Chapter 30: Right thing

841 35 0
                                    

Chapter 30: Right thing
BJ's POV

Napasimangot sya dahil sa sagot ko. Tinalikuran nya ako at saka humarap kay papa.

"Napakainutil mo!" sigaw nya, ganun na lang ang pagkagulat ko ng sinuntok nyang bigla si papa. Tumalsik si papa at tumama sa pader.

Tumakbo ako papalapit kay papa at inalalayan syang tumayo. Hinawi naman ako ni papa at mag isang tumayo. Tumingin ako kay James at ganoon na lang ang sama ng tingin nya sa akin na kulang na lang ay patayin nya ako.

"Umalis ka jan." sabi nya sakin. Umiling ako saka nagsalita.

"Hindi. Hindi hanggat hindi ka kumakalma." matapang na sabi ko. Lalong sumama ang tingin nya sa akin. Pumunta sa harapan ko si Papa at hinawakan ako sa balikat.

"Ok lang. Dito ka muna. Mag uusap muna kami ng kapatid mo." sabi nya bago humarap sa kapatid ko

"Halika. Sa labas tayo mag-usap." sabi naman ni papa pagkaharap nya kay James. Di naman na kumibo si James pero nangingitngit sya sa galit. Kung ano ang dahilan hindi ko alam.

Lumapit na sa pinto si Papa at binuksan eto saka lumabas. Di nya muna eto sinara at hinintay makalabas si James pero bago pa makalapit si James sa pinto ay nagsalita sya.

"Pero nagbago na ang isip ko. Kami na lang ng kapatid ko ang mag-uusap." sabi nya

Susugod na sana si Papa ng bigla syang manigas. Walamg inaksayang pagkakataon ang kapatid ko at sinara ang pinto. Pagkalock nya nito ay humarap sya sakin suot muli ang malademonyo nyang ngiti.

Kakaibae ang kapangyarihan nya.

"Kamusta mahal kong kapatid?"

"Hindi kita kapatid." Sabi ko at inirapan sya. Kumunot ang noo nya.

"Masyado kang matigas tignan natin kung kaya mo pa ang lahat ng mangyayari pagkatapos ng pag-uusap natin." sabi nya wearing his famous smirk. Tss! Sabi ko na nga ba kaya ayoko ng ngiti nya. Tss hindi pala ayoko sa mukha nya.

"Ok sige. At ano ang gagawin mo? Sasaktan mo ako? Si papa? O ang mga kaibigan natin? Or should i say ang mga tumuring na kaibigan ka pero ginago mo lang." tumalikod sya sakin bago sumagot

"Hindi ko na kasalanan yun kung mga hunghang kayo. Isa pa si Avril at Ade. Alam ng taga black clan ako pero wala pa ring ginawa."

"Hindi mo kasi nakukuha yung point." naiinis na sabi ko. Pag ako nainis sasapakin ko na to eh.

"Kuha ko. Pero kayo ang di nakakakuha."

"Talaga lang huh?! Kuha mo pala pero bakit ka ganyan? Una si papa ano bang ginawa ni papa sayo at ganyan na lang turing mo sa kanya?"

"Wala kang alam!!"

"Wala nga akong alam pero eto sinasabi ko sayo. Hindi naging mabuting tatay sa akin si papa. Disiplinador sya. At palagi syang wala sa bahay. Hindi naging masaya ang pamilya namin kahit pa magkakasama kami." paliwanag ko sa kanya. Sagli syang natigilan pero mabilis din syang tumingin ng masama sa akin.

"At sila Ade. Matagal na nilang alam na taga black clan ka." pagsisinungaling ko. Tss. Magtino ka naman James, dahil sayo nagkakasala ako eh. "Pero lahat ng yun tinago nila sa barkada dahil ayaw nila masaktan ka pati ang iba dahil umaasa silang wala kang masamang motibo sa amin."

"Huh! At ano kinokonsensya mo ko--" hindi pa man sya tapos magsalita ay sumagot agad ako

"Dipende yun kung makokonsensya ka." singit ko at tinignan nya ako mg masama. Sumugod sya para suntukin ako. Pero hindi ako natatakot sa kanya sumugod din ako at sinalubong ang suntok nya.

Tinamaan ako sa tyan sa una nyang suntok. Naupo ako dahil malakas ang pagkakatama sa akin. Binaliwala ko ito at muling sumugod. Pinakita kong pinupuntirya ko ang tyan nya bagkus ang ulo nya ang target ko.

Nakailag sya sa unang suntok ko. Pinagpatuloy ko ang pagsuntok sa gitnang banda nya. Ng maramdaman kong itinuon nya ang atensyon nya sa pagtira ko sa bandang gitna ng katawan nya ay wala na akong inaksayang panahon. Muli kong tinarget ko ang ulo nya.

Nagulat sya sa aksyon kong iyon kaya hindi sya nakailag. Tinamaan ko sya sa mukha. Umikot ako at sinipa ko naman ulit ang mukha nya.

Tumumba sya habang hawak hawak ang mukha nya.

Humihingal akong umayos ng tayo at binantayan syang maigi kung gagawa sya ng aksyon.

"So pinagmamalaki mo na yang pagsuntok mo? Ni hindi mo nga alam ang totoo mong kapangyarihan eh." nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon

"Napakahina mo BJ. Isa kang walang kwentang nilalang BJ." nanginig ang kalamnan ko sa sinabi nya. Nagdilim amg paningin ko at sinugod sya

Author's POV

"Kung ihahambing sa ating dalawa ikaw ang mas walang kwenta!!!!" wala sa sariling sigaw ni BJ kay James saka sinugod eto.

Sunod sunod na suntok ang ipinakawala ni Bj. Ganoon na lang ang gulat ni James sa ikinilos ng kapatid nya.

Anong nangyayari sa kanya? Pagtataka nito

Halos hindi sya makaiwas sa mga suntok na pinapakawala nito.

Pero ang mas ikagulat nya ay ng gamitin nya ang kapangyarihan nya sa binata ay hindi ito gumagana.

"A-anong?! Paano!!" gulat at hinihingal na sabi nya. Nakatayo lang nun si BJ at nakangiti ng malademonyo habang nakatingin sa kapatid.

"You're dead James." sambit ni BJ at pinahaba ang mga kuko. Nanigas sa kinatatayuan James at hindi nakagalaw.

Paano nangyayari to? Tanong nya sa sarili nya.

*************************************

A/N: Kai on the side! I love you babe <3

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now