Chapter 3.5: First day

2.8K 140 16
                                    

Continuation...

Bj's POV

Ano ba kasing nakakatawa sakin?

Tumingin ako sa kanya at mukhang may balak na naman syang tumawa kaya napakamot na lang ako sa batok ko.

"Okey. Okey. Sabi ko nga. Di na ako tatawa. Anyway mag iingat ka." Sabi nya at binuksan na ang pinto.

Bago sya lumabas may hinagis sya sakin. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko yung hinagis nya.

"Palagi mong suotin. Masyadong màbango yun dugo mo."

"Huh? Panong mabango? Kung sa bahay, sabi din ng lola ko. Mabango daw yung dugo ka kaya palagi akong kinakagat ng lamok." Sabi ko sa kanya.

Tinignan nya lang ako ng nakakalokong tingin. Mukhang may balak na naman syang tumawa.

"Nakakatuwa ka talaga. Hahahaha. Si-sige una na ako." Sabi nya at tuluyan nang lumabas ng pinto habang tawa na naman nang tawa. Ang babaw ng kaligayahan nya aa?

Tinignan ko yung bagay na hinagis nya sakin. Isang kwintas. Sinuot ko to at lumabas na rin ng room.

Hbang pauwi ako di matanggal sa isip ko yung mga sinabi nung babae este Adellaide. Bakit? Saan? Bakit at saan ko kailangan mag-ingat?

Di ko namalayan na nakauwi na ako, binuksan ko yung gate, pagkatapat ko ng pinto may nakita akong note.

"Umalis ang maganda. Bumisita sa nanay nya. #NGAS'

Napailing na lang ako sa nakita ko. Hayyy. Loka loka talaga yung nanay ko. Siguro nagtataka kayo kung ano yung #NGAS, well niggas yun. Joke! Ang ibig sabihin nun ay 'nasa gate ang susi'. Oh diba? Lupit namin ni mama. Lumakad ako papuntang gate. Actually di sya totally na gate. Yung kahoy lang sya na hanggang bewang. Well, gate pa rin tawag sa kanya.

Pagkalapit ko sa gate, napaisip ako kung saan pwedeng itago ni mama yung susi. Siniyasat ko yung gate, pero wala talaga akong maisip na pwedeng paglagyan nung susi.

(BabyChububu: Yess!! Siniyasat talaga. Galing po yan sa baul ng kapit bahay namin.)

Che. Manahimik ka nga jan. So ayun nga. Talagang wala, imposible, kahinakot-hakot. Pero syempre joke lang yun. Wala lang talaga ako masabi. Napatalon ako sa kinatatayuan ko ng may biglang magsalita.

"Iho. Masyado kasing halata ang pagkakatago ng susi ng bahay nyo, kaya tinago ko sa mas mabuting lugar. Basahin mo na lang yung nasa likod ng note na iniwan ng mama mo." Sabi nung matanda na biglang sumulpot.

Napatingin naman daw ako sa hawak hawak kong papel. Tinignan ko yung likod at may nakasulat nga. Maliliit yung sulat pero kaya naman basahin. Yung tipong di mo lang mapapansin na may nakasulat sa likod nung note.

Tumingin ako dun sa matanda pero halos magtayuan ang mga balahibo ko ng makita ko na wala na sya sa kinanatatayuan nya kanina.

T-te-teka? Andyan lang yun kanina aa??!!

Di ko na lang pinansin yun. Kunwari di ko na lang nakita yun. Kunwari walang nangyari na ganun. Ganon nga. Tama yan BJ. Basahin mo na lang yang nasa likod matapos lahat.

'This is me, to get it. Give the authority, to take the responsibility.'

Pagkabasa ko nung nasa likod ng note, biglang may lumabas o bumukas dun sa baba nung gate.

The heck?

Maliit lang sya na space na kasya yung mga susi. May nakita akong nakatali na note dun sa susi, kaya binasa ko.

'Wag kong pagsasabi ang nakita mo. 2 lang sa 10 ang maniniwala. Aba lalo na sa mama mo, baka mapagkamalan kang baliw. Sige mag-iingat ka.'. Nakalagay dun sa note.

Napabuntong hininga na lang ako.

An daming kababalaghan dito sa school na to este sa lugar na to. Pumasok na ko ng bahay para magpahinga. Bahala na si mama. Matutulog muna ako. Baka bukas na rin yun umuwi.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now