng palakol ang tindera. Mabuti na lamang at nakita ako ni James at nagawa nya akong pigilan. Nakatalikod noon ang tindera ng tangkain ko sya palakulin at ng humarap sya ay nagtataka syang nakatingin sa amin ni James dahil nakataas ang dalawa kong kamay habang pigil pigil ako ng kaibigan ko.

Katulad ng sinabi nya ay biglang lumitaw ang isang magic circle sa lapag. Unti unti itong tumaas hanggang sa maubos ang tatak. Ang nadaanan nito ay may naiwang nagliliwanag na salamin.

Binaba ko na ang tawag at humakbang papalapit dito.

"Teka BJ anong gagawin mo!" pigil sa akin ni Ade, humarap ako sa kanya dahilan para tumalikod ako sa lagusan, nginitian ko sya at nag summoned ako ng makapal na salamin na nakapalibot sa lagusan para di sila makadaan. Nang matiyak kong secured na ang daanan ay unti unti akong humakbang patalikod hanggang sa maramdaman kong nilamon na ako ng portal.

NILABAS ako ng portal sa isang kwartong walang lamang. May isang bintana at dalawang pinto. Isang pintong labasan marahil at isang pintuan para sa banyo. Bumakas ang pintong malayo sa bintana at nilabas nito ang lalaking kumuha sa anak ko.

"Gusto ko pa sana ipagpatuloy ang pakay ko pero biglang nabago ang ihip ng hangin." panimula nya diretso lamang sya naglakad hanggang sa tumigil sya sa tapat ko

"Buhay mo kapalit ng buhay ng anak mo." sabi nya at nilahad ang kamay nya na may hawak na maliit na bote na may lamang berde na may pagkapulang likido. Hindi ako nagsalita at kinuha lamang ito.

"May isang salita ako Heteo. May isang salita ang tunay na bampira."

"Paano ako makakasiguradong papakawalan mo ang anak ko."

"Pagkaininom mo yan mawawala ako pansamantala. Inumin mo man iyan o hindi mawawala ako. Pero sinasabi ko sayo hindi ako ang mawawalhan ikaw." wearing his smirk tumalikod na sya at nag umpisa ulit lumakad.

"Oo nga pala gusto ko ang asawa mo." bigla syang tumigil sa kalagitnaan ng lakad nya, humigpit ang hawak ko sa bote at tinignan sya ng masama

"Sige na inumin mo na." bigla syang nagteleport papunta sa bintana at sinara ang makapal na kurtina nito dahil para lamunin ng kadiliman ang buong kwarto.

Binuksan ko ang saraduhan ng bote at tinitigan ito saglit bago iniinom. Habang iniinom ko ito naramdaman ko ang init ng likido na dumadaloy sa lalamunan ko. Hindi ko pa man nauubos ang laman nito ay naibagsak ko na ang bote maging ang katawan ko ay bumagsak na rin sa lapag dahil sa sobrang sakit.

"BJ pamahalaan mo ng maayos ang kaharian ng mga bampira. Dahil pagbalik ko. Sisirain namin ito tulad ng pagsira nyo sa buhay namin."

Hindi ko na sya makita at tanging kadiliman ang nakikita ko at buong katawan ko ay namamanhid na sa sobrang sakit. Naramdaman ko ang yabag nya hanggang sa makarinig ako ng pagsara ng pinto.

Nanatili ako sa ganuong pwesto hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko. Dahan dahan akong tumayo at pinakiramdaman ang sarili ko. Wala na akong maramdamang kakaiba.

Pinalagatok ko ang leeg ko at iba pang parte ng katawan ko. Kakaiba rin ang uhaw na nararamdaman ko ngayon.

Lumapit ako sa bintana para hawiin ang kurtina pero di ko pa man nabubukas ito maigi ay napatalon na ako palayo dito.

Ang araw!








Ang sikat ng araw!











Nakakapaso!

Napaluhod ako sa kinatatayuan ko at nanlalaking mata nakatingin sa lapag.

Hi-hindi. Isa na akong normal na bampira na may sumpa ng araw.

Isa na rin akong sinumpang nilalang. Na walang kalayaan.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now